The Graduation Day - Chapter 15

2.8K 51 0
                                    

Chapter 15

1st week of April

Natapos ang araw na sila ay hindi mapa tigil sa pag-iyak. Alas tres na nung maka uwi silang lahat sa kani kanilang bahay. Marami ang nakaligtas, at malamang, panatag ang loob nila na nakompleto sila. Pero, mas nangingibabaw ang mga taong nakakaramdam ng lungkot, lalo na yung kamag anak ng mga nasawi. Isa na dito ay ang mga naiwan ni Hannah.

Hinatid ni David sina Olivia at ang mga anak nila na kasama si Robbie sa kanilang bahay. Nag iiyakan silang lahat sa sala, halos walang humpay simula nung nangyari ang pag sabog. Walang nag-aakala na siya ay biglang mawawala ng ganun ganun lang. Kung kelan na siya ay tuluyan ng pinili ang kabutihan at mag mahal ng kapwa niya, dun naman siya biglang kinuha. Isa 'tong senyales na kanyang hinihingi noon pa, talagang tuluyan na siyang nag bago at nag laho, at hinding hindi na magbabago pang muli sa kanyang landas at desisyon na pinili. Lahat ito, ay tama.

Masakit man isipin na siya ay hindi na babalik, kinakailangan nila siyang makita ulit sa huling pagkakataon. Samantala, hindi pa kayang makita ulit ni Olivia and labi ng anak na dinala muna sa isang hospital para i-autopsy at maembalsa na ito, at pagtapos nun, maaari na siyang dalhin sa kanilang bahay para sa burol. Sa tuwing naiisip nila ito, mas lalo silang nasasaktan, dahil hindi nila ma-imagine na siya ay iuuwi ng bahay ng wala nang buhay.

"David... hindi ko na kaya." Iyak ni Olivia habang magka yakap sila ng sobrang higpit ni David. Hindi ito maka sagot dahil siya ay iyak din ng iyak sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Ma, Pa... gusto kong mayakap si Ate." Iyak ni Charles. "Sana dati ko pa naisip yun nung nabubuhay siya... ni hindi man lang ako naka hingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya." Dagdag pa nito na halos hindi na siya maka hinga.

"Kaya pala nitong mga nakaraan, iba siya kumilos... mas bumait siya, hindi ko akalain na saglit na lang pala ang buhay niya." Iyak din ni Mark. "Gustong gusto kong ipaalam sa kanya na mahal na mahal ko siya." Dagdag ni Mark na lumuluha ng sobra. Sa kanyang sinabi, mas lalong nag iyakan ang mga kapatid niya, pati na rin si Robbie na walang patid sa pag hagulgol.

Saan ako kukuha ng sagot? Saan ako makakahanap ng butas para maibsan ang sakit na aming nararamdaman? Ni ayaw ko nang isipin kung bakit siya biglang nawala, at kung bakit siya ay biglang nag bago at kung ano ang pinapakita nito saamin. Ako ay natutuwa sa naging direksyon na pinili ng aking panganay na anak na si Hannah. Wala nang papantay pa sa kanyang mabuting puso. Kahit na ilang taon din na hindi kami nagka usap, mas pinili niya ang patawarin ako at ang mga taong nakaka sakit sa kanya. Lahat ng mga tanim niyang galit noon, ay tuluyan ng nag laho ng parang bula dahil siya ay nagtungo sa maliwanag na ilaw kung saan siya ay makakahanap ng tunay at pang habang buhay na kasiyahan. Tama ang kanyang naging desisyon, hindi siya nagkamali at ayaw na niyang baguhin pa itong muli. Kaya... siya ay tuluyan nang kinuha saamin.

Hindi pa rin tapos ang pag-iyak ni Olivia, at napag desisyunan niya ang matulog sa kwarto ni Hannah. Siya ay tinabihan ni David habang yakap yakap niya ang unan ni Hannah na kaamoy ng kanyang buhok. Siya ay mas lalo pang naging emosyonal.

"Hindi na siya babalik." Iyak ni Olivia na hindi narinig ni David. "Wala na... wala na ang anak ko." Dagdag pa nito na doon lang biglang narinig ni David. Umupo siya sa gilid ng kama at nag takip ng mukha para umiyak ulit.

Sobrang sakit... sobrang sakit. Sa isip isip ni David habang siya ay lumuluha. Bakit? Bakit niyo sa kinuha saamin agad? Tanong ni David sa panginoon na kanyang pinaniniwalaan.

Sa kusina, si Mark at Robbie ay nag-uusap habang si Charles, Zeni at Karen ay naka tulog na sa kanilang kwarto sa pagod.

Nag labas si Mark ng dalawang lata ng light beer. Hindi ito alam ng kanyang ina na meron silang ganito sa kanilang ref. Nabili niya ito nung silang apat na magkakapatid ay nagkatuwaan nung isang buwan bago mag bakasyon, ngunit hindi kasali si Hannah dito, ni hindi rin niya alam ang kanilang pinag gagawa noon dahil siya ay madalas lang sa kanyang kwarto. Magaan lang naman daw ito, kaya yun ang kanyang dahilan kung sakaling mahuli man siya ng kanyang mga magulang na umiinom.

"Umiinom ka ba?" Tanong niya kay Robbie habang pa-upo siya ng upuan.

"Sure." Sagot ni Robbie at sabay kinuha ang lata ng beer.

Sabay silang nag bukas at dinig na dinig ito.

Pagka inom ni Mark, napa iling siya, habang si Robbie ay mukhang sanay na.

Tahimik ang paligid, walang ibang naririnig kundi ang pag daloy ng alak sa kanilang lalamunan.

Binaba ni Robbie ang lata ng alak at tumitig lang kay Mark na walang emosyon. Tumitig din pabalik si Mark.

"Mas kamukha mo si Hannah. Hindi ko pa nasasabi sayo yun?" Sabi ni Robbie.

Umiling si Mark.

"Alam mo... nung unang kita ko sa Ate mo... halatang halata na mahiyain siya."

Nakikinig lang si Mark habang nagkukwento si Robbie tungkol sa Ate niya.

"Nung first day namin sa college, kailangang magpakilala sa lahat. Nung siya na yung tatayo sa gitna ng klase, hindi siya mapakali sa hiya. Pinag-uusapan na nga siya nun kasi ang awkward masyado." Napa iling si Robbie na may kakaunting ngiti sa kanyang mga labi. Uminom ito ulit at nagkwento ulit tungkol kay Hannah. "Sa sobrang hiya niya, umiikot yung mga mata niya sa classroom kasi tinitignan niya kami kung jina-judge namin siya. Pero, nung napatingin siya sakin... ang tagal bago niya alisin. Simula nun, sinabi ko sa sarili ko na... hindi ko siya pwedeng asarin o bullyhin."

Tumango ng isang beses si Mark at nagtanong, "anong nangyari pag tapos nun?"

"Parang ako yung pinaka iniiwasan niya sa lahat pati yung mga bully na babae. Ni minsan hindi kami nagka-usap, hindi ko rin siya naasar kahit kailan, dun lang ako lagi sa mga ka-close kong kaibigan. Hanggang sa tumagal tagal na kaming magka-klase, nalaman ko na may crush daw siya sakin."

"Anong ginawa mo?"

"Hindi ako naniwala. Hindi ko siya inisip." Uminom si Robbie ulit at bumulong sa sarili, "tanga, isa 'kong tanga."

Hindi na nag react si Mark sa sinabi ni Robbie at iniba na lang ang topic... wala nang iba kundi sa masayang ala ala na iniwan ni Hannah sa kanya.

"Nung bata kami ni Ate... ang natatandaan ko, mahilig siyang magnakaw ng pagkain sa mesa."

Natawa bigla si Robbie habang napapa iling ito, ganun din si Mark.

"Totoo yun! Binubulsa pa nga niya yung tuyo nun e." Sabi ni Mark na masaya ang kanyang boses.

"Tuyo?" Naka ngiting tanong ni Robbie.

"Oo... ay nako ah... tapos itatapon na niya yun pag malapit na siyang mabuking. Minsan pa nga, nabilaukan yan kasi salita ng salita habang may pagkain sa bibig. Hinila ba naman yung bacon sa lalamunan niya na bumara... tapos meron pa... nag lagay siya ng dalawang orange sa magkabilang boobs niya tapos nag tube siya..." Kwento pa ni Mark na halos maluha na siya sa kakatawa, ganun din si Robbie. "Sumayaw sayaw sa harapan ng bahay... sakto parating si Papa... pinalo siya sa pwet." Mas lalong lumakas ang tawanan nilang dalawa.

"Ay diyos ko... grabe." Sabi ulit ni Mark habang pinupunasan ang luha sa mata niya dahil sa kakatawa.

Pag tapos nun, bigla silang tumahimik at bumalik sa dati na sobrang lungkot. Mas lalo nila siyang namiss... gusto nilang umiyak ulit.

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon