Chapter 16
1st week of April
May araw na... lahat sila ay tulog pa rin dahil sa pagod. Bago dumiretso si Robbie sa bahay nina Hannah, nagpaalam siya sa mga magulang niya na agad naman siyang pinayagan nito. Matapos ang kwentuhan nila ni Mark nung madaling araw, naka tulog sila sa kusina na mismo habang naka patong ang ulo nila sa mesa. Pag dilat niya ng mata niya, nahalata niyang medyo hirap siyang buksan ito dahil sa kakaiyak niya nung gabi at kahit nung madaling araw, hindi dahil nalasing sila. Panay ang pahid niya ng mata niya sa kanyang puting t-shirt na nasa ilalim ng kanyang white long sleeves. Tumayo siya sa kinauupuan niya at kumuha siya ng baso at sabay nagsalin ng tubig na galing sa gripo. Pagka-inom niya, may narinig siyang nag-salita, si Mark. Ito ay dahan dahan niyang nilapitan, "Ate..." sabi ni Mark habang tulog pa rin ito. Naalala nanaman ni Robbie ang kulang na pinag-samahan nila ni Hannah, as in, kulang na kulang. Nagsisisi siya na sana matagal na niyang nakilala sa Hannah ng husto, sana matagal niya na itong kinaibigan... pero kahit ganun, hindi niya pinagsisihan na minahal niya si Hannah.
Tanghali. Nagpaalam na siyang umuwi sa kanila pagtapos niyang maging emosyonal ulit sa pamilya ni Hannah.
Pag dating niya ng bahay nila, agad siyang sinalubong ng kanyang pamilya at niyakap siya ng mahigpit.
"Ma, pumasok muna kayo ni Bernadette sa loob." Sabi ni Remy, ang ama ni Robbie.
Pagpasok nila, nag-usap ang mag-ama.
"Anak... kamusta ka?"
"Eto... medyo namamaga yung mata ko."
"Kailan daw dadalhin ang katawan ni Hannah sa kanila?"
Umiling si Robbie, "walang nakakaalam."
Hinawakan siya sa balikat ni Remy at sinabing, "gusto kong malaman mo na wala kang kasalanan sa nangyari."
Hindi tumitig si Robbie sa mata ng ama niya habang mangiyak ngiyak na siya, "kasalanan ko ang lahat." Sabi niya.
"Robbie... hindi... wala kang kasalanan."
"Sana nag pumilit akong pumasok dun... kaso... isa 'kong duwag." Mas lalong umiyak si Robbie.
"Wala kang kasalanan." Sabi ulit ng ama niya. "Hindi mo kasalanan 'yon." Ulit ni Remy.
Pagtapos niyang sabihin ito ng paulit-ulit, mas lalong naiiyak si Robbie. Bigla niyang niyakap ang ama niya ng sobrang higpit, at ganun din ang ama niya.
Walang nag didiin kay Robbie na kasalanan niya ang nangyari kay Hannah, maski ang pamilya nito ay hindi siya sinisisi. Sa katunayan nga, bago siya umalis kanina sa bahay nila, ilang beses siyang sinabihan ni David at Olivia na wala siyang kasalanan sa nangyari at wag na wag niyang sisisihin ang kanyang sarili, at siya ay mahal din nilang lahat... kaya naging emosyonal ulit sila kanina bago siya maka uwi.
Kahapon, si Matet ay sumakit ang tiyan at nahirapan sa pag-hinga matapos niyang mapanood ang balita. Pinaakyat na lang siya sa kwarto ng kanyang ina para magpahinga, pero mas gusto niyang malaman ang nangyayari sa plenary hall kahapon. Ilang beses din silang nagka-usap ni David, at nagpaalam nga siya dito na gusto niyang pumunta sa bahay nina Olivia para maki ramay. Sa isip isip niya, kahapon lang magka-text kami, hindi ko akalain na yun na pala ang huli namin.
Nung nalaman din niyang si Hannah ang huling huli na inilabas sa plenary hall nung gabing iyon sa balita, hindi niya mapigilan ang pag-iyak hanggang ngayon. Samantala, pumayag si David na bumiyahe siya ng tatlong oras papunta sa bahay nila ni Olivia.
Pag dating niya sa bahay, si David ang sumalubong sa kanya habang kasama rin niya ang ina niyang si Delilah na nagbabantay at umaalalay sa kanya tuwing aalis si David papuntang malayo. Kitang kita rin sa mga mata nila ang lungkot, lalong lalo na si Matet na yumakap agad kay David at umiyak ng umiyak.
"Pa, I'm so sorry..." Iyak ni Matet.
"Tahan na... hindi yan makakabuti para sayo."
Pag tahan ni Matet, pinaupo siya ni David sa sofa sa sala at inabutan naman siya ng tubig ni Olivia, ng biglang... "Ma! May van na mag pa-park sa labas." Sabi ni Charles na naka dungaw sa bintana. Nag madali si Olivia na makita ito agad sa bintana. Isang malaking itim na van na may tatlong lalaki na naka sakay dito. Paglabas nila ng itim na van, lumabas si Olivia ng bahay para alamin kung sino sila, sinundan siya ni David... ang hindi nila alam, dala dala na ang katawan ni Hannah na nasa likod lang nito.
Bumaba ang tatlong lalaki sa van habang yung dalawa ay may kinukuha sa likod ng van at yung isa ay lumapit kay Olivia. "Ma'am, kayo po ba si Olivia Sanchez na ina ni Hannah Mendoza?"
"O-opo, ako nga po." Sagot naman ni Olivia na nagtataka.
Hindi na sumagot ang lalaki, at pagtingin nila sa likod niya, papalapit na ang dalawang lalaki na may bitbit na kabaong. Nung ito ay makita ni Olivia, para siyang matutumba ulit sa lungkot, makita na doon na nakahiga ang isa sa mga anak niya. Hindi niya ito matanggap, ganun din si David. Umiyak nanaman si Olivia habang tinutulungan siya ni David na tumayo ng diretso. Nanlalambot ang mga tuhod nila. Nakita rin ito ng mga kapit bahay nila maski si Mang Eddieboy na naghatid sa kanila kahapon, at pati na rin ng mga kapatid ni Hannah na nasa loob lang ng bahay. Si Matet naman ay hindi rin mapatahan sa pag-iyak nung siya ay sumilip sa bintana.
Nilapitan ni Olivia ang kabaong, at dun na... dun na nila nakita ni David na si Hannah na nga ang dinala sa kanila, na sinuot ulit ang kanyang white dress at naka patong ang kanyang toga habang naka litaw ang kwintas na binigay sa kanya ni Tanya nung nag birthday siya na may initial niya.
Wala na itong cap, pero halatang inayos ito ng maige. Pinalapag niya ito sa sahig at lumuhod... at niyakap ang kabaong habang tumutulo ang mga luha niya dito.
Si David naman, ay hindi maawat at mapa tahan si Olivia na naglulupasay sa sahig yakap yakap ang kabaong, naiyak na rin siya nung nakita niya ang anak niyang naka himlay sa loob nito. Napa tingin siya sa langit at dun niya binuhos ang kanyang galit at lungkot.
Ang katawan ni Hannah ay na-autopsy na at naembalsa na rin. Mabilis lang nila ito naimbestigahan at naembalsa, dahil marami ang naghihintay ng katawan ng kanilang mahal sa buhay para mai-burol na agad. Isa isang dinadala sa mga pamilya ang katawan nila na may sarili nang kabaong, ng dahil, ito ay sagot na ng mga bumubuo ng plenary hall. Nag abot din sila ng sulat sa pamilya ng mga biktima.
Yung iba naman na hindi na nakaabot ng stage, pinaabot na lang din ang kanilang diploma na itinabi sa kanilang kabaong, ganun din yung kay Hannah.
Sa bahay naman nina Tanya, siya ay naka burol na rin na naka suot din ang toga. Nung ito'y malaman ni Robbie, agad siyang pumunta kasama ang kanyang pamilya para maki ramay. Pinipigilan niya ang maluha nung nakita ito sa kabaong na naka toga, na-imagine na rin niya ang magiging itsura ni Hannah sa oras na ito ay makikita niya.
Tumunog ang kanyang cellphone at nakitang may nag text sa kanya. "Nasa bahay na si Hannah." Agad siyang nag paalam sa pamilya ni Tanya at pinaalam na dumating na rin ang katawan ni Hannah. Sinamahan siya ng kanyang pamilya ulit.
Nasa bahay na si Hannah. Parang buhay pa ito kung iisipin.
Pag dating nila sa bahay nina Hannah, nakita niya na maraming tao sa kanila, kabilang na doon ang mga nakikiramay na kapit bahay at mga kapatid at magulang ni Hannah. Nung una, hindi pa niya ito malapitan, hanggang sa hindi na niya mapigilan ang maluha nung nakita niya itong naka toga, ngunit wala nang buhay.
BINABASA MO ANG
The Graduation Day
RomanceSa loob ng apat na taon na siya ay nasa kolehiyo, muli na rin makakapag tapos ng pag-aaral Si Hannah. Ngunit, habang naghihintay ito ng graduation, marami siyang gustong baguhin sa kanyang buhay. Gusto niyang malaman ng ibang tao na siya ay may paki...