Minsan napapatingin ako sa iyo.
Napapaisip, napapatitig. Bakit ba kita ng naging kaibigan?Bakit ba tayo pinagtagpo ng tadhana bilang magkaibigan?
Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, ikaw pa ang naging kaibigan ko.Okay lang sana na magkaibigan lang tayo. Masaya pa nga eh dahil walang break-ups walang kadramahan at walang iwanan.
Pero bakit, bakit sa paglipas ng panahon nawalay ako sa landas at trinato na kitang higit pa sa magkaibigan.
Kasalanan ba ito?
Kasalanan bang magmahal sa isang kaibigan? Kasalanan ko ba na mahulog sa mga ka sweet an mo?
Kasalanan bang ituring kitang higit pa sa dating tayo?Bakit kase naging kaibigan kita. Di sana mas madali lang akong maka move on saiyo kung hindi kita naging kaibigan.
Wala lang sana kung iiwasan kita. Wala lang sana sa iyo kung biglang magalit ako sa iyo para kamuhian mo ako. Wala lang sana lahat ng iyon pero hindi eh.
Hindi pwedeng hindi kita pansinin, hindi pwedeng magalit ka saakin dahil kilalang-kilala mo na ako hindi na eepekto saiyo iyon kahit magalit pa ako.
Dahil nga kaibigan kita at iyon ang problema.
Paano ba?
Paano ko ba makakalimutan itong nararamdaman kong espesyal para saiyo?
Alam kong hanggang kaibigan lang ang turing mo saakin.
Tanggap ko na iyon kaya nga gusto ko ng kalimutan ang nararamdaman kong ito para saiyo.
Bago pa masira ang pagkakaibigan na ating iniingatan.
Sinubukan ko ngang magpakalayo-layo. Hangga't may nararamdaman pa ako sa iyo hindi pa ako magpapakita.
Hanggang dito muna tayo bestfriend. Kalilimutan ko lang na mahal kita ng higit pa sa pagiging magkaibigan.
Hindi rin naman madali para saakin ito. Pero ito iyong tama.
Hangga't nakikita pa kita lalo lang lalalim ang nararamdaman ko kaya makakabuti na hindi na muna kita makita.
Sakaling makapag move on na ako ng paunti-unti. Hanggang sa handa na akong itayo ulit ang pagkakaibigan natin.
YOU ARE READING
Unspoken
PoetryCompilation of my thoughts/poems/emotions I can't express vocally. WARNING: I started writing this compilation when I'm still a teenager, young, a little new to everything, a little curious and still growing up. But as years have gone by, I keep on...