The Graduation Day - Chapter 4

3.7K 78 0
                                    

Chapter 4

2nd week of March 2016

Pagdating ni Hannah sa kanilang bahay, hindi niya napuna na naghihintay ang kanyang mga kapatid at ina sa sala kung saan bakas sa kanila ang alala. Bigla silang nataranta nung nakita nilang dumating na ang kanilang hinihintay na si Hannah.

"Diyos ko kang bata ka... san ka nanggaling at hindi ka man lang nagpapaalam?" Sabi ni Olivia sa kanya anak na sinalubong niya sa pintuan.

"Ang sabi ko, ayos lang ako. Ang importante, naka uwi na 'ko."

"Kahit na, e pano kung may nangyaring masama sayo at hindi ko alam kung saan ka nagpunta at kung sino ang kasama mo. Sinong sisisihin? Ako, diba?"

"Ma, nandito na 'ko. Sorry na, hindi na mauulit."

"Ano ba kasing problema, anak?"

Tumahimik lang si Hannah at hindi maka tingin sa mata ng kanyang ina pati na rin sa mga kapatid niyang nag aabang at nakatingin sa kanya.

"Hannah..." Sabi ng nanay niya ulit.

"Pagod ako ma, sige... sa kwarto muna 'ko." At bigla siya ulit umalis ng yun lang ang sinabi.

Para sa inang katulad ni Olivia, nasasaktan siya na ganun ang inaasta ni Hannah. Hindi niya mawari kung ano ba talaga ang problema, kung paano niya maibabalik sa dati si Hannah na isang masiyahing bata na naging seryoso at malungkuting dalaga.

6:00 pm, ng makarating si David sa bahay na dati niyang tinitirahan. Ginabi na siya dahil mahigit tatlong oras ang biyahe papunta sa kanila. Si Mark naman ay may nahalatang ilaw na galing sa labas na nagrereflect sa loob ng bahay nila. Agad niya itong sinilip sa bintana at nahalatang ama nila ang lumabas ng kotse.

"Si papa yun ah." Sabi ni Mark habang nakadungaw sa bintana.

Agad naman sinilip ng magkakapatid ang kanilang parating na ama. "Ma! Si papa, papunta dito." Sabi ni Karen.

Hanggang sa may kumatok sa kanilang pintuan at binuksan naman ito agad ng kanilang ina.

"David... Napa dalaw ka."

Hinalikan bigla ni David si Olivia sa kanyang kaliwang pisngi.

"Olivia, kamusta ka na? Yung mga bata?"

"Ah, nandito sila."

"Si Hannah, ga-graduate ba ang panganay natin?"

"Ayun nga eh, gusto ko siyang tanungin, kaso hindi naman nagsasalita yung anak mo."

Napa isip at tumahimik lang si David saglit.

"Pumasok ka nga muna dito at maupo ka."

Pag pasok ni David, nakita niya ang apat niyang anak na hinihintay siyang makita. Para kay David, malaki ang nagbago sa itsura ng mga anak niya dahil lumalaki na sila. Na-realize din niya na matagal na rin sila hindi nagkita kita, at mahigit tatlong taon na ang nakalipas nung huli niyang nakita ang mga anak niya, at iyon ay nung 17 years old pa lang si Hannah.

Samantala, si Mark ang sumunod kay Hannah ay junior na sa college, si Charles naman ay sophomore na sa college, si Zeni naman ay 3rd year high school at ang bunso na si Karen ay nasa 1st year high school.

"Teka, tatawagin ko si Hannah." Sabi ni Olivia.

Pagka alis niya, naiwan ang mag aama sa sala na hindi alam kung pano sisimulan bakuran ang katahimikan. Hanggang sa unang nagsalita si Mark na pumapangalawa sa panganay, "Pa, buti naman at napadalaw ka."

Napangiti ang ama. "Oo naman, siyempre... ang tagal na nating hindi nagkita kita."

Tahimik nanaman ang lahat ng biglang lumapit si Mark para mag mano sa kanilang ama, "mag mano kayo..." sabi ni Mark sa mga kapatid niya na naka tunganga lang, at agad naman silang nagsipag mano.

Nahalata rin nila na marami siyang bitbit. At iyon ay regalo para kay Hannah at mga pasalubong para sa apat pa niyang anak.

Sa kwarto ni Hannah, ayaw niyang lumabas kahit anong pilit ni Olivia sa anak niya.

"Andiyan ang tatay mo, lumabas ka na dun at mag mano ka."

"Ayoko nga."

"Hannah, diba hinihintay mo siya?"

"Hindi ko siya hinihintay." Mabilis na dipensa niya.

"Hannah, nandito siya para sayo. Para sa mga kapatid mo. Ayaw mo na ba siyang makita?"

"Sinabihan ko na siya dati na wag na wag na siyang magpapakita pa dito kahit kailan."

"Tinatanong niya kung makaka graduate ka raw ba itong Marso."

Nag halukipkip na lang si Hannah kahit alam niya ang sagot doon.

"Anak, sagutin mo ang tanong ko."

Medyo matagal rin bago siya maka sagot, hanggang sa... "Makaka graduate po ako."

"Sigurado ka na ba?"

"Sigurado ako, dahil pasado ang mga subjects ko."

"Pwede bang makita?"

"Ma, kung ayaw mong maniwala saakin. Ayos lang. Hindi naman ako nag hahangad ng kasama sa graduation eh. Tsaka wag ka rin mag-alala, bayad na ang graduation fee ko."

"Hannah... hindi naman yun ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang ng siguradong sagot."

"Sigurado nga ako."

"Okay sige... sinabi mo eh. Pero gusto kang makita at maka usap ng tatay mo."

"Para ano?"

"Anak, huwag kang ganyan. Sige na, labasin mo na ang papa mo at sabihin mong ga-graduate ka."

Matapos ang pamimilit ng kanyang ina, lumabas siya saglit sa sala at sinabing, "ga-graduate ako." sabi niya sa kanyang tatay.

"Buti naman anak kung ganun. Anak, gusto ko sanang sumama at makita kang aakyat ng stage."

"Fine." Malamig na sagot ni Hannah. Pero kahit ganun, masayang masaya ang kanyang ama dahil may magtatapos na siyang anak at siya ay makakasama.

"Congrats at salamat anak... Siya nga pala... Belated happy birthday." Sabi ng kanyang ama habang inaabot ang regalong dala niya para kay Hannah. "Pasensiya ka na kung hindi ako nakapunta nung mismong birthday mo."

Unti unting sinisilip ni Hannah ang laman ng paperbag, at doon, nakita niya na may regalo ang kanyang ama na sapatos, na alam niyang sasakto sa paa niya kahit hindi pa niya ito nasusukat.

"Sana kasya." Sabi ni David.

"Thanks." Malamig na sabi ni Hannah.

At biglang tumahimik nanaman ang sala, ng biglang nagsalita si Olivia at nag ayang mag dinner kasama si David.

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon