Chapter 7: Work for him

29 0 0
                                    

Matapos ang maghapon ng trabaho... hinayaan ni Michelle ang mga binata na gumala pero wag gagawa ng kaguluhan. Alam na ng mga binata ang gagawin hindi sila dapat makilala ng mga tao.

Kanya - kanya silang lakad. Pansin naman ang pag - iwas ni Red sa kapatid niya pinili nitong pumunta sa isang bar na malapit. Plano naman ni Green sanang matulog pero pinili nyang sundan ang kapatid.

Si Axyl at Ken magkasamang pumunta sa mall na bukas pa at may kailangan daw silang bilhin. Nakahoodie ang dalawa may cap pa.

Si Kitto naman ay pumunta sa night market para magbakasakaling makita nga niya si Happy sa kapal ng tao hindi na mapapansing artista sya. Nakasimpleng suot lamang siya at naka-cap din mukha lamang syang estudyante. Bata pa naman kasi talaga syang tingnan.

Si Rem at Michelle lumabas para kumain naman. Syempre bagong couple sila eii.

Si Green ay nakamasid lamang sa kapatid na halata nyang may itinatago ito sa kanilang lahat gusto nya iyong malaman. Palagi namang ganoon ang turingan nilang magkapatid. Minsan walang pakialaman pero bakit iba ngayon. Malimit silang hindi nagkakasundo minsan dahil na rin sa mga issue na binabato ng media sa kanila. Agawan, lamangan, awayan yan ang kalimitang issue na binabato sa kanila. Kapatid niya sa ama si Red pero itinuring ito ng mama nya na sariling anak na rin. Galit sya rito noon kasi kompetisyon ang tingin nya dito pero nagbago iyon dahil na rin sa tulong ng kanyang mga magulang. Patuloy lang ang pag - inom ni Red ng alak sya naman ay nakamasid lamang alam niyang may tinatago ito sa kanila higit ay kanya.

Si Kitto ay patuloy sa paglalakad nagutom sya bigla kaya isang burger stand ang napili niyang kainan ayos na rin ang burger para sa kanya. Umorder sya ng burger pinili niyang itake out ito para na rin iwas sa pagtingin ng mga tao roon. Napatingin sya sa isang souvenir shop napamaang sya ng makita si Happy sa loob. Lalapit na sana sya ng makita ang ginawa ng isang bakla sa dalaga. Binato ito ng isang kahon at halatang pinapagalitan ito. Naawa sya sa dalaga sa nakitang pangyayari. Inabangan nyang makalabas si Happy. Matapos ang isang oras na paghihintay tila natapos na ang duty ng dalaga sinalubong niya ito na parang walang nakita.

"Hi Happy." Bati niya sa dalaga nagulat naman si Happy sa presensya nito.

"Uy ano ka ba bakit makapasyal parang di ka pagkakaguluhan dito ahh." Kaswal na sabi ng dalaga sa kanya.

"Ano ahmm di ba sabi ko sayo hahanapin kita." Nakangiting sabi niya rito.

"Kanina ka pa dito. Bakit mo ba ako hinahanap ha." Mapapatay ako ni Faith pagnalamang nagkakausap kami ni Kitto nya. Sabi niya sa sarili.

"Hindi naman. Kamusta trabaho dito." Tanong niya dito.

"Ahhm ano ayos naman masaya ako tapos mabait naman boss ko" pagsisinungaling nito.

"Nakita ko Happy bakit pumapayag ka naman ng ganon." Sabi ni Kitto.

"Ahhh ano nagkataon lang magkamali kasi ako." Sabi niya.

"Bibigyan kita ng trabaho." Biglang sabi niya.

"Ha hindi hindi na kailangan. Ayos na ako dito saka matagal na ako dito pag tinanggap ko yang trabaho mo pano kung umayaw ako bigla pano ako babalik dito. Hindi yun pwedeng mangyari magagalit ang mama ko kasi mapapahiya sya sa kaibigan nya." Sabi ni Happy pero di nya na napigilan si Kitto na naglalakad na papunta sa loob ng shop.

"Hooyy Kitto." Pag - awat niya dito.

"Hintayin mo ako dyan." Utos nito sa kanya.

Matapos ang ilang minuto bumalik si Kitto. Nakangiti ito sa kanya.

"Maghahanda ka ng gamit mo ipapakilala kita kay Green bukas bago tayo pumunta sa Maynila." Sabi nito sa kanya na ikinagulat niya. Ibinubugaw ba ako nito.

"Sandali hindi naman ako pumayag anong sinasabi mo." Sabi na lamang niya.

"Huy Happy di  ako magpapahawak sa bakla na yun para lang hindi mo tanggapin ang inaalok ko sayo itry mo lang malay mo maging ok." nakangiting sabi ni Kitto.

"Anong, anong gagawin ko." Tanong niya dito.

"Bukas pumunta ka sa hotel ipapakilala kita sa magiging boss mo mabait yun, harmless." Sabi naman ni Kitto.

Hayyts naman anong gagawin nya sa biglaang alok ng trabaho.

"Bukas malalaman mo ang contract mo ha." Sabi nito sabay paalam sa kanya. "Work for him. Work for my friend." Sabay kindat.

Naku naman Happy mabubulyawan ka ng nanay mo. Isa pa si Faith paano na.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon