The Graduation Day - Chapter 10

2.8K 60 3
                                    

Chapter 10

4th week of March 2016

Linggo na. Si Hannah ay gumising ng maaga para maka abot sa misa kung saan siya lang ang mag-isang nagdadasal. Muli siyang lumuhod at nagdasal, humiling na ilayo sila sa lahat ng masasama, na patawarin siya ulit sa kung anu mang kasalanan ang kanyang nagawa, at nagpapasalamat sa lahat ng biyaya na kanilang natatanggap sa araw araw. Nagpasalamat din siya sa dahilang siya ay masaya na ngayon at nangakong kahit anong mangyari, siya ay hinding hindi na aalis sa kanyang naging desisyon sa buhay. Binigay ni Hannah ang kanyang buong tiwala ng buong puso.

Pagtapos ng misa, naglakad na palabas ng simbahan si Hannah. Sa labas, merong hagdanan kung saan marami ang naka-upo. Umupo rin siya dito at tumingin sa langit. Pag lingon niya sa kanyang kanan, dun niya nakita si Robbie na naka sandal sa isang bakod ng simbahan na naka ngiti sa kanya.

Robbie? Sa isip isip ni Hannah. Siya ay tumayo at lumapit kay Robbie habang naglalakad din ito papunta sa kanya. Nung sila ay nagtagpo sa gitna, bigla siyang niyakap ni Robbie ng pagka higpit higpit.

"Robbie... hindi ako makahinga." Sabi ni Hannah habang naka patong ang kanyang baba sa balikat ni Robbie. Ngunit, ito ay lalo pang hinigpitan ni Robbie. Walang nagawa si Hannah kundi yakapin din si Robbie ng mahigpit.

"Kanina pa kita tinitignan." Sabi ni Robbie, at bigla na itong bumitaw sa pagkaka yakap kay Hannah, at sila ay nagkatitigan ng husto.

"Anong ibig mong sabihin na kanina mo pa 'ko tinitignan? You mean nakita mo rin akong nakikinig ng sermon?"

Umiling si Robbie at sinabing, "pumunta ako sa bahay niyo kanina, pero sabi ng nanay mo, nag simba ka raw mag-isa."

"Kaya ka ba nandito?"

"Oo... kararating ko lang rin ng konti, kaya hindi na kita pinuntahan sa loob. Alam ko na rin na tapos na ang misa ng ganitong oras. Nakita ko na rin na palabas ka na ng simabahan."

"Ikaw talaga. Akala ko naman may kasama ka nang iba."

"Nakatingin ako sayo... at kung may kasama akong iba, pag nakita na kita, hindi na 'ko magpapakita sayo."

"Magaling ka lang siguro mag tago ng sikreto at kalokohan mo." Biro ni Hannah.

"Mahirap mag salita, pero ganon na nga." Biro din ni Robbie.

Tinulak siya ni Hannah ng mahina sa dibdib gamit ang dalawang kamay niya, habang nagkukunwari itong galit kay Robbie. Pero alam ni Robbie na nagbibiruan lang sila. Samantala, tinulak din ni Robbie si Hannah ng mas mahina pa sa kanyang balikat. Tinulak siya ulit ni Hannah na medyo lumakas, at ginantihan siya ulit ni Robbie na medyo lumakas din ang pagkaka tulak.

"Isa pa." Sabi ni Hannah.

"Ikaw nauna." Sagot naman ni Robbie.

"So, manunulak ka ng babae?"

"Kung kinakailangan."

"Aba!" Pinalo siya ni Hannah sa kanyang kanang braso. Ito ay tumawa lamang ng malakas habang paulit-ulit na siyang hinahampas ni Hannah.

Pagsapit ng gabi. Hindi pa nakakauwi si Hannah sa kanilang bahay dahil kasama si Robbie. Feeling niya, isa itong malaking kasalanan dahil kagagaling lang niya ng simbahan kaninang may araw pa. Pumunta sila sa isang tambayan kung saan medyo malayo sa simbahan. Umupo lang sila sa isang bench na naka display doon, walang ibang tao kundi silang dalawa lang. Medyo naninibago si Hannah, kaya hindi siya masyadong dumidikit ng husto kay Robbie. Sa kabilang palad, si Robbie naman ang panay ang dikit, kaya para siyang nakukuryente sa bawat hawak ni Robbie.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Robbie.

Tumango si Hannah kahit alam niyang hindi siya komportable sa upo nila. Napuna ito ni Robbie at sinabing, "wag ka mag-alala, wala akong gagawin sayo." At sabay ngumiti ito.

Ngumiti rin si Hannah sa kanya at niyakap ang isang braso ni Robbie at ipinatong ang kanyang ulo sa balikat nito.

Tahimik lang silang dalawa hanggang sa inangat ni Hannah ang kanyang ulo at hinarap ang mukha ni Robbie sa kanya. Hinalikan niya ito sa labi... nagulat si Robbie na si Hannah pa talaga ang gumawa nun sa unang beses nila. Oo, ito ang unang beses na nag-kiss sila. Hindi naman halata kay Robbie na tuwang tuwa siya, kaya nag-effort din siyang mahalikan si Hannah sa paraang hindi niya ito malilimutan.

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon