Choi Yoojung
"Feel ko talaga hindi si Vernon e." Sabi ko kay Daehwi matapos kinain yung fries. Matapos kami pinalayas ni Somi sa ospital ay napagdesisyonan namin na kumain kami sa Mcdo. Wala e, loyal customer kami dito.
"Feel mo lang yun, wag kang mag-assume. Masasaktan ka lang." Inirapan ko naman siya habang siya ay nasasarapan sa kinakain niyang burger.
"Lee Daehwi." Napalingon naman 'to sa akin at hinintay yung sasabihin ko. "Bakla ka ba?"
There was a moment of silence, though our eyes were still locked to each other. He smiled before laughing his butt out.
"Mamahalin ba kita kung bakla ako?" Ano daw? Di ako kinikilig ah? Ang init! Wala bang aircon? Ang poor naman ng Mcdo.
"Che!" Tinawanan niya naman ako bago sinubu-an ng kanyang sundae.
Ong Seungwoo
"Sir. Pinapatawag po kayo ng daddy niyo." Tumango naman ako sa maid at pumunta na sa opisina ni Daddy.
Ngayon lang ako naka-uwi sa bahay. Dala na rin na walang pasok bukas. Pero parang wrong timing yung pag-uwi ko dito. I think I will have some scolding.
Bago ako pumasok sa opisina ni daddy ay sinilip ko muna kung sino yung nasa loob.
Kim Chungha. Anong ginagawa nito dito? Di naman siya nagsabi na uuwi siya nung tinanong ko siya. Kasi daw, tinatamad. Ewan ko dyan. Bipolar rin minsan.
"Seungwoo, andito ka na pala. Umupo ka." Na-upo naman ako in front of Chungha. 'Di ko alam, parang ang tense ng atmosphere.
"May nakakaalam ba?" Napatingin naman ako kay daddy bago tumingin kay Chungha.
"W-wala po." Sagot namn niya. Ang nakakaalam ay sina Daniel at Sejeong. Wala nang iba. Di ba?
"May nakakaalam na." WTF?! Kang Daniel, really. Makakapagtiwalaan ka ba talaga?
Jung Sewoon
"Is this really your dream?!" Ayan na naman. Pinapagalitan na naman siya. Ang sakit na makita siyang umiiyak.
"Yoo Yeonjung, do you really want to be an idol?!" Napatango naman siya. Dumadalas na kasi ang pag-absent niya.
Nag-aalala ako, oo. Sobrang nag-aalala. Sabi niya wala daw siyang problema pero alam ko na meron.
"Yeonjung." Napatingin naman siya sa akin habang inabot ko sa kanya ang bottled water. Kaming dalawa nalang ang andito sa practice room, maagang umuwi yung iba dahil malapit na yung exams.
"May problema ka ba?" She smiked bitterly. Namamaga yung kanyang mga mata, halata na kanina pa siya umiiyak.
"Ba't parang ang daming humahadlang sa pangarap ko?" Eto na naman. Umiiyak na naman siya.
"Kahit anong gawin ko, kahit bestest ko. Ayaw sumang-ayon ng parents ko." Maganda naman boses niya, alam yun ng parents niya. At umiiba siya kapag kumakanta. Pero matalino rin si Yeonjung at mas pinaniniwalaan nila na doon siya magtatagumpay.
Singing is her passion.
But to her parents, mas mabuti kung hobby lang yun."You need to prove yourself first." She needs to debut. Kahit ano pa ang mangyari.
Bae Jinyoung
"May isda ba na nalulunod?" Natawa naman ito. Anong nakakatawa sa seryosong tanong?
"The answer is... ewan. Siguro parehas lang ang sagot nun sa tanong na may ibon ba na hindi marunong lumipad?" Napa-isip naman siya nang malalim. Yung kasabay ang pag-pout.
"e, ibon naman yung ostrich."
"ikaw kaya yung ostrich" Napatingin naman ito ng masama sa akin."gusto mo ng sapak?" napatawa naman ako.
"Baejin!" sabi nung lalaki na di ko naman kilala, di joke lang yun.
"선배! 오랜만에!" (Senior! It's been a while!) act nice. Wow. Plastic. E, kaharap ko naman yung senior namin na matagal na, sina Chorong at Luhan. Di na nga lang ko sila nakikita dahil nag-college na ang dalawa.
Nabaling naman ang attensyon ng dalawa kay Pinky. "여자친구?" sabi naman ni chorong. "Aba, ang husay mong pumili Jinyoung! Turu-an mo ako pag may time a." dugtong naman ni Luhan na dahilan para sapakan siya.
"Hindi! Transferee namin." napangiti naman lalo ang dalawa. "bilis mo, ah!"
"nagkakamali ata kayo ng akala," sabi ni Pinky. "kaibigan lang kami ni Jinyoung"
"dyan naman nagsisimula ang lahat" hay. Itong dalawang 'to talaga, akala nila sa sarili ay matchmaker.
Chwe Hansol
"Yah." Napalingon naman ito sa akin. "Anong problema mo at nangugulo ka?" He smirked as he realized that it was me.
"Oh! Vernon hyung! May I remind you kung sino ang nagsimula ng lahat ng ito?" I laughed at him unbelievably. Parang ayaw kung maniwala na siya ang may kagagawan nito. He's one of those quiet and gentle types of men.
"I didn't make such a commotion though. I didn't try to kill Kim Samuel." I just made Somi confused and that's it. Ayaw kung makulong no.
"I just thought na ang unfair. Na-una ako sa inyo pero kayo ang pinili." Ang pathetic talaga nito, he should've confessed or something. He had a choice pero di niya ginawa. Minsan napapa-isip ako kung meyroon ba talaga 'tong utak.
"E kasi kami ang minahal at hindi ikaw." And with that I turned around and a smile of victory plastered across my face.
--
I'm sorry! I haven't had time to update dahil dumating yung hell week. Pero ngayon na tapos na ay baka mapapadalas na yung update ko. Yey!
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers [Somi x Samuel]
Fanfiction"Hold my hand. I promise, I won't let go"