Art Of Letting Go

5.6K 170 25
                                    


Moving on?

Hindi iyan nangyayari sa isang araw lang.

Masasaktan ka muna ng paulit-ulit.

Madadapa at magagalusan

Iiyak hanggang sa mamamaga ang mata.

Tapos pag inamin mo na sa sarili mong okay ka na. Na kaya mo ng wala siya

Saka siya biglang lilitaw ulit sa isipan mo at maaalala mo na naman lahat ng sakit at hapdi na pilit mong tinatakasan.

Moving on?

Madali lang sabihin pero mahirap gawin.

Wala ring makakapagsabi kung hanggang kailan ka mag mo move on.

Hindi ka naman kase makakalimot eh.

Masasanay ka lang na wala na siya.

Matatanggap mo lang sa sarili mo na hanggang doon na lang kayo.

Acceptance...

Iyan ang susi para maka move on.

Hindi alak, hindi paggamit ng iba para makalimot at hindi rin pagpapakamatay.

Tanggapin mo lang na may hangganan ang dating kayo,

Tanggapin mo lang na wala na siya.

Tanggapin mo lang  na mahal mo pa rin siya pero kailangan mo ng mag MOVE ON .

Masanay ka ng wala na siya.

Isipin mo na lang na nabuhay ka noon kahit wala siya.

Makakaya mo rin iyan ngayon.

Maniwala ka sa sarili mo. Makakapag MOVE ON ka rin.

Ikaw, naranasan mo na rin ba ang masaktan? Umiyak ng umiyak? Madapa at bumangon ng mag-isa?

Mahirap diba? Pero kinaya mo kaya ipagpatuloy mo lang iyan. Mahahanap mo rin ang nararapat na para saiyo. Tiwala lang.

Unspoken Where stories live. Discover now