The Graduation Day - Chapter 11

2.8K 49 0
                                    

Chapter 11

5th week of March 2016

Ito na ang huling linggo bago mag graduation day. Excited na excited na ang mga magtatapos ng pag-aaral, at isa na dun ay si Hannah. Reding-ready na siya, nakuha na rin niya ang kanyang toga.­

Nung isang gabi, tumawag si Tanya sa kanya at sinabing sila ang magkatabi ni Hannah sa upuan. Ang hindi niya alam, nahulaan na agad iyon ni Robbie bago si Tanya. Natatawa lang si Hannah habang kausap niya ito. Wala silang ibang plano sa graduation day, basta ang alam nila, sila ay magkatabi at makaka graduate na sila. Sa kabilang palad, si Robbie ay ganun din, excited na pati ang kanyang mga kabarkada. Ito ay nagpaplanong mangibang bansa, at malay mo, balang araw, sila ang magkatuluyan ni Hannah. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman kapag magkasama silang dalawa, ni hindi niya ito naranasan sa ibang babaeng minahal niya noon. Binigyan siya ni Hannah ng pagkakataong maging masaya ng lubusan, at nagpapa salamat din siya na sila ay nagka tagpo ni Hannah. Sila ay naging masaya sa isa't isa, at agad naman itong makikita.

Sa bahay nila Hannah, si Olivia ay namamalantsa ng mga damit na susuotin nila sa graduation ni Hannah. Hindi raw kasi marurunong mamalantsa itong mga anak niya, kahit ang panganay niyang anak. Excited silang lahat sa nalalapit na pagtatapos ng pag-aaral ni Hannah sa katapusan ng Marso, at bukas na iyon. Samantala, si David naman ay hindi alam ang gagawin, sapagkat, wala nanaman siyang maisip na regalo para kay Hannah sa graduation nito. Ang napag-usapan nila ay, bukas na lang siya susunod sa plenary hall dahil kailangan niyang mabantayan si Matet ngayon na mukhang manganganak na anytime soon.

"Ayos lang ako, puntahan mo na sila ngayon dun at baka ma-late ka pa bukas." Sabi ni Matet kay David.

"Alam mong buntis ka at mukhang malapit ka nang manganak. Hayaan mong gawin ko ang trabaho ko bilang asawa at ama."

"Naiintindihan kita, pero... pano si Hannah? Baka mag-alala yun na hindi ka darating ngayon sa kanila."

"Maunawain na bata si Hannah. At isa pa, naka usap ko na rin silang lahat, at wala silang problema dun."

"Sigurado ka ah? Pero bukas, kung aalis ka na, wag mo kaming alalahanin nitong anak mo. Magiging ayos lang ako, at masaya ako para sa inyo... lalong lalo na kay Hannah."

"Sigurado ako." Sagot ni David sabay yumakap kay Matet habang nararamdaman niyang gumagalaw ang bata sa tiyan nito. "Siya nga pala, pupuntahan ka ng nanay mo dito bukas para may kasama ka habang wala ako. Okay?" Dagdag pa nito.

"Okay. Mahal na mahal mo talaga kami ng baby mo."

Napangiti lang si David at hinalikan si Matet sa noo. Pagtapos, tumingin ito sa kanya at nagtanong kung ano ang magandang ipang regalo ulit kay Hannah sa graduation niya na gaganapin bukas. Ngumiti lang si Matet at naglakad patungong kusina. Sinundan siya ni David.

Sa bahay ni Hannah, pinapanood niyang naglalaro ng snakes and ladders ang kanyang mga kapatid. Hindi mapakali si Mark dahil alam niyang wala na siyang pag-asang maka akyat sa hagdan at mag tagumpay. Samantala, itong si Charles ay halatang nandadaya kaya lalong naiinis sa kanya ang mga kapatid niya.

"Dalawa lang ang lumabas sa dice, bakit anim ang imo-move mo?" Tanong ni Mark na halatang ayaw magpatalo.

"Six po kaya siya talaga." Sagot naman ni Charles.

"Ah, okay... so mandaraya ka talaga noh?" Sabi ni Mark habang hinuhubad ang kanyang tsinelas. Agad niya itong binato na tumama malapit sa dibdib ni Charles. "Bat ka nambabato?!" Sigaw ni Charles.

"Iiyak ka na?" Asar ni Mark, ng biglang may kumatok sa pintuan ng bahay nila.

Agad tumayo si Hannah para silipin kung sino ito.

Si Robbie.

"Robbie."

"Hello..." Humalik ito sa pisngi ni Hannah.

"Halika, pasok ka muna."

"Wag na, di rin ako magtatagal."

"Okay...?"

"Wala lang, gusto lang kita makita bago mag graduation bukas."

"Ano ka ba? Magkikita pa tayo bukas."

"Alam ko... kaso nga lang, malayo tayo sa upuan, baka hindi mo 'ko makita."

"Pwede ba yun? Magkikita at magkikita tayo bukas kahit san pa tayo naka upo."

"Well... pasensiya na kung hindi tayo sabay pupunta bukas sa plenary hall."

"Ayos lang yun. Siyempre kailangan mong samahan yung parents mo at yung nag-iisa mong kapatid."

Ngumiti si Robbie, "sa bagay... di bale, pupuntahan na lang kita bago o pagtapos ng graduation natin."

"Okay, no problem." Naka ngiting sagot ni Hannah.

"So... mauna na 'ko. Kita na lang tayo bukas."

"Yun lang ba ang pinunta mo dito?"

"Actually... oo, tapos para mahalikan na rin kita." Biro ni Robbie.

"Sa pisngi o sa--"

"Pareho. Sa pisngi at sa labi mo." Sabat ni Robbie na may kakaibang ngiti.

"Sa pisngi mo pa lang ako hinalikan."

Tinaas ni Robbie ang dalawang balikat niya, at biglang nilapit ang mukha kay Hannah... hinalikan siya sa labi.

"Okay na ba yun?" Tanong ni Robbie pagtapos halikan si Hannah sa labi.

"Oo, ayos na yun. Sige na, umuwi ka na." Nagba-blush si Hannah.

At umalis na nga si Robbie habang pinapanood niya itong mawala na ng tuluyan sa paningin niya.

Napapa iling si Hannah na naka ngiti.

Pagbalik niya sa sala, hindi pa rin tapos mag-away si Mark at Charles.

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon