Chapter 1
2nd week of March 2016
Eto na yung buwan at araw kung saan si Hannah S. Mendoza ay mag bebente na. Ang araw na kanyang pinaka hihintay, dahil siya ay magiging tunay nang "woman". Well, just one more year bago siya mag bente-uno, and it depends kung gaano ka umasta bilang isang dalaga. Ni hindi pa nga siya nagkaka boyfriend, at higit sa lahat, wala naman masyadong may gustong makipag kaibigan sa kanya dahil masyado siyang mahiyain, yan tuloy, akala nung iba, mataray at masungit siya. Kung alam lang nila, pagod na pagod na siyang mapag-isa, hindi naman din niya ginusto ang maging 'ganito', ang maging... mahiyain.
Paggising niya nung umaga, ginising lang siya ng kanyang ina para mag ready na sa pagpasok at siyempre, bago iyon, kailangan niya munang kumain ng almusal, kape at tinapay, wala nang iba. At kahit kailan, hindi siya na-late, lagi siyang on time kahit malapit lang siya sa kanyang school. Hindi mawari ng kanyang ina kung ano ba ang problema at bakit laging wala sa mood ang kanyang panganay na anak, samantalang ang dalawa niyang kapatid na babae ay masiyahin, maraming kaibigan. Ganun din ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Si Hannah ang panganay, si Mark, Charles, Zeni, at Karen. Malimit silang nagkakasundo, minsan, pinapapasa mo lang yung kanin at ulam, may alitan pa, may sumbatan, mga hinanakit dahil sa nagawa mong kasalanan tatlong taon na ang nakalipas. Hay, buhay... Ganyan talaga, buti na lang yung apat niyang kapatid, kahit papaano, nagkaka bonding, samantalang itong ate nila, loner.
Pagtapos niyang kumain, maligo at magbihis, diretso alis na siya agad bitbit ang kanyang backpack habang naka suot siya ng white t-shirt at skinny jeans, black rubber shoes, tapos relo na madalas niyang sinusuot sa kanan imbes na sa kaliwang braso.
"Bye ma!" Sabi ni Hannah habang papalabas na ng bahay ng hindi man lang lumilingon o humalik sa kanyang ina.
"Sige, anak happy bir—" iyon na lang ang nasagot ng kanyang ina habang nag huhugas ng plato sa lababo.
Si Olivia, ang butihing ina ng lima.
Matagal nang hiwalay ang kanyang mga magulang noong siya'y 14 years old pa lang. Simula noon, ang dating masiyahing Hannah ay biglang nagbago, naging tahimik, naging malayo sa kanyang mga kapatid. Kaya simula din nung hiwalayan ng kanyang mga magulang, madalas na lang siya nasa labas kahit walang kalaro, kundi pinaglalaruan ng mag isa ang lupa gamit ang putol na kahoy galing sa puno. Kapag tuwing dadalaw ang kanyang ama sa kanilang bahay, bigla siyang tatakbo papasok ng bahay patungo doon sa kanilang kwarto, kung saan ka-share niya ang kanyang dalawang kapatid noon. Pero ngayong malaki na siya, nagkaroon siya ng sariling kwarto nung siya ay 18 years old na. Medyo matanda na siya bago siya nagkaroon ng sariling privacy.
Lagi niyang natatandaan ang pag-aaway ng kanyang magulang, lalo na yung araw na maghihiwalay na sila. Nandoon lang siya sa likod ng pintuan kung saan naririnig niya silang nagsusumbatan at nag aagawan kung kanino mapupunta ang mga bata. Sa kabutihang palad, sama sama silang magkakapatid na napunta sa kanilang ina. Yun nga lang, ang hindi nila alam, ayaw niyang sumama kahit kanino, gusto niyang mapag-isa sa mundo.
Juan Millares University
Last day of school na bago ang graduation. Habang papalapit na siya sa kanilang classroom, bigla siyang nakaramdam ng kaba kung saan sa likod na lamang siya umupo, kung saan, doon naman siya lagi. Si Hannah, malambot ang puso, mabilis siyang maluha, mabilis din siyang masaktan, pero hindi niya ito pinapahalata. Meron siyang crush na ang pangalan ay Robbie. Simula nung first year college pa lang siya, crush niya na ito. Madalas, naka stalk si Hannah sa kanya sa facebook. Yun nga lang, in-a-relationship daw siya kahit wala namang girlfriend. Hindi naman siya ganun kagwapuhan, pero malakas ang dating, kaya ng dahil dun, nagiging gwapo na siya para sa kanya. At meron pa, mabait naman itong si Robbie, kaso nga lang, medyo malakas mang asar. Pero kahit kailan, hindi niya naasar si Hannah dahil hindi pa sila talaga nagkaka usap kahit kailan. Kaya eto, hanggang tingin lang si Hannah, hanggang panaginip.
BINABASA MO ANG
The Graduation Day
RomanceSa loob ng apat na taon na siya ay nasa kolehiyo, muli na rin makakapag tapos ng pag-aaral Si Hannah. Ngunit, habang naghihintay ito ng graduation, marami siyang gustong baguhin sa kanyang buhay. Gusto niyang malaman ng ibang tao na siya ay may paki...