Scotch Tape

462 10 1
                                    

Sa mga pagkakataon na kamay ko ang hawak mo nasaan ang isip at puso mo?

Sa mga oras na labi ko ay nasa mga labi mo nasaan ang isip mo?

Sa mga oras na ika'y nakangiti at nakatingin ng diretso sa aking mga mata sino ang nakikita mo?

Sa mga pagkakataon na ika'y masaya, sino ang naaalala mo?

Sa mga oras na himbing na himbing ka sa pagkakatulog sino ang naiisip mo sa tuwing niyayakap mo ng mahigpit ang iyong unan?

Sa mga oras na ika'y nalulumbay sino ang inaasam mong darating at papangitiin ka?

Mahal, sa mga panahon na ikaw lang ang minamahal ko at iniingatan sino siya at sino ako sa buhay mo?

Taga-punas ng luha mo sa mga panahon na wala siya sa tabi mo.

Taga-alaga sa iyo sa mga panahon na siya'y malayo saiyo.

Sa pwesto ng iba ako'y naging masaya.

Sa pwesto niya ika'y aking nakasama.

Napakasakit isipin na sa tuwing ngumiti ka siya pala ang dahilan nito.

Sino ako sa buhay mo sa panahon na wala siya?

Iniingatan ako ng mga magulang ko tapos saiyo ako'y ginawa mong scotch tape, second option.

Masakit. Sobrang sakit dahil sa mga panahon na ako ang kasama mo, siya pala ang inaasam mo.

Kaya mahal, ngayong bumalik na ang totoong may pwesto sa puso mo ako'y iiwas at lalayo na.

Ang scotch tape na ito ay bibitaw na sa pagkakapit dahil ang tanging minahal mo ng buo ay nandiyan na.

Words by glamorousxpixie @2019

Unspoken Where stories live. Discover now