Samuel's P.O.V.
"Oh My God! Nagugutom na ako." sigaw ko ng matapos ko ng mag-unpack.
"Ako rin" Pagsang-ayon naman ni Ennik.
"Sakto, may nakita akong food chain kanina sa kanto" Sabi naman ni Seungwoo na kakalabas lang sa banyo.
"Masarap ba?" Tanong naman ni Sejeong na nakahiga kanina sa kama.
"Probably, best food chain kasi daw sa Pinas" Sabat naman ni Sewoon nakakatapos lang rin ng pagu-unpack.
"Maghanda na kayo, ang dami niyong sinasabi" Daehwi said. Sarcasm.
We rolled our eyes at kanya-kanya na kaming naghanda para kumain sa labas.
"Akin na bag mo" Sabi ko naman ka Ennik. Kahit masungit, gentleman pa rin ako noh.
"'Wag na" Ang tigas talaga ng ulo nun. ANg insensitive pa. Hahaha!
Nang binuksan ko ang pinto, sakto naman lumabas ang iba sa katapat na hotel room.
"Saan lakad niyo?" Tanong naman ni Daniel.
"Kakain kami. Kayoooo?" Inunahan pa talaga ako nito e.
"Yiieee. Kakain din kami!" Yeonjung said habang kumakapit ito sa braso ni Ennik.
"Omo! Telepathy!" Sabay na announce nina Doyeon at Yoojung habang kumapit din sa dalawa.
Ang ikli-ikli ng hallway.
Parang di rin nagkita ng matagal.
~~~
We arrived sa "Jollibee". Gutom na rin ang lahat.
"Ikaw mag-order Sam" Tamad na sa-ad ng lahat. Sa dinadami-daming tao ako talaga.
"Ba't ako?" I put my phone down sa table "E ikaw yung president" Pag president talaga ganun? Pati pagkain nila ako mago-order. I'm supposed to be the one ordering them.
"Kahit kasama" Napatingin naman lahat sa akin. Ang seryoso. Hahaha!
"Samahan mo Somi" Napa-sama naman ng tingin si Ennik at walang ganang tumayo.
Na-una na siyang naglakad papuntang counter kaya binilisan ko ng lakad.
"Oh. Ba't naka-simangot ka?" Tanong ko naman kay Ennik. Napatingin naman ito sa akin bago sumagot.
"'Wag mo nang tanongin" Eh alam ko naman kung bakit wala 'to sa modu. NagP-PMS kasi ito. Ba't ko nalaman? E pinabili ako ng napkin kanina.
Natapos na kaming mag-order. Tinulungan na rin kami ng crew sa paghahatid ng pagkain sa mesa.
Si Ennik, ayon, nakasimangot pa rin. Masakit siguro ang puson nun.
I still don't understand women, kahit na kasal na ako.
"Kumain ka na oi" Nakasimangot naman na tumingin si Ennik sa akin.
"Sammmm"
"Oh?"
"Ang sakit ng puson ko" Sabi na nga e.
"Mawawala yan kapag kumain ka" Nagmake-face naman ito sa akin.
"Parang nakaranas" Kapag that thime of the month na, nagmo-mode swings 'to si Ennik. Isang araw ang sungit niya, sa susunod naman ang lambing. Minsan naman ang takaw. May mga araw nga na susuka 'to.
"Kumain ka nalang kasi. Sige ka, wala nang hapunan ngayon" She rolled her eyes and started to eat her chicken.
"Ang cute mo talaga!" I pinched her cheeks.
"Yah!"
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [Somi x Samuel]
Fanfiction"Hold my hand. I promise, I won't let go"