The Graduation Day - Chapter 8

3.5K 74 0
                                    

Chapter 8

4th week of March 2016

Biyernes na ngayon, next week na ang graduation ni Hannah at ng mga ka-batch niyang ga-graduate. Mas lalo pa silang nae-excite habang papalapit na ang araw sa pinakahihintay nilang okasyon. Samantala, biglang tumawag si Tanya at pupunta raw siya sa bahay nila... kasama si Robbie.

Bakit?! Gulat na tanong ni Hannah sa kanyang sarili. Siya ay paulit ulit na dinuduyan ang sarili sa kama hanggang sa napa pikit na lang siya sa inis at kaba na kanyang biglang naramdaman. Kung ako kay Tanya, sana hindi muna niya sinabi kay Hannah na kasama si Robbie. At bakit kasama si Robbie? Ibig sabihin ba nun ay, mag kaibigan na sila ni Hannah. Bihirang bihira lang nagpapa punta ng bisita o kaibigan si Hannah sa kanilang bahay, pero ang madalas niyang sinasama nung araw na may mga klase pa sila, ay si Tanya. Hindi sila matatawag na mag bestfriend kung hindi sila nag aasarang dalawa. Nung una, hindi komportable si Hannah kay Tanya nung unang kilala nila sa isang subject kung saan sila ay magka grupo. Kung hindi rin dahil kay Tanya, hindi sila magkakalapit ni Robbie? Siguro. Nagkataon lang na birthday niya nung araw na yun, o talagang... lumapit si Robbie upang mapalapit kay Hannah. In short... nagkukunwari pa.

Pagdating nila Tanya at Robbie sa bahay ni Hannah, agad silang pinapasok nito at pinaupo sa sala nila. Hindi alam ni Hannah ang pwede niyang ialok sa kanila, lalong lalo na kay Robbie na umiikot ang tingin sa bahay nila. Bakit kasi sumama pa siya. Nakakailang tuloy. Sabi ni Hannah sa sarili niya.

"Ang ganda ng ceiling fan niyo." Sabi ni Robbie habang nakaturo sa kisame.

"Ah... thank you. Kumain na ba kayo?" Tanong ni Hannah na halatang nahihiya.

"Okay lang kami Hannah, wag mo kaming intindihin." Sagot ni Tanya.

"Sure kayo?"

"Oo, kumain na kami kanina sa food court sa mall." Sagot ni Robbie.

Sa mall? Magkasama sila sa mall? Tanong ni Hannah sa sarili niya ulit.

"Ah, oo..." Sabi ni Tanya, at biglang tumayo ito habang may iniaabot kay Hannah na naka paper bag.

"A-ano yan?"

"Tanggapin mo na... Ikaw, ang hilig mo pa ring tumanggi. Sige ka."

Kinuha naman ito ni Hannah sa kamay ni Tanya at sabay sinilip.

Isang box na may lamang sapatos.

"Pano--"

"Nalaman namin kahapon... humingi ng tulong sakin si Charles."

"Si... Charles?"

"Oo, si Charles, yung kapatid mong ma-pride."

Hindi makapag salita si Hannah habang nahihiya itong tumingin sa mga mata ni Robbie na nakatingin sa kanya.

"Pero... pano?"

"Siya na lang ang tanungin mo."

"Kaninong pera ito? Babayaran ko."

"Nag ambagan kami."

"Kami?"

"Ako, si Charles, at itong si Robbie."

"Bakit niyo ginawa yun? Ako na lang dapat ang bumili. Magkano 'to?"

"Ayos lang yun Hannah. Ang importante, na-realize ng kapatid mo ang mali niya kahit nahihiya siyang humingi ng sorry sayo. Tsaka isa pa, graduation gift na rin namin yan sayo. Sana magustuhan mo."

Napangiti si Hannah ng konti, hindi alam ang sasabihin sa tuwa.

"Salamat. Oo, nagustuhan ko siya." Sabi ni Hannah na hiyang ngumingiti. "So, ito ba yung pinunta niyo dito?"

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon