Paano pag isang araw magigising ka na lang hindi na ikaw ang mahal niya?Magigising ka na lang iba na kahawak-kamay niya.
Sakit diba? Kahapon lang ikaw pa ang mahal niya.
Parang kahapon lang ikaw pa ang katawagan niya ng "Baby, I love you"
Pero tingnan mo naman ngayon. Nasa piling na siya ng iba.
At hindi na ikaw iyon.
Natatanong mo sa sarili mo,
Saan ka ba nagkulang?
Saan ka ba naging pabaya?
Bakit kinailangan pa niyang maghanap ng iba kung naging sapat ka na?
Bakit?
Dahil ba hindi sapat? Dahil ba mas maganda at mas sweet iyong isa?
Iyon ba ang dahilan kaya?
Doon ka ba nagkulang?
Oh kaya ay sadiyang hinayaan niyang masanay siyang kasama iyong isa?
Hinayaan niyang maagaw ng iba ang atensiyon niya saiyo.
Hinayaan niyang mahanap niya sa iba ang kasiyahan na hindi niya naranasan saiyo.
Doon, doon ka nagkulang.
Pinabayaan mo siyang maagaw ng iba.
May pagkukulang ka at naging pabaya pero hindi sapat iyon
Para maghanap siya ng iba.
Sana man lang naisip niya lahat ng masasayang araw niyong magkasama
Bago siya lumipat sa iba na parang nangangapit bahay lang.
Pero andiyan na eh.
Nasa kabila na siya.
Pagmamay-ari na siya ng iba. Wala ka ng ibang magawa kundi pasalamatan siya sa mga alalaala niyong masaya.
Magpasalamat kana lang na minsan sa buhay mo may dumaan na espesyal na tao nanagpamutawi ng ngiti sa mga labi mo.
Wag maging bitter at magplano ng revenge.
Unang una sa lahat, malaya siyang umibig kung sino ang gusto niya.
Malaya siyang pumili.
Pero ang mali niya lang hindi niya inisip na masasaktan ka niya.
Pero kung mahal mo, ang kasiyahan niya ang isipin mo.
Siguro hindi siya para saiyo kaya naagaw siya ng iba.
Isipin mo na lang, may iba diyan na handang mahalin ka ng tulad sa pagmamahal mo sa kaniya.
Move on, and accept the fact na wala ng kayo.
Masakit man ngayon pero it takes time.
Let yourself accept it in no time. Don't rush, everything will fall in it's right place.
YOU ARE READING
Unspoken
PoetryCompilation of my thoughts/poems/emotions I can't express vocally. WARNING: I started writing this compilation when I'm still a teenager, young, a little new to everything, a little curious and still growing up. But as years have gone by, I keep on...