Bitaw Na. Hindi Ka Niya Deserve

423 10 0
                                    

Tapos na ang araw ng kalayaan. Pero ikaw nakakapit ka pa rin sa ilusyon ng dating kayo.

Kailan ka bibitaw?

Kapag durog na durog ka na?
Kapag ang puso mo'y namanhid na sa sakit?
Kapag siya ay masaya na sa iba at ikaw ay inaalala mo pa rin siya?

Wag ganoon.

Wala sa akin, wala sa kaniya at wala sa iba ang sagot kung kailan ka bibitaw.

Alam mo sa sarili mo na kailangan mo ng bumitaw. Ikaw lang din ang makakaalam.

Bago mo pa mawala ang sarili mo. Bumitaw ka na. Hindi madali. Oo madadapa ka ng ilang ulit hanggang sa paggising mo isang araw maalala mo pa rin siya pero alam mo na sa sarili mo na hindi na siya nararapat pa sa buhay mo.

Bumitaw ka na. Palayain mo na ang sarili mo sa kaniya.

Unspoken Where stories live. Discover now