The Graduation Day - Chapter 6

3.7K 66 0
                                    

Chapter 6

3rd week of March 2016

Si Matet, ang bagong asawa ni David, dalawang taon na silang kasal at magkakaroon na rin sila ng unang anak. Nagkakilala sila sa isang work event kung saan pinakilala lang sila ng kanilang ka-trabaho. Yun nga lang, anim na taon ang tanda ni David sa kanya. Pero, hindi naging hadlang sa kanila ang magkaroon ng pamilya, lalo na si David na may limang anak sa una niyang asawa.

Isang linggo na ang nakalipas nung huli siyang dumalaw sa bahay ng lima niyang anak. Samantala, madalas na silang nagkakausap ni Hannah kahit sa telepono lang, at higit pa doon, may usapan silang dalawa na kapag nanganak na si Matet, si Hannah ang magbibigay ng pangalan nito. May naisip na siya, at iyon ay ang pangalan na Angelo.

Sa kusina, dali daling dumiretso doon si Hannah at hinanap agad ang kanyang ina.

"Ma, aalis lang ako... makikipag kita kay Tanya." Sabi ni Hannah sa kanyang ina habang nagpapaalam ng maayos.

"Saan naman kayo pupunta?" Tanong ng ina.

"Sa bahay ng kaklase."

"Wow, buti naman anak nakikipag usap ka na sa mga kaklase mo." Nakangiting sabi ni Olivia, ng biglang... "E kasi ma, andun si Robbie." Sabi ni Charles.

Pagka tapos itong marinig ni Hannah, siya ay napakagat labi na lang at hindi kumibo, instead, nginitian na lang ang ina at humalik sa pisngi, sabay alis na.

"Mag-iingat ka ha."

Pagdating ni Tanya at Hannah sa bahay ng kanilang kaklase na si Cherry, naabutan nilang marami na ang tao sa loob ng bahay nito. Agad naman silang nakita ni Cherry at binati agad. "Hi, buti nakarating kayo."

"Ah... oo nga eh, medyo nahirapan pa kaming hanapin 'tong bahay niyo. Ang laki pala sa loob." Sabi ni Tanya habang nakangiti lang si Cherry hanggang sa inaya na silang kumain sa loob ng kusina at magkakaroon daw sila ng palaro. Marami silang naka palibot sa bilog na mesa kung saan magkatabi si Hannah at Tanya. Talagang malaki yung bahay pati na rin yung kusina, yung mesa, yung mga plato, baso, kutsara't tinidor. Meron ding caterer sa bahay nila kung saan binibigyan sila ng pagkain habang nakaupo na lang. Nagkatinginan sila ni Tanya dahil sa laki nung plato at sa dami nung pagkain na nakahain dito. Merong spaghetti, fish fillet, malalaking liempo na may sauce, dalawang cup ng kanin at chicken curry.

"Uy!" Sabi nung isa nilang katabi na si Dale, ang dati ring mahiyain nilang kaklase na nagka crush kay Tanya.

"Shock na shock ka sa pagkain nila ah." Sabi ni Robbie kay Dale.

"Ang dami pre... ang lalaki pa."

"Nguyain mo yan ng maige, hindi yan dederetso ng maige sa tiyan mo." Sagot naman ni Carl.

Paglingon ni Robbie sa kanan niya, bigla niyang nakita si Hannah na nakatitig lang sa pagkain niya.

"Baka lumamig yan." Sabi ni Robbie.

Nagulat si Hannah ng malaman niyang siya pala ang kinakausap nitong si Robbie. "Robbie..." Yun na lang ang nasabi ni Hannah.

Dahil hindi mahiyain si Robbie, kumuha siya ng upuan at itinabi yun kay Hannah at umupo ito malapit sa kanya. Nailang si Hannah at hindi makagalaw.

"San na nga ba tayo?" Tanong ni Robbie.

"A-anong nasaan na tayo?" Kabadong tanong ni Hannah.

"Yung huling pagkikita natin, diba sa bookstore? Ano nga ba pinag-uusapan natin dun?"

"H-hindi ko na maalala..."

"Umalis ka kasi agad... sayang din na hindi tayo nakapanood ng sine."

"Ah, oo..." Sagot niya na medyo napa kunot ang kanyang nuo.

"Maybe next time... pwede ka ba?"

"A-ako? Kailangan ko munang magpaalam. Alam mo naman yung nangyari sa sinehan diyan sa complex center, diba?"

"Oo nga eh. Grabe noh? Buti na lang din at nangyari na bago pa tayo tumuloy dun. Grabe talaga mga gumawa nun."

