The Graduation Day - Chapter 14

2.5K 48 3
                                    

Chapter 14

2 hours before 1st week of April

Nung dumating sa buhay nila si Mark, si Hannah ay hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman. Sila talaga ang magka sundo noon, walang pwedeng mang away kay Mark. Isang taon ang nakalipas, nasundan pa ito ng isang lalaki na si Charles, ayaw nitong makipag laro sa kanila, pero pag pinapakita nila na sila ay masaya, nagkukunyari ito sa isang tabi na wala siyang pakielam, pero ang totoo, gusto na niyang maki sali. Ilang taon pa ang naka lipas nasundan pa ng isa, si Zeni, malambing siya, babaeng babae, at tahimik. Ang sumunod naman sa kanya ay ang bunsong si Karen na pinaka sensitibo sa lahat.

Pero ngayong may isa pa silang hinihintay na kapatid, isa itong lalaki at ang pangalan niya ay Angelo. Wala pang nakakaalam kung ano ang personalidad nito.

Nung makita nina Olivia at David ang pangalan na, Hannah Mendoza, mas lalong hindi kinaya ni Olivia at David ang kanilang nabasa. Lumapit ang apat na magkakapatid kasama si Robbie. May napansin si Robbie sa bandang paanan, isang sapatos na kulay itim. Ito ay pamilyar sa kanya, at ang natatandaan niya, ito ay ang piniling sapatos ni Tanya nung siya ay aakyat ng ligaw sa bahay nila. Mas nilapitan pa niya ito at inangat ang puting kumot.

Napa takip siya ng kanyang bibig sa gulat at wala na siyang nasabi kundi ang mapa iyak. Nung makita rin ito nina Olivia at David at ng mga anak nila, mas lalong lumakas ang kanilang iyakan. Sobrang sakit ng kanilang puso, pagod na pagod na silang lahat sa kakahintay at kakaiyak. At ngayon, ito na ang hinihintay nila... ang sumunod sa bangkay ni Tanya ay wala nang iba kundi... si Hannah, ang huling natawag bago mangyari ang pag sabog. Siya ay natagpuang patay na sa taas mismo ng stage, at may mga katabi siya na nadamay din. Isa na rito ay ang matalik niyang kaibigan na si Tanya, na natagpuang patay sa baba ng stage habang naghihintay itong matawag.

Sila ang laman ng mga balita ngayon. Kitang kita sila ng buong mundo habang marami ang nalulungkot sa pangyayari. Kahit hindi ito kamag anak ng mga nanonood ng balita, apektadong apektado silang lahat. Sa labas nito, maraming tao ang dumayo pa galing sa malayong lugar at nag paskil ng litrato ng mga nasawi sa pag sabog. Nakuha nila ang mga litrato nito sa isang registrar staff sa unibersidad ng mga nasawi. Agad agad naman itong nilapitan ng marami at nag alay ng bulaklak, kandila, at dasal. May mga nag-iwan din ng mga stuffed toys, pagkain, at sulat.

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon