The Graduation Day - Chapter 2

4.9K 113 0
                                    

Chapter 2

2nd week of March 2016

Bakasyon na! Hindi siya ginising ng kanyang ina para bumangon, at isang himala na siya'y gumising na may ngiti sa kanyang mukha. Samantala, nakalimutan niyang buksan ang regalo na binigay sa kanya kahapon ni Tanya at hindi pa rin niya nababasa ang card na nasa loob ng sobre.

Agad siyang bumangon at kinuha ito sa loob ng kanyang bag.

Dali dali siyang umupo sa kanyang kama at agad binuksan ang sobre at sabay nilabas ang card na nasa loob nito.

"Happy Birthday Hannah Banana! Matagal na rin tayong magkakilala, sana wag tayong magkalimutan, at ako lalo na, hinding hindi ko makakalimutan ang pagiging tahimik at mahiyain mo. Enjoy your 20th birthday this year, I wish you all the best in life. --- P.S. Another chance ito na binigay sayo ulit ni God, so be happy. Love, Tanya Mercado. <3"

Aba, ang daming alam nito. Sa isip isip ni Hannah.

Samantala, agad naman niyang binuksan ang nasa loob ng maliit na box. Nilabas niya ito at tinignan ng maige. Isang gold na kwintas na may initial niya. Siya ay napangiti at agad niyang sinuot iyon sa kanyang leeg.

Paglabas niya ng kwarto, dumiretso siya sa kusina nila kung saan nandoon na ang kanyang mga kapatid na nag aalmusal.

Ang ingay naman nila...

Pero dirediretso pa rin siya sa ref para uminom ng tubig.

Pagkadaan niya, may bumato sa likod ng ulo niya, ngunit hindi niya ito pinapansin kundi walang hinto siya sa pag inom ng tubig na nasa tumbler niya na may pangalan. Ginawa ito ng kanilang ina, na lagyan ng pangalan ang bawat gamit nila para hindi nagkakaangkinan. Isa na roon ay ang kanilang inuman.

Si Charles, ang pinaka pilyo sa lahat, lagi niyang inaasar at ginagalit ang kanyang mga kapatid lalo na ang kanyang Ate na si Hannah.

"Ate, tumataba ka." Sabi ni Charles, habang tumatawa lahat ng mga kapatid niya.

Ngunit hindi pa rin niya ito pinapansin habang naka talikod siya.

"Robbie!" Sigaw naman ni Charles.

"Shh... tigilan niyo nga si Ate, baka mamaya, lalong tumaba yan pag nagalit." Sabat naman ni Zeni habang nagtawanan pa sila lalo.

Hanggang sa humarap na si Hannah sa inis.

"Hindi ko hinihingi ang opinyon niyo tungkol sa katawan ko. At higit sa lahat, hindi nakakataba ang galit. Nakakapatay." Bigla itong lumabas ng kusina at dumiretso sa kwarto niya.

Walang nasabi ang kanyang mga kapatid, dahil from all these years, ni hindi sila sinagot ng ganun ng kanilang Ate.

Samantalang si Olivia, ang kanilang ina, napa ngiti ng konti habang may niluluto ito dahil sa narinig niyang pagsagot ni Hannah sa kanyang mga mapang asar na kapatid.

"Tigil tigilan niyo ang ate niyo, hindi niyo alam ang tinatakbo ng isip niyan. Naaalala mo ba Charles nung muntikan ka nang masagasaan ng tricycle sa harap ng school niyo?"

Tumango si Charles.

"Sino nag save sayo?"

"Si ate."

"Si ate... oo, si ate na madalas niyong asarin."

Sabay tawa si Mark.

"Ikaw Zeni, naalala mo ba nung may nang aaway sa'yo na kapit bahay natin? Sino nagtanggol sayo?"

"Si ate?"

"Oo, siya nga... at ikaw ulit Charles, nung nadumi ka sa pantalon mo, sino nag linis sayo?"

"Si ate." Mayabang niyang sagot habang nagtatawanan ang kanyang mga kapatid.

