The Graduation Day - Chapter 18

4.9K 102 39
                                    

Chapter 18

10 years later - March 31 (Anniversary)

Sampung taon na ang naka lipas ng mangyari ang isang trahedya nung araw ng graduation. Matagal tagal din bago makamit ng mga biktima ang hustisya. Samantala, natatandaan niyo ba yung araw na binomba ng mga terorista ang sinehan sa complex center? Lumabas na sila nga rin ang may gawa nung sa graduation day back in 2016, at sa mahigit na sampung terorista na may gawa nito, tatlo lang ang nahuli. At kahit ganun lang, sa mga pamilya ng biktima, ang gusto lang nila ay, mag move-on, mag patawad at mas importante na sa kanila na mataimtim na silang nagpapahinga at malayang malaya na sa langit.

Sa Juan Millares University naman, nakalagay ang kanilang malalaking litrato at pangalan sa loob ng campus bilang isang remembrance na ang mga taong ito ay yumao na at galing sila sa unibersidad na ito, na hindi rin nila sila malilimutan kahit kailan. Pag sasapit na ang 9:00 a.m. tuwing March 31, sila ay sabay sabay magpapa lipad ng puting lobo at mag sisindi ng kandila. Hindi na rin ito ang araw na sila ay nagse-set ng graduation, ito ay naka schedule na lagi sa pangalawang linggo ng April.

Since isang dekada na ang nakalipas, si Matet at David ay may isa nang anak na si Angelo. Siya ay mag sasampung taon pa lang sa katapusan ng April, at hindi na nila ito susundan pa. Si Olivia ay masaya na rin ngayon na siya'y may sarili nang business, isang patahian, at nag vo-volunteer din siya sa mga taong may matinding trauma na pinagdadaanan sa buhay. Ang apat naman niyang anak ay nakapag tapos lahat ng pag-aaral, at ang kanilang inspirasyon ay ang kanilang Ate na si Hannah.

Si Mark naman, ay nag-asawa na rin, mag dadalawa na ang anak niya, habang ang kanyang panganay ay babae na dalawang taon na at kasalukuyang buntis ulit ang kanyang asawa. Si Charles naman ay sineryoso ng husto ang pagiging photographer nito, at ang logo ng kanyang business ay ang isang drawing ng mukha ng kanyang Ate, at kahit wala pa siyang sariling pamilya, bumukod na siya ng tirahan at madalas dumadalaw dalaw sa bahay ng kanyang ina. Si Zeni at Karen naman ay parehas pa ring dalaga na kasama ang kanilang ina sa dati pa rin nilang tirahan, wala na silang balak lumipat. May mga trabaho na rin sila, kaya madalas... nabibili na nila ang kanilang gusto, at nakakapag share na rin sila ng mga bayarin sa bahay.

Ngayon ang anibersaryo ng isang trahedya na nangyari noong 2016, araw ng graduation. Taon taon dumadalaw ang magkakamag anak sa kanilang yumaong mahal sa buhay, at kahit kailan, hindi nila ito nakalimutang dalawin. Matapos mailibing si Hannah, madalas itong dalawin ng kanyang pamilya kahit wala pa siyang isang taong patay. Halos linggo linggo silang nandun at naglalatag para lang makapag stay sila ng matagal, kung minsan pa nga, overnight sila.

Sa puntod naman ni Tanya, ganun din ang kanyang pamilya, pero minsan, isang pamilya lang ang nakaka punta. Kaya kung sino lang ang makakarating sa puntod, parehas na lang nila ito sisindihan ng kandila, ipag-dadasal, aalayan ng bulaklak at pagkain. Ngayon, pupunta silang lahat sa puntod ni Hannah at ni Tanya dahil pang sampung taon na nila ngayon. Kasama rito ay sina, Olivia, David, Matet, Angelo, Charles, Zeni, Karen, at si Mark pati na rin ang kanyang mag-ina. Pag dating nila sa simenteryo, andun na ang mga kamag-anak ni Tanya. At since sila ang naunang dumating, naalayan na nila si Hannah ng dasal, kandila, bulaklak at pagkain kahit aalayan pa rin siya ng kanyang pamilya. Tuwang tuwa silang magkita kitang muli, lalo na't mga naka ngiti na sila. Parang kailan lang, iyakan sila ng iyakan bago at pagtapos silang ilibing. Ngayon, tanggap na tanggap na nila.

April 03, 2026

May isang lalaki ang dumalaw sa puntod ng mag kaibigan. Siya ay galing ng U.S.A., at pitong taon na siyang nakatira dun, kaya ngayon lang siya ulit naka dalaw dito. Siya ay tila naninibago sa lugar, pero ganun na ganun pa rin ang tabas ng damo at kulay ng lapida sa puntod ng mag kaibigan kahit nung huli siyang dumalaw dito, pitong taon na ang naka lipas. Bago siya mangibang bansa, madalas ang kanyang pag bisita sa puntod, pero makalipas lang ang ilang taon, siya ay nagtungo na sa malayong lugar. At simula nun, wala na siyang koneksyon sa pamilya nito, hindi na rin niya nadalaw ang pamilya ng dating kasintahan na si Hannah. Sa edad niyang trenta, hindi ito halata sa kanyang itsura.

Lumuhod si Robbie sa harapan ng puntod ni Hannah at inalis ang mga natunaw na kandila sa lapida nito, habang hindi niya pinakikielaman ang mga nalalanta ng bulaklak, ganun din ang ginawa niya kay Tanya. Pagka linis niya nito, nag-iwan siya ng malalaking bulaklak sa kanilang dalawa. Muli niyang binalikan ang nakaraan, at siguradong ito ay hindi niya malilimutan.

Tumayo na si Robbie pagka lapag niya ng mga bulaklak at tahimik siyang nag dasal.

Pag tapos niyang mag-dasal ng taimtim, biglang may tumawag sa likod niya. "Kuya, are you alright?" Tanong ni Bernadette na naiwan sa kotse.

Lumingon si Robbie at tumango lang siya na ngumiti ng konti.

Pag tingin niya ulit sa lapida ni Hannah, muli niyang nabasa ang naka sulat dito. "You are gone but not forgotten. Your face is beautiful as your soul; your heart is pure like your goal. We love you so much. Rest in Peace, our dear love." Sa ilalim nung message na yun, ay ang birthday niya at ang date ng pagkamatay niya.

Napa buntong hininga si Robbie at nag punas ng mata niya kahit wala siyang luha ng biglang may humawak sa isang braso niya. Siya ay napatingin dito at ngumiti. Hanggang sa, "dad!" Sabi ng isang bata na nasa loob ng kotse. Lumingon si Robbie at nginitian ito.

"Isn't it wonderful to see her again?" Malambing na tanong sa kanya ng babaeng naka kapit sa kanyang braso. Ito ay ang kanyang asawa na si Jennifer, na nakilala niya sa States. Isa rin siyang Filipino, at isang taon pa lang ang relasyon nila nung sila ay kinasal sa America. Ngayon, dalawang taon na silang kasal at may anak na rin silang mag-dadalawang taon. Ang pangalan niya ay, Johannah.

Dinugtong ni Robbie ang pangalan ni Hannah sa pangalan ng anak niya, habang yung letrang J ay sa asawa niya, at yung letrang O naman ay galing sa pangalan niya na, Robbie. Kilala ni Jennifer kung sino at ano ang nangyari kay Hannah. Alam rin niya na siya ang dadalawin ni Robbie ngayon, at mas lalo niyang alam na dati niya itong kasintahan at sa kanya kinuha ang pangalan ng kanilang panganay na anak.

"It is... actually." Sagot ni Robbie habang naka ngiti ito.

"Daddy!" Sigaw ulit nung bata na nasa kotse habang naka kandong ito kay Bernadette. Nilingon niya ulit ang kanyang anak at nginitian lang ito ulit. Paglingon niya ulit sa kanyang asawa, tinanong niya ito ng, "let's go?"

"Well, if that's okay with you? I bet your daughter's hungry again."

Napa ngiti lang ng konti si Robbie sa sinabi ng kanyang asawa... at sa huling pagkakataon, siya ay muling lumingon sa puntod ni Hannah.

*****************************************************

THE END. Thanks for reading my story once again, and don't be afraid to vote or write a comment. I truly appreciate it. Thank you so much. ^_^

- Ionni Grace ♥️

KUNG NAGUSTUHAN MO ITONG STORY NA 'TO, YOU CAN FOLLOW ME HERE ON WATTPAD AND SEE MORE. PWEDE MO RIN I-CHECK ANG IBA KO PANG STORIES. 

LINK FOR 'THE END OF US': https://www.wattpad.com/465497718-the-end-of-us-completed-chapters-intro

LINK FOR 'DON'T FOLLOW ME' (ang pinaka bago kong istorya): https://www.wattpad.com/546950453-don%27t-follow-me-teen-fiction-intro 

You can check them out if you want, and tell me what you think. Thanks again for reading. Take care!

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon