Kim Doyeon
Hwang Minhyun
Active NowMinhyun: Yah. Papunta na ako.
Doyeon: Okay po. See you ;)
Minhyun: See ya :*Hwang Minhyun was active 1m ago
Doyeon: Ay tangina. ANU YUN?!"Papunta na daw siya" Napatango naman ang iba. Since Friday naman ngayon ay napagpasyahan ng lahat na samahan si Somi habang hindi pa dumadating parents nila.
"Doyeon, magsabi ka nga sa amin nang totoo," Sabi ni Yoojung. Alam ko naman na kating-kati na siya na tanongin ako. Sino bang best friend na hindi nangingi-alam sa lovelife ng isa?
"Ano ba talagang meron sa inyo ni Minhyun?" Napa bugtong hininga ako. I don't want to say that there is something going on between us. Ayaw ko. Dahil never kaming nag-uusap sa labas. Never kaming nag-usap sa labas ng Messenger at SMS, kaya nga ayaw ko na mag-assume na kahit M.U.
"Hi everyone" Naputol naman ang tense nung dumating si Minhyun dala-dala yung mga damit ni Somi at Muel. Here goes the awkward atmosphere again.
Bae Jinyoung
"Pinky!" Kinaway ko naman yung mga kamay ko at nakita naman niya. Di ko in-expect na makikita ko siya sa amusement park. Kapag nakikita mo kasi siya, siya yung tipong makikita mo sa mall.
"Jinyoung-ah!" Ngumiti naman siya at binilisan yung lakad niya papunta sa akin. It's quite weird na mag-isa sa amusement park. Wala kasi sina Jihoon at Woojin, binisita si Samuel. Hindi ko naman siya kaklase so di na ako sumama. Baka masabing F.C.
"You're alone?" Napatango naman siya at pinagpatuloy ang pagkain ng kanyang ice cream. Ang cute kaya niyang tingnan.
Yung ice cream.
"Binalak ko lang talagang kumain dito. Stress eating." Pinky, ang dami kung magagandang alaala tungkol sa kanya. Meyroon ding hindi masyado. Katulad nung pinadamit niya ako ng pambabae.
"Hey. Do you still have the photo?" Tumawa naman siya ng malakas.
"Oo naman noh. Ang cute mo kayang tingnan nun"
"I-delete mo yun Pinky!" Pambla-black mail kasi niya yun sa akin. Instead of cute, she really meant jeje. Oo, ang jeje kung tingnan nun. Di kasi bumagay sa kin yung girly outfit since I gave out that manly aura.
"Ate, Kuya" Nabaling naman ang tingin namin to what looked like 13 year old kids.
"Ang niyo pong tingnan" Ano daw?
"Sana magtagal kayo." Nagkatinginan kami ni Pinky and as if on cue ay namula yung mga mukha namin.
"O-oy! Hindi kami-!" Ugh. What's the point of explaining anyways?
Kang Daniel
"Seungwoo." Tawag ko kay Seungwoo. Pinabili kasi kami ng drinks sa convenience store just across the hospital.
"Ano na naman?" Siguro, iniisip nito na I'm still acting childish.
"Paglalaru-an mo naman ako? Ang saya di 'ba? Ang saya kapag nakikita mo naghihirap ako." Sabi naman niya as he grabbed a couple bottles of warm coffee.
"Pinagsasabi mo?" LDR kami ngayon. Nasa cup noodles section kasi ako. 'Di bale, kami lang naman andito tsaka yung cashier.
"'Di ka man lang nagsabi na pinalitan mo na ako" ...Okay? 'Di ko siya nage-gets e. Kahit anong gawinng utak ko ay hindi ko pa rin nage-gets.
"Pinalitan mo na pala ako kay Sejeong. Ex M.U. ko pa." Pft. Ano?
"Ikaw na nga ang nagsabi na wala talagang kayo. Ex M.U. nga di 'ba? Hindi officially mag jowa." Nagbayad na kai sa aming bilihin.
"Aray a. Tsaka, paano mo nagawa yun? Babes mo ako." Napatawa naman ako ng malakas, pati yung cashier ay nawe-weirdohan na sa amin. Sorry kuya, ganito talaga kami. Mga abnormal.
"Babes pa rin tika a." It was now Seungwoo's time to laugh out loud. Sabi niya na ang abnormal ko raw. E sino kaya ang nagpasimuno sa ka-abnormalang ito?
Nakalabas na kami ng convience store.
"Anyways Seungwoo. I'll keep my mouth shut tungkol sa sekreto niyo ni Chungha. Basta, di yun makakalat. Pramis!" He smiled na parang contented na sa sinabi ko.
"Anong tungkol sa inyo ni Chungha?" Napalingon kami at nakita sina Sejeong at Sohye na parang kanina pa nakikinig.
Jeon Somi
Pina-uwi ko na sila. Even if they insisted to stay with me. It's 8 and I can tell by their faces that they're already exhausted. Wala rin namang extra bed kahit na private room naka-confine si Sam.
7 hours. He's been unconcious for already 7 hours. Di parin nalalaman kung sino ang nagtulak sa kanya. Not until Sam wakes up. So he needs to wake up. He will because I believe that he's strong.
Napatingin ako sa kanya.
"Gumising ka na, please." I pleaded. Umiiyak na ako. Hindi yung tipong tumutulo lang yung mga luha. I'm sobbing habang humahawak sa kamay niya.
"I hate you Sam, I hate you talaga." Damn, I'm at a point that I already love him dearly. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung mawawala siya. Hindi ko kakayanin siguro.
"Ba't ba kasi hinayaan mo na mag-away tayo?" Hindi sana to mangyayari kung di lang talaga ako umattend ng pratice sa cheerleading. Hindi sana mao-ospital si Sam.
Bigla namang gumalaw yung daliri niya.
"Doc! Gising na ang pasyente!" Sigaw ko. God. Ang saya ko. Gumising na siya.
Tiningnan naman ng doctor kung gumagana na ba yung senses niya.
"Si... Si Ennik po? asan si Ennik?" Andito lang ako Sam.
Gustong-gusto ko na siyang yakapin. Ipaalam na andito lang ako. Pero ayaw ko na nakikita niya akong umiiyak, na mahina.
Chwe Hansol
"Jeon Somi." Napalingon naman sa akin yung ka-usap ko. "You like her, right?" Parang stalker na ako dito na sinusundan siya sa napakaluwang na highway.
He smirked before answering, "Wala ka namang kinalaman dito Vernon. Di 'ba ginulo mo sila noon?" Nilapitan niya ako. Ngayon ko lang siya nakita na ganito. Ang bait pa niya sa lahat. He's the most approachable person you could think of.
"I have something to do though. Pinangako ko kay Somi na pro-protektahan ko siya. Kahit wala nang 'kami'." 'Di naman siya sumagot.
"Yah. Just give up. Will you? Best friend mo pa yung asawa." With that ay napatalikod na ako.
He pulled me.
"Kung tutu-osin nga hyung, nauna pa ako kesa sa inyo. Andyan na ako nung wala pa kayo sa tabi niya." Now it was my turn to smirk at him.
"But she chose us kasi di ka naman niya minahal."
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [Somi x Samuel]
Fanfiction"Hold my hand. I promise, I won't let go"