Chapter 7
4th week of March 2016
Malapit na ang graduation at wala pang susuotin si Hannah. Tamang tama dahil wala pa rin susuotin si Tanya kaya pareho silang naghanap sa mall ng damit. Si Hannah ay gusto lang ang simpleng dress na kulay puti dahil bagay ang kulay na yun sa sapatos na binigay sa kanya ng tatay niya na kulay itim at may taas na 2 inches ang heels nito. Pagtapos nilang mamili ng susuotin, dumiretso sila ulit sa isang bookstore kung saan bumili ulit si Tanya ng mga pang scrapbook niya samantalang si Hannah ay bibili ng mga Thank You cards para sa mga taong pinahahalagahan niya.
Lunch na at hindi pa sila nakaka kain, kaya pumunta naman sila sa isang kainan sa foodcourt ng mall at nag-uusap tungkol sa kung ano ang balak nilang gawin pagka graduate.
"Anong gusto mo paglaki?" Tanong ni Tanya na madalas tinatanong sa mga bata. Natawa si Hannah habang kumakain ng french fries. "Um, gusto ko po maging doktor para makatulong sa kapwa." Dagdag ni Tanya.
"Ikaw talaga, sinagot mo lang yung sarili mong tanong." Sabi ni Hannah na naka ngiti.
"Napaka common ng ganung sagot noh?"
"Ganyan talaga mga bata."
"Hay naku, nung bata ako, pag tinatanong ako ng magulang ko ng ganyan, alam ko na agad ang isasagot ko. As in, yun na talaga yung gusto ko. Ayaw ko ng go with the flow."
"Ano bang sagot mo?" Tanong ni Hannah habang painom siya ng softdrinks.
"Bold star..." Sabi ni Tanya habang dahan dahan niyang kinakagat ang french fries.
Ayan tuloy, lalong natawa si Hannah at inubo siya na halos mabugahan niya si Tanya ng iniinom niya. "Bwisit ka, akala ko naman kung ano na. E bat hindi ka bold start ngayon?" Tanong ni Hannah habang nagpupunas ng bibig gamit ang kamay niya.
"Alam mo namang joke lang yun."
"Ano bang plano mo after ng graduation?"
Nag iisip si Tanya kung ano ba talaga ang plano niya pagka graduate nila. "Siguro, work sa office... office staff you know? Ikaw?" Sagot ni Tanya.
"Kumain ng kumain, matulog, tapos maraming pera sa bangko kahit walang trabaho."
"Plano ba yan? Parang wish lang yan eh."
"Kasi po... hindi ako sure. Baka nga hindi nako magka trabaho eh."
"Hala siya... hindi pa nakaka graduate pine-predict niya na agad."
"Kas--" Naistorbo si Hannah dahil biglang sumingit si Tanya.
"Magkaka trabaho ka niyan, imposibleng walang tatanggap sayo. Tsaka, wag masyadong mahiyain at nega."
"Ayun na nga eh--"
"O tamo... wag mo nang panindigang mahiyain at nega ka. Nakaka attract yan ng negative vibes."
"Okay po, sige na po."
Pag-uwi niya ng bahay, naabutan niyang nag-aaway ang mga kapatid niya sa sala habang umiiyak ang kanilang ina, kaya pumagitna siya.
"Ikaw naman ang naka sira eh!" Sigaw ni Karen kay Charles.
"Anong ako? Ikaw--" Sagot naman ni Charles.
"Tumigil nga kayo!" Sigaw ni Hannah sa mga kapatid niya, at tumahimik naman silang lahat sa gulat. "Hindi na kayo nahiya kay mama? Ano bang nangyayari dito? Bakit kayo nag-aaway away?"
Walang sumasagot hanggang sa lumapit si Mark kay Hannah, "Ate, may pumasok sa kwarto mo habang wala ka."
"Sino?"
BINABASA MO ANG
The Graduation Day
RomanceSa loob ng apat na taon na siya ay nasa kolehiyo, muli na rin makakapag tapos ng pag-aaral Si Hannah. Ngunit, habang naghihintay ito ng graduation, marami siyang gustong baguhin sa kanyang buhay. Gusto niyang malaman ng ibang tao na siya ay may paki...