The Graduation Day - Chapter 5

3.5K 78 3
                                    

Chapter 5

2nd week of March 2017

Matapos ang dinner, agad dumiretso si Hannah sa kanyang kwarto habang bitbit ang regalo na binigay sa kanya ni David. Paglapit niya sa kanyang mesa, napuna niya ang kanyang cellphone na may text at tawag galing kay Tanya. Napangiti siya at agad sinilip ang text sa kanya.

"58 daw ang patay sa sinehan."

"Huh? Ang dami naman." Reply ni Hannah.

"Oo nga eh. Nakakatakot. Pinagalitan nga 'ko ni mama't papa eh. Di kasi ako nagpaalam."

"Haha! Ako nga rin eh, di nagpaalam."

"Si Robbie at Cherry magkasama sa bahay ni Alan."

Matapos niyang malaman ang binalita sa kanya ni Tanya na magkasama si Robbie at Cherry, lalo siyang nainis na ewan kaya hindi na lang siya nagreply at humiga na lang sa kanyang kama habang nag-iisip tungkol sa buhay. Kung anu ano.

Sa edad niyang bente, marami rami na rin siyang napagdaan sa buhay. Ang galit na kanyang nararamdaman ay walang humpay, lagi na lang siya nag-iisip ng hindi maganda, lagi na lang siyang nalilito, lagi na lang siya naiinis at nagagalit sa mga maliliit na bagay kahit gusto niya nang alisin iyon sa kanyang sistema, kung saan puro hinananakit na lang siya. Ayaw niya na, pagod na pagod na siya, ngunit hindi niya mapigilan ang magalit, magalit sa lahat ng bagay, sa lahat ng nakikita niyang mali kahit hindi naman. Ang kalungkutan na kanyang nararamdaman ay nag uumapaw din, hindi niya alam kung paano rin makakaiwas dito, kung paano malulutas ito. Ang natatangi niyang solusyon dito ay ang magpakamatay na lamang, dahil para sa kanya, wala nang saysay ang kanyang buhay... at doon siya nagkakamali. Sa lahat ng mga naging desisyon niya sa buhay, madalas siyang pumapalpak, dahil mas nauuna ang galit at lungkot kaysa sa mag-isip muna. Pagtapos nun, bigla siyang magsisisi, hanggang sa magagalit siya sa kanyang sarili at sa iba, at kasabay noon ay... labis na kalungkutan.

Upang hindi na siya makaramdam ng inis at lungkot... sinabi niya sa kanyang sarili kapag lalabas siya ng mag-isa, sisiguraduhin niyang magpapaalam siya ng maayos sa kanyang ina, at hindi na lang niya papatulan ang kanyang mga kapatid kung sakaling siya ay aasarin nanaman.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag-iisip, biglang may kumatok sa kanyang pintuan.

"Pasok." Sabi ni Hannah. Ang bagong simula para sa kanya.

Pagbukas nung pintuan, napansin niya na ang tatay niya pala iyon na dahan dahan pumasok at lumapit sa kanya, at sabay umupo sa gilid ng kanyang kama.

"Anak, pag pasensiyahan mo ang di ko pagdalaw nung saktong birthday mo. Pero, kahit kailan, hindi ko nakalimutan ang kaarawan niyong magkakapatid."

Tahimik lang si Hannah at nakatingin lang sa kanyang ama.

"Sorry, dahil marami akong pagkukulang sa inyong magkakapatid. At sa totoo lang, ikaw lang ang inaasahan kong magbabantay sa kanila. Pero alam kong naiintindihan mo sila. Kaya anak, kapag wala na kami ng mama mo, wag na wag mong pababayaan ang mga kapatid mo ha. Magtutulungan kayo balang araw."

Hindi pa rin nagsasalita si Hannah.

"Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan." Sabi ni David na pinipigilang lumuha. "Gusto kita makitang masaya ulit... lalo na't magtatapos ka na ng pag-aaral. Hindi mo alam kung gaano ako ka-proud sayo."

Habang nakatingin lang si Hannah sa kanyang ama, bigla siya sa iba tumingin at pinipigilan rin ang maluha. Ayaw ni Hannah ito ipakita, kaya pinigil niya ng husto hanggang sa bumalik ang tingin niya sa kanyang ama.

May gusto siyang sabihin, ngunit hindi niya masabi, hanggang sa...

"Pa... mahal ko kayo ni mama pati na rin si Mark, Charles, Zeni at Karen. Kahit na nasasaktan ako lagi sa lahat ng bagay, kahit kailan ayaw ko naman kayong iwan. Kahit na sinabi ko noon na gusto kong mapag-isa. Galit ako... galit ako sa mundo dahil feeling ko iniwan mo kami... naiinis ako sa inyo ni mama kung bakit kailangan niyo pa mag hiwalay. Walang araw na hindi ako nakaramdam ng galit at lungkot, pati takot." Sabi ni Hannah habang nagsisimula na siya sa pag-iyak.

"Wala ring araw na hindi kita hinintay kahit galit ako sayo..." Sabi ni Hannah kung saan hindi niya namamalayang umiiyak na pala siya ng husto, kaya naiyak na rin si David at agad niyakap ang anak.

"Pa... Sorry." Muling sabi ni Hannah habang nakayakap ng mahigpit sa kanyang ama.

"Sorry din, anak." Iyak ni David.

Umaga na, narealize ni Hannah na unti unting nagising at hindi niya namamalayang nasa tabi niya ang kanyang ama at magkayakap silang natulog. Nung nakita niya ang kanyang ama na tulog pa rin habang magkayakap sila, napuna niyang may luha pa ito sa isang mata at sabay pinunasan ito gamit ang kanyang hinlalaki. Matapos mapunasan ang luha, niyakap niya ulit ang kanyang ama at pumikit siya ng may ngiti sa kanyang mukha.

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon