Chapter 17
1st week of April (Wednesday)
Malapit nang ilibing si Hannah pati si Tanya, at sa Biyernes na 'yon. Naki usap ang pamilya ni Tanya na kung maaari ay pag tabihin sila sa simenteryo. Ito ay magandang ideya, kaya pumayag din agad sina Olivia at David.
"Mukhang mas makaka buti nga 'yon." Sagot ni Olivia.
"Nakikiramay kami ulit sa inyo." Sabi naman ni Cathy na ina ni Tanya, habang pinipigilan nito ang maiyak.
Samantala, hinawakan ni Olivia ang isang tuhod ni Cathy at sinabing, "Kami rin... maraming salamat." Mangilid ngilid ang luha niya.
Sa kusina, ang mga kapatid ni Hannah ay nag-uusap usap. "Kuya, parang hindi ko kayang makita na ililibing na si Ate." Sabi ni Zeni kay Mark.
"Oo nga..." Sagot naman ni Karen, pero habang nag-uusap sila, wala lang kibo si Charles.
"Ikaw Charles? Anong gagawin mo?" Tanong ni Mark.
Umiling lang ito at biglang sinabi na, "gusto kong iuntog ang sarili ko sa pader."
"At bakit mo gustong gawin 'yon?" Tanong ni Mark.
"Dahil hindi ako naka hingi ng tawad sa kanya." Seryosong sagot ni Charles. "Hindi ko rin matanggap na suot suot niya..." biglang umiyak si Charles habang may sinasabi siya. "Hindi ko matanggap na suot suot niya yung sapatos na pinalit ko."
Pagka sabi niya nun, tumahimik na lang sila at hindi maka kibo.
Sa bahay nina Robbie. Nandun lang siya sa kanyang kwarto habang naka dapa sa kama, at paulit ulit tinititigan ang litrato nila ni Hannah sa kanyang cellphone. Mga dalawang piraso lang ito, kaya wala na siyang ibang picture niya sa cellphone. Napa pikit siya at binaba ang cellphone at humiga ng maayos. Tumingin siya sa kisame at iniisip kung paano niya kakayanin na makitang ililibing na si Hannah sa Biyernes. Hindi naman pwede na hindi siya sasama, at iyon na nga lang ang huling beses na makikita niya ito.
1st week of April (Friday)
Naka tanggap ng tawag si Robbie galing sa pamilya ni Cherry Tuazon. Siya ay iniimbitahan na dumalo sa libing nito ngayong Biyernes din na kasama ang kanyang mga magulang at kapatid. Nadalaw na niya si Cherry nitong nakaraan kasama ang mga kaklaseng naka ligtas. Walang araw na hindi sila umiyak lahat, kaya ito nanaman sila. Nung nabalitaan niya na magkatabing ililibing si Hannah at Tanya, mas nagustuhan niya ang desisyon na ito lalo na't marami rami siyang pupuntahan na ililibing ngayong araw. Kailangan na niyang mag handa.
Nasa simbahan na ang kabaong ni Hannah at Tanya, mahigit isang linggo na rin hindi nakaka uwi si David, ayos lang, magkasama naman sila ni Matet para mabantayan niya rin ito. At hindi lang yun, nakaka tulong si Matet sa bahay lalo na ngayo't natataranta sila. Mabilis ang galaw ng oras, kaya bitin na bitin silang makasama si Hannah sa huling pagkakataon.
"Olivia, sabihan mo lang ako kung ano pwedeng kong maitulong." Sabi ni Matet.
"Tama na Matet... marami ka nang naitulong saamin. Tsaka isa pa, buntis ka. Dapat sayo nagpapa hinga ka."
"Naku, feeling ko nga, nagiging pabigat lang ako dito. Pero, maraming salamat kung sa tingin mo ay nakaka tulong ako sa inyo kahit papaano."
"Totoo na marami kang naitulong. At malamang, gusto rin ni Hannah na makitang sama sama tayo." Sabi ni Olivia habang naiiyak nanaman siya.
"Naku, paiiyakin pa ata kita. Pasensiya na." Hinaplos ni Matet ang dalawang balikat ni Olivia, hanggang sa tumahan na si Olivia sa pag-iyak at nagpunas ng luha at napansin niya ang tiyan ni Matet. "Pwede ko bang mahawakan 'yan?" Tanong ni Olivia, nagpapaalam na kung pwede ba niyang mahawakan ito.
"Sure, go ahead."
Pag dapo ng mga kamay niya sa tiyan ni Matet, mas lalo pa siyang naluha dahil naalala niya yung panahon na pinag bubuntis niya si Hannah. Siya ang unang anak nila ni David, at malamang, masaya si Matet ngayon na magkaka anak na siya. Ganun din ang naramdaman ni Olivia nung buntis siya kay Hannah, dahil magiging ganap na ina na siya. Hindi niya rin maipaliwanag ang sayang naramdaman nung ipinanganak niya na si Hannah, na tila, naibsan agad ang pagod na naranasan niya sa unang panganganak. Siya ang unang anak niya nag dala ng saya at liwanag sa kanyang buhay, at kahit wala na siya, ganun pa rin ang magiging tingin niya dito.
Ilang minuto pa ang naka lipas, mas dumami ang dumalo sa burol nina Hannah at Tanya sa simbahan, ready na rin silang ilibing mamayang alas kwatro. Samantala, nag alay ng bulaklak at dasal ang mga dumalaw. Madalas, makikita mong nag-iiyakan silang muli, at isa na dun... ay si Robbie, na huling dumating. Nilapitan niya si Hannah at Tanya na parang natutulog lang. Nag-iwan siya ng tig-isang bulaklak sa kanila, sa sobrang hindi niya akalain at matanggap, nailagay niya ang kamay niya sa kanyang bibig at hindi mapigilan ulit ang pag-luha.
Alas kwatro. Nilabas na ng simbahan si Hannah at Tanya, habang kasunod ang mga mahal nila sa buhay. Naka suot silang lahat ng kulay puti instead na kulay itim, dahil ito ang suot nilang dalawa sa ilalaim ng kanilang toga.
Pag dating sa simenteryo, meron nang pari at naka hukay na rin ang paglilibingan sa kanila. Nilagay na sila sa ibabaw ng hukay habang naka tayo ang mga magkakamag anak sa paligid nito.
Nung ito ay naayos na, hindi mapigilan ng marami ang umiyak. Sa kanan si Hannah at andun din ang kanyang mga mahal sa buhay, habang si Tanya ay sa kaliwa at nandun din ang kanyang mga mahal sa buhay. Nung tumayo na ang pari sa gitna, ito na ang oras na sila ay dadasalan bago tuluyang ibaba na sa hukay. Pagtapos silang dasalan at wisikan ng holy water, sila ay pwede nang ibaba.
Habang sila ay binababa ng dahan dahan sa hukay, rinig na rinig ang iyakan ng bawat isa. Sa sobrang sakit na nararamdaman ni Mark nung makita niyang tuluyan ng mawawala ang kanyang Ate, siya ang unang lumapit at nag hagis ng puting rosas habang lumuluha ito, at ganun din ang ginawa niya kay Tanya. Hanggang sa, isa isa ng lumapit ang mga tao at nag hagis ng puting rosas.
Samantala, si Olivia at David ay hindi umalis malapit sa hukay ni Hannah. Si Matet ay hindi rin napigilan ang umiyak. Sina Charles, Zeni at Karen naman ay ganun din habang nakatitig lang sa kanilang Ate na hindi na nila makikita kahit kailan. Itong si Robbie naman ay niyakap ng mahigpit ng kanyang ama at ina habang nag-iiyakan din sila, ni hindi na niya naibigay ang hawak niyang puting rosas.
Ang pamilya ni Tanya ay nanghihina rin sa lungkot na kanilang nararamdaman, kaya bakas na bakas din sa mga mata nila ang labis na pag-luha sa yumaong anak, kapatid, pamangkin, apo at kaibigan.
Sa kabilang banda, may mga kaklase din ang dumalo sa libing nina Hannah at Tanya. Kahit na hindi nila naging ka-close si Hannah, nalungkot din sila ng sobra.
Pag-uwi nila sa bahay, agad dumiretso si Olivia sa kwarto ulit ni Hannah para umiyak at humiga sa kama nito habang inaamoy amoy ang unan at kumot niya. Nakita siya ni David sa pintuan, at kumatok ito, ngunit hindi siya nilingon ni Olivia. Dahan dahan na lang siyang pumasok at may nilapag sa mesa ni Hannah... ito ay ang regalo na hiningi niya ng tulong kay Matet na dapat ibibigay niya pagtapos nung graduation, pero, hindi na niya ito naabutan at hindi na rin niya naalala sa kabila ng mga mabilis na pangyayari. Pagka lapag niya nung regalo na hindi pa nabubuksan, lumabas na siya ng kwarto habang dahan dahan sinasara ang pintuan ni Hannah, at hinayaan na lang muna si Olivia na mapag-isa.
BINABASA MO ANG
The Graduation Day
RomanceSa loob ng apat na taon na siya ay nasa kolehiyo, muli na rin makakapag tapos ng pag-aaral Si Hannah. Ngunit, habang naghihintay ito ng graduation, marami siyang gustong baguhin sa kanyang buhay. Gusto niyang malaman ng ibang tao na siya ay may paki...