The Graduation Day - Chapter 3

4.6K 88 2
                                    

Chapter 3

2nd week of March 2016

Hapon na, hindi pa nakaka hanap ng magandang regalo si David para sa kanyang anak na si Hannah. Habang lumilipas ang oras, lalo siyang kinakabahan na baka naghihintay ang kanyang anak kahit ayaw siyang makita. Ganyan naman talaga ang mga tao, kunyari ayaw, pero, naghahanap lang yan ng pagmamahal, tinitignan at hinihintay kung may pakielam ka ba talaga sa kanya, kahit ano pang galit niyan sayo. At hindi nagkamali si David doon, hintay ng hintay si Hannah kung dadating ba talaga ang kanyang ama. Hindi rin sila naghanda nung birthday niya, dahil yun ang kanyang hiling na wag mag handa kahit anong okasyon ang dumating sa buhay niya.

Alas tres na nung naka hanap ng regalo si David at alas tres na rin nung tumawag si Tanya kay Hannah, nagpapasama sa isang bookstore. In other hand, mukhang hindi na talaga dadating ang kanyang ama, kaya pagalit siyang tumayo sa kama at kumuha ng maliit na bag kung saan nilagay rin niya ng padabog ang kanyang cellphone, maliit na wallet, earphones at tinted na lip balm, at nagdali dali siyang lumabas ng kwarto diretso sa pintuan.

Pagbukas niya ng pintuan, biglang tumayo ang kapatid niyang si Charles na nagbabasa sa sala, "San ka pupunta?" Tanong ni Charles.

"Ano bang pakielam mo?" Galit na sagot ni Hannah, kung saan, hindi nakasagot si Charles. "Sabihin mo na lang kay mama na may pupuntahan ako at may kasama akong kaibigan!" Madiin na sabi Hannah.

"Teka Ate, sandali!"

Sabay dabog ng pintuan, at ayun, bigla na lang siyang nawala ng walang maayos na paalam.

Sa bookstore, doon na lang sila nagkita ni Tanya kung saan halos sabay lang sila dumating.

Pumasok na ang dalawa at nag ikot-ikot dahil nagpapatulong si Tanya bumili ng decorations for scrapbooking. Masyadong excited si Tanya for graduation, kaya pagtapos niyang makita ang kanyang mga pasadong grades, agad siyang nag desisyon na bumili na nang mga dekorasyon para maganda ang mga naka palibot sa pictures na ididikit niya sa scrapbook.

"Teka, anong maganda, red o blue?" Tanong ni Tanya kay Hannah habang may pinapakita siya na dalawang ribbon na hawak niya ng magkabilang kamay.

"Um..." Sabi ni Hannah, at sabay may itinuro sa kaliwang kamay ni Tanya. At kulay red ang kanyang napili.

Tumango naman si Tanya agad at sumang ayon sa kanyang napili at sabay shinoot sa basket.

Habang tumitingin tingin si Tanya sa mga decorations, sa kabilang aisle, huminto si Hannah sa mga cards na may music sa loob. At isa doon ay ang card na may Happy Birthday at pinaglalaruan niya ito. Paulit ulit niyang binubuksan at sinasara hanggang sa napapangiti na lang siya sa ginagawa niyang kalokohan. Hanggang sa pabilis siya ng pabilis sa paglalaro nung card at hindi malaman kung tutuloy ba talaga yung music na happy birthday.

"Hannah?" Sabi ng taong hindi niya namamalayan na nasa tabi niya na. Agad siyang lumingon at nakita na si Robbie pala iyon. Nagulat ang dalaga at nabitawan ang card sa sahig. Hindi niya tuloy malaman kung ano ang gagawin, kung ngingiti muna siya kay Robbie o pupulutin niya na ang nahulog na card.

"H-hi... Robbie?" Sabi ni Hannah na hiyang hiya habang pinupulot ang card sa sahig na hindi naman niya makita, dahil kay Robbie lamang siya nakatingin. Pagka kapa niya nung card, bigla niya itong ibinalik sa shelf at hindi alam ang gagawin.

"Andito ka rin?" Tanong ni Robbie.

Wala... wala... Sabi ni Hannah sa isip niya habang nahihiya sa pag ngiti.

"Ah, oo... kasama ko si... Tanya." Kabadong sagot ni Hannah.

"Anong ginagawa niyo dito? Tsaka, asan siya?"

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon