six

202K 2.6K 33
                                    

A/N: Sorry po for always updating this story late. Sa totoo lang po, nahihirapan akong magsulat ng tagalog pero i'm trying my best. Natatagalan din po kasi ini-edit po ng kaibigan ko. Marami po kasi akong mali. Hindi kagaya nung mga english stories ko na ako lang ang nagsusulat at walang tulong galing sa iba. lol. Sana maintindihan niyo po. 

**** 

"SINO BA ang tinatakbuhan mo, cousin? Parang may humahabol sa'yo kaninang pagsakay mo" Ani Enricko habang sakay sila ng kotse nito.

"Kaya nga, bruha. Ano ang drama mo?" Tanong naman ni Gia habang ngumunguya ng chewing gum. Gaelle looked at her cousins, especially Gia.

"What happened to your lips? Have you turned into a witch?" Tanong ng dalaga habang nakatingin sa kulay itim nitong lipstick.

"What? Me? Ang ganda ko namang witch niyan" Gia said full of confidence and brushed her hair though her fingers. Gaelle rolled her eyes.

"Anyway, 'wag mong ibahin ang topic. Bakit parang may humahabol sa'yo kanina?" Napabuntong-hininga siya. Ang kulit talaga ng mga ito kahit kailan.

"No one. Excited lang akong makita kayo" Sagot na lang niya at ngumiti ng matamis.

"Hay naku. Sige na nga" Enricko said sarcastically which made Gaelle chuckle.

"Saan pala tayo pupunta? 'Di ba tayo pupunta sa bahay nila lola?" Bigla siyang nalungkot pagkaalala sa kanyang lolo at lola. Malapit siya sa mga ito at nong dumating siya dito sa Pilipinas noong isang araw ay gusting-gusto niyang bisitahin ang mga ito pero nag-alangan siya. Mula nang malaman niyang 'di pala niya ina ang maman Belinda niya ay natakot siyang magpakita sa mga ito. Baka alam na ng mga ito na 'di siya totoong apo ng mga ito at itaboy siya.

Mababait ang mga ito pero natatakot talaga siya sa magiging reaction ng mga ito pag nagkataon.

"Doon naman talaga tayo pupunta. Tapos bar hopping tayo mamayang gabi" Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Pero 'di ako nakapagpaalam na gagabihin ako" Alam na ng mga ito ang sitwasyon niya pero hindi pa ang mga lolo at lola niya.

"Eh 'di tumawag ka. Ano ka ba naman, cousin. Simpleton" She rolled her eyes at Gia.

"Oo na! Ikaw na ang magaling" Natawa naman ang mga ito.

PAGLABAS ni Gaelle sa kotse ay mas lalo siyang kinabahan. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Calm down. It's going to be alright" Bulong ni Enricko at inakbayan siya papasok sa bahay ng grandparents.

"Mamie, Papie, Gaelle is here" Gia announced. Maya-maya pa ay lumabas na ang mga ito galing sa silid ng mga ito at excited na sinalubong siya ng yakap.

"Nandito pala ang paborito kong apo na taga France" Masayang sabi nang mamie niya at yumakap dito, ganun din sa papie niya.

"Ako lang naman po ang apo niyong taga France" Biro niya na ikinatawa naman ng mga ito.

"Kaya nga, cousin. Ikaw ang paborito nilang apo na taga France tapos kami naman ang paborito nilang apo sa Pilipinas. O 'di ba? Bongga" Ani Enricko na nag-beautiful eyes pa habang si Gia naman ay pinaikot ang mga mata.

"Asus. Pinahaba niyo pa. Paborito nila tayo'ng lahat. Simpleton" Si Gia na ngumunguya pa rin ng chewing. Pinalobo pa. It's Gaelle's turn to roll her eyes at Gia. Kung maka-simpleton talaga 'tong bruhang 'to...

"Tama na nga yan. Para kayo'ng mga bata. Ano ba ang nangyari apo at umuwi ka nang 'di man lang nagsasabi?" Ang papie niya.

Napalingon siya sa kanyang mga pinsan bago bumuntong-hininga.

Taking what's rightfully his (Tagalog)(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon