The Graduation Day - Chapter 13

2.9K 50 3
                                    

Chapter 13

Graduation Day

Nung si Hannah ay apat na taong gulang pa lamang, natatandaan ng kanyang ina kung pano niya abutin ang pandesal sa lamesa, hindi niya ito maabot, pero nakakahanap siya ng paraan para maabot din ito. Hihilain niya ang upuan at tutungtungan ito, at kapag nahuli siya ng tatay niya, agad siya nitong ibaba dahil baka malaglag siya. Ayaw niyang ipakita na hindi niya ito maabot, habang ang kanyang ama at ina ay nanonood lang sa kanyang ginagawa.

Pa, bigyan mo nga siya nung tinapay. Sabi ni Olivia kay David.

Pagka abot sa kanya nung tinapay, lumuluha siyang kinakain ito dahil naiinis siya na hindi siya nakakuha kahit kumuha na siya ng tungtungan. Simula nun, kapag natutulog sa tanghali ang kanyang mga magulang, pupunta siya ng kusina at hihilahin ang upuan para tungtungan at kukuha ng kung anumang pagkain ang nasa mesa.

Feeling niya nag tagumpay siya nung siya ay naka puslit ng tuyo sa bulsa ng jumper niya sa unang pagkakataon. Hindi napansin ng kanyang ama at ina na kulang na ito ng isa o dalawa o minsan tatlo. Sa susunod na araw, hotdog naman at marami pang iba.

Kilala siya ng kanyang mga magulang na gagawin ang gusto kahit anong mangyari sumaya lang siya. At kilala siya ng marami na, siya ay may sariling mundo.

Sa labas ng plenary hall nagkita kita ang mga magkakamag anak habang humahagulgol sila sa takot. Wala na ring natitirang tumatakbo palabas habang naghihintay ang iba na makita ang mga mahal nila sa buhay na hindi pa nila nakikita simula nung nangyari ang pagsabog. Kagaya na lang ng mga kapatid ni Hannah na nakita ang kanilang mga magulang, ngunit wala si Hannah. Sinara din muna ang plenary hall ng mga pulis at iniimbestigahan ang pangyayari.

"Ma, anong nangyari?" Tanong ni Mark na pinipigil ang iyak. Ngunit hindi maka sagot si Olivia dahil bakas pa sa kanya ang trahedyang nangyari.

"Nasaan si Ate, Ma?" Tanong ulit ni Mark na umiyak na ng tuluyan.

"Hindi ko alam, Mark. Gusto namin siyang makita, pero hindi... hindi kami nakaabot sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin?"

Umiling lang si Olivia habang umiiyak. Kaya, lalong umiyak din ang mga kapatid ni Hannah, habang si David ay nasa tabi lang nila, nag-iisip.

Biglang may isang lalaki na tumayo sa mataas na lugar at nag mega phone at sinabing, "Ang sabi po ng mga pulis ay magsi uwian po muna tayong lahat habang--" napahinto ang lalaki dahil biglang nag react ang mga tao na may naiwan pang mahal sa buhay sa loob ng plenary hall.

"Ano?! Bakit? Nakita na ba ang mga anak namin? Kailangan muna namin silang makita." Sabi nung isang tatay sa kaliwa.

"Sige na po, andun ang Kuya ko sa loob." Sabi naman ng isang babae.

"Pasensiya na po, pero yun ang utos saamin. Para sa ikabubuti niyo rin naman ho ito."

"Hindi kami mapapabuti hangga't hindi namin nakikita ang kamag anak namin."

Hindi lang mga candidates ang naiwan sa loob, may mga iba ring guests lang at mga professors at marami pang iba.

"Sir--"

"Parang awa niyo na ho... anak ko yung huling tinawag nung may sumabog." Sabat ni David.

Tumahimik ang lahat at napa tingin sa kanya.

Napa iyak siya at napa luhod, at dinikit ang noo sa sahig habang tumutulo ang kanyang luha. Nag iwan ito ng bakas ng luha niya sa simento. At muli niyang inangat ang ulo niya, "gusto namin silang makita." Yun na lang ang nasabi ni David habang humahagulgol ito.

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon