White dress, above the knee.
Red high heeled shoes, tall as a tree.
Golden necklace, the shining accessory.
Pure and strong, as she'll always be.
Now, this is the time she is ready.
Chapter 12
Graduation Day
Nagmamadali sa pag-bihis si Olivia ng biglang tumawag si David sa kanya ng saktong 5:00 a.m. Sa taranta niya, naipit niya ang kanyang daliri sa zipper na kanyang sinasara sa likod ng damit niya. Samantala, bigla namang pumasok si Karen sa kwarto niya at nagtatanong kung nakita daw ba ni Olivia yung sapatos niya. Si Zeni, muntikan nang masunog ang buhok sa pagpa-plantsa nito. Si Charles at Mark naman ay nag-aaway sa banyo.
Sa kwarto ni Hannah, siya ay prepared na prepared na. Siya ay nakatingin sa salamin at napa ngiti sa sarili. Matagal tagal na rin siyang hindi nakakapag suot ng dress at make-up. Mukha siyang anghel, isa sa mga pinapangarap niya na maging kamukha. Ang buhok niya, hindi na ganun kahaba kagaya ng dati na lagpas bewang, ngayon, hanggang balikat na lang. Natutunan niyang gupitin ang sariling buhok nung siya ay 16 years old. At simula nun, laging maikli na ang buhok niya.
Paglabas niya ng kanyang kwarto, nakita niya si Mark na nagsisintas na ng sapatos sa sala na medyo naiinis ang itsura. "Mark, ayos ka lang?" Tanong ni Hannah habang hindi nakatingin si Mark sa kanya.
"Hindi na 'ko--" napahinto si Mark dahil, pag-angat ng ulo ni Mark, nakita niya ang kanyang Ate na naka ayos. Siya ay hindi nakapag salita at nakatitig lang siya sa Ate niya na parang siya ay humahanga sa kagandahan nito.
Naghihintay ng sagot si Hannah at napalunok lang ito. Naka ilang pikit din siya sa kakahintay niya ng sagot hanggang sa na-realize ni Mark na sasagutin niya ang tanong ni Hannah.
"H-hindi na 'ko nakaligo dahil kay Charles. Ang tagal niya sa banyo."
Napa ngiti ng konti si Hannah, "ayos lang yun, alam ko namang ang dami dami mong mamahalin na pabango."
"E kaso, hindi naman ako presko. Ang aga aga pinag papawisan ako. Tsaka isa pa, ayaw mo ng nale-late diba? Kaya ayaw kong magpa huli."
Ngumiti ulit si Hannah at tinabihan si Mark sa sofa. Ito ay niyakap niya. Hindi makapaniwala si Mark sa ipinapakita ng Ate niya lalo na itong mga nakaraang araw na siya ay nag birthday. "Ate... anong nakain mo?" Tanong ni Mark habang nakapatong ang baba sa balikat ng Ate niya. Pag bitiw ni Hannah, tumingin siya sa mga mata ni Mark at nagpa salamat sa lahat ng ginawa nito sa kanyang kabutihan. Pero, walang maisip si Mark na nagawa niyang mabuti para sa Ate niya.
"Ate--"
"Meron Mark, meron kang nagawang mabuti. " Sabat ni Hannah, at ngumiti ito.
Hindi na nagsalita si Mark at pinagpatuloy ang pagsisintas ng sapatos.
Makalipas ang isang oras, muli na silang nagtungo sa plenary hall kung san gaganapin ang graduation ni Hannah. Sila ay nag arkila ng kotse sa kapit bahay habang ang driver nito ay ang mismong may-ari na si Mang Eddieboy. Siya ay hindi maka paniwala na ang laki na pala ng mga batang Mendoza na dati niyang nakikita na nag pipiko sa kalsada habang may patong patong na gomang naka suot sa braso nila. Ngayon, mga binata't dalaga na sila.
Sa sasakyan, tinanong ni Mang Eddieboy si Hannah at sinabing, "Hannah, sino yung lalaking pumunta diyan kahapon, yung naka pula?"
"Ah, si Robbie po iyon."
Nagka tinginan ang magkakapatid habang naka upo naman si Olivia sa harapan katabi ng driver.
"Robbie? Taga dito siya?"
BINABASA MO ANG
The Graduation Day
RomanceSa loob ng apat na taon na siya ay nasa kolehiyo, muli na rin makakapag tapos ng pag-aaral Si Hannah. Ngunit, habang naghihintay ito ng graduation, marami siyang gustong baguhin sa kanyang buhay. Gusto niyang malaman ng ibang tao na siya ay may paki...