"Tama, kaya wag niyong ginaganyan ang ate niyo. Hindi niyo pa nga ata siya binabati."

"Bakit? Birthday ba niya ngayon, ma?" Tanong ni Karen.

"Kahapon pa." Sagot ni Olivia.

Bigla silang tumahimik at nagka tinginan silang magkakapatid.

"Kaya pala tinawagan ako ni papa kahapon." Sabi naman ni Mark.

"Anong sabi niya?" Tanong ni Olivia.

"Pinapasabi niya na happy birthday daw kay ate, akala ko naman ngayon yun, kahapon pa pala. Ayaw niya kasi ibigay yung number niya kay papa pati na rin saamin."

"E kasi ayaw niyang maka usap si papa." Sabi ni Karen.

"Ma... galit pa rin ba si ate kay papa?" Tanong ni Zeni.

"Hindi ko alam... pero sana pumayag ang ate niyo na sumama sa graduation ang tatay niyo."

It's been 6 years na hindi sila nagkaka usap ng kanilang ama. Kahit ilang ulit na niyang tinatangkang kausapin ang kanyang panganay na anak.

Hindi rin maalis sa isipan niya ang huling sinabi ng kanyang anak nung bago siya umalis sa bahay na dati niyang tinitirhan kasama ang kanyang dating asawa na si Olivia at ang limang anak nila. "Lumayas ka na dito! Hindi mo naman kami mahal, kaya kakalimutan na kita!" Sabi ni Hannah sa kanyang ama. Anim na taon na ang nakalipas nung nangyari iyon. Kaya sinigurado niyang maibibigay niya lahat ng pangangailangan ng kanyang limang anak kay Olivia.

Si David, and kanilang ama, medyo angat sa buhay kumpara kay Olivia, nagpapadala rin siya ng sustento para sa mga anak niya na kanyang pinapaaral habang ang pangalawa niyang asawa na si Matet ay buntis na sa una nilang anak. Hindi masaya ang mga anak niya nung nakahanap na talaga ng iba ang kanilang ama, lalong lalo na si Hannah na nagwawala sa galit, ngunit walang nakakaalam.

Ngayong magtatapos na ang kanilang panganay, at lumipas ang kanyang kaarawan, ni hindi niya pa ito napupuntahan at nakakausap ng silang dalawa lang. Siya ay nagdadalawang isip kung pupuntahan niya ba ito o hindi, natatakot kasi siya na baka mapahiya nanaman siya kagaya ng dati.

At eto na nga, nakapag desisyon na siya, na siya ay pupunta ngayon na may dalang regalo para sa kanyang anak.

Bahala na... sabi ni David sa kanyang sarili.

Sa kwarto ni Hannah, siya ay nakikipag chat kay Tanya habang may music pa sa kanyang laptop.

"Hoy, may sasabihin ako sayo." Chat ni Tanya.

"Ano yun?"

"Si Robbie, nagtatanong kung ano raw laman nung box."

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, wag siyang tsismoso."

"Hahahaha! Ganun ba? Sabihin mo kwintas."

"Hay nako... Oo nga pala. Nakita mo na ba yung grades mo?"

"Grades ko? Bakit?"

"Naka encode na, silipin mo na online."

"Kinakabahan ako :("

"Ano ka ba, hindi yan!"

Nag alangan si Hannah kung sisilipin ba niya talaga yung grades niya online na naka encode na.

"Sure ka ba? Ang bilis naman nilang ma-encode."

"Sige na!"

"E ano ba yung sayo?"

"Passed naman lahat... :)"

"Ay nako, parang alam ko na yung resulta."

Pero hindi na sumagot si Tanya, at dun na nakapag isip si Hannah na sisilipin na niya ang kanyang grades. At ayun na nga, passed siya sa anim niyang subjects.

"OMG! Pasado ako lahat!"

"Tanya is typing..."

"Uy!" Dadgdag ni Hannah.

Ngunit wala nang sagot si Tanya.

Kinilig siya sa tuwa, at isa lang ang ibig sabihin noon, siya ay makakapag tapos na ng pag-aaral.

The Graduation DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon