Chapter 9
4th week of March 2016
Ngayon ay sabado, hindi na pinalampas ni Hannah ang araw na naging sila ni Robbie. Agad niya itong pinakilala sa kanyang mga magulang kahit malayo ang kanyang ama. Nag face time sila at naging masaya naman si David para sa kanyang anak. Samantala, isa sa mga kapatid ni Hannah ang hindi boto kay Robbie. Si Mark, ang pangalawa sa panganay. Bilang isang protective na kapatid sa kanyang Ate, kinilala niya muna ng maige si Robbie, hanggang sa nagkamayan silang dalawa, tanda na, walang problema sa kanila. Like, it's nothing personal at all. Just doing his job, as a brother?
Pinakain ni Olivia si Robbie kasalo ang mga kapatid ni Hannah sa kanilang maliit na kusina. Masaya siyang kasama, tawa ng tawa ang mga kapatid ni Hannah sa kakulitan ni Robbie. Halatang mabilis niyang makakasundo ang pamilya ni Hannah. Ngayon, siya ay nakatingin sa mga taong hindi niya kayang mawala sa kanyang piling, ang mga mahal niya sa buhay ngayon na naka palibot sa mesa. Siya ay napa-isip na, pano mo sila kayang iwan? Pano pa siya mabubuhay kung isa sa kanila ay mawawala? Ito ay isang pagkakataon na hindi niya kayang palampasin, kaya ito ay kanyang nilasap habang ito ay nakahain sa kanyang buhay. Natanto rin niya na, isa isang nangyayari ang kanyang hiling sa panginoong kanyang pinaniniwalaan. Isa isa itong nagaganap ng hindi niya inaakala. Siya ay marahil, tunay nang nagbago, pinili ang kabutihan kaysa sa kasamaan, at higit sa lahat, ito ay ginagawa niya ng buong puso at siya ay tunay na masaya.
BINABASA MO ANG
The Graduation Day
RomanceSa loob ng apat na taon na siya ay nasa kolehiyo, muli na rin makakapag tapos ng pag-aaral Si Hannah. Ngunit, habang naghihintay ito ng graduation, marami siyang gustong baguhin sa kanyang buhay. Gusto niyang malaman ng ibang tao na siya ay may paki...