"Bakit? Sino daw gumawa? Hindi na kasi ako nakakanood ng balita."

"Ayos lang yun, nakakainis na kayang manood ng mga balita ngayon. Puro terorismo."

"Terorismo? Ang buong akala ko, aksidente lang na may sumabog."

"May mga naka tanim na bomba sa loob ng sinehan, kaya hindi aksidente yun."

"Ganun ba? Salamat sa balita." Salamat daw sa balita kahit hindi naman siya interesado. Pero, ano pa nga ba? Si Robbie kasi ang kausap niya. Ayaw niyang natatapos ang pag-uusap ng ganun ganun lang, na wala siyang sinasabi.

Tumahimik sila bigla, at nung isusubo na ni Hannah ang kutsarang may pagkain, biglang tumitig sa kanya si Robbie. Nakakailang.

"Sino nga pala ang katabi mo sa graduation?" Biglang tanong ni Robbie.

Hindi natuloy ang pagsubo niya ng kutsara dahil kinakausap siya ulit ni Robbie, at nahihiya siyang makipag usap na may laman ang bibig. Kaya inentertain na lang niya si Robbie at binaba ang kutsara sa kanyang plato.

Lulubos lubusin ko na 'to since nandito na rin naman na ako sa tabi niya. Makikipag usap ako kay Robbie kahit anong mangyari. Sabi ni Hannah sa sarili niya.

"Ang alam ko, hindi ka pwedeng mamili, dahil in alphabetical order daw."

"I mean... sino?"

"Sino? Si Tanya sana." Sabi ni Hannah habang nakaturo kay Tanya na umiinom ng juice at nagkukunyaring hindi niya nakikita si Robbie at Hannah na magkatabi at nag-uusap. Kaya ngumiti lang siya kay Hannah na may baso pa sa bibig niya.

"Si Tanya? Ay oo, kasi parehong nagsisimula sa letter M yung apilyedo niyo."

"Pero kasi, dalawang Mercado ang meron sa course natin at tatlo kaming Mendoza... kaya hindi rin ako sure na—" Napahinto si Hannah dahil biglang sumabat si Robbie.

"Si William Mercado, Clarence Mendoza, Elijah Mendoza at Garrett Mendoza... edi kayo ngang magkatabi ni Tanya."

Kilala niya silang lahat? Ang alam ko lang, mga apilyedo nila at ang mga mukha nila.

Matapos ang kainan, nag palaro si Cherry at ang mga kaibigan niyang super girly. Para sa iba, mababait naman sila, at para kay Hannah, hindi, pero ngayon, unti unti niya nang nakikilala ang mga tao sa paligid niya, at natututunan na rin niya ang mahalin sila.

Sa games nila, kailangan ng ka-partner. Pinipilit siyang sumali ni Tanya pero ayaw niya, kaya kumuha na lang ng ibang ka-pareha si Tanya na si Angela ang isa pa nilang kaklase. Sumandal na lang si Hannah habang naka halukipkip sa isang tabi kung saan nakita niya si Robbie na papalapit sa kanya.

"Hannah, tara partner tayo." Alok ni Robbie.

Ako? Bakit ako? Mamamatay ako pag nahawakan ko kamay mo. Sabi ni Hannah sa kanyang sarili na tila ba parang kinakausap niya si Robbie. Isang senyales na hindi niya kayang tapatin si Robbie na kung ano ang kanyang nararamdaman.

"Halika na..." Sabi ni Robbie habang hinihila siya sa kanyang kaliwang braso.

"Teka, Robbie..." Sabi ni Hannah na nagpupumiglas.

"Bakit? Ayaw mo ba 'kong maka partner? Halika na, madali lang naman yung laro eh."

"Oo, pero, hindi ako marunong sumayaw."

"Ayos lang yan, sabayan mo na lang ako." At hinawakan siya ulit sa kanyang braso.

"Robbie, wait, teka lang... baka magalit si Cherry."

"Hannah..."

Nagkatitigan silang dalawa. "Sandali lang yung laro, at mag kaibigan na lang kami ni Cherry." Sabi ulit ni Robbie na nangungusap ang kanyang mga mata na parang nagsasabi na hindi kita sasaktan.

At ng dahil dun, pumayag na si Hannah.

Para siyang nasa tubig habang iniikot siya ni Robbie, ni hindi niya malaman kung saan at kanino siya babagsak kung sakaling siya ay matutumba. Hindi siya nakakaramdam ng kung anu mang pangamba habang magka hawak sila ng kamay ni Robbie, at halatang komportable sila sa isa't isa.

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon