Mahal Kita, Pero

1.3K 36 3
                                    

Alam mo ba na may feelings na ako saiyo?

Oo gusto kita walang halong biro. Napapangiti ako sa mga ngiti mo. Nahuhulog ako sa bawat halakhak mo. Nababaliw ako sa tuwing kinakausap mo ako.

Nababaliw na nga ata ako dahil ikaw na lang lagi laman ng isip ko. Pati amoy mo kabisado ko na rin. In love na nga ata ako saiyo. Promise wala itong halong biro.

Pero bakit? Bakit kung kailan mahal na kita saka naman ako nauntog sa realidad. Realidad na nakahawak ka na sa kamay ng iba. Hindi na ako pwedeng kumapit dahil magmumukha na akong dakilang tanga.

Baliktarin mo man ang mundo ikaw at kayo ay naunang magsumpaan ng panghabang buhay na pagmamahalan. Hindi man kayo kasal ganoon rin naman ang patutunguhan.

Kaya hanggang palihim na lang ako. Hanggang pangiti-ngiti na lang ako sa tabi. Kikiligin na lang ako ng palihim sa tuwing nandiyan ka dahil nga mahal kita pero...

May mahal ka ng iba.

Unspoken Where stories live. Discover now