Chapter 3: Idol is Idol

41 1 0
                                    

Ito na ang gabing inaabangan ni Faith. Makikita na nya ang ultimate sa ultimate idol at sobra sobra sa crush niya, ang the print. Crush nya ang lahat ng myembro ng the print, pero pinakagusto nya sa lahat si Kitto napaka masayahin kasi nito kahit nagpeperform pa ito walang humpay ang energy na dala nya.

"Girl palagay mo mapapansin kaya ako ni Kitto palagay mo." Tanong ni Faith kay Happy.

"Hayy naku, uwi tayo agad ha" sabi naman niya sa kaibigan.

"'to naman wala pa nga tayo dun uwi agad." Maktol na lang ni Faith.

Habang naglalakad sila palinga - linga si Happy sa paligid walangya parang may namumudmud ng pera ang daming tao, ang ingay na agad di pa nga nag-uumpisa ang concert ng the print. Tatlong araw ito iba ibang venue, pero tig dadalawang set lamang ang event. Ilang kanta at sayaw lamang iyon. Kaunting usap at kaway ayos na, kaunting sign at iba pa.

"Grabi ang kapal ng tao." Manghang sabi niya.

"Idol is idol girl, naku kahit gumastos pa ako ng mahal maidate lang si Kitto ayos na." Nakangiting sabi ng kaibigan.

"Hayyy bakit ba di ko sila kilala. Gwapo naman sila." Nagtatakang tanong ni Happy sa sarili.

"Ehh di ka interisado ehh ganoon talaga girl." Sagot lamang ni Faith na nakangiti pa din. Sabay silang napalingon sa naghihiyawang mga babae na parang mag-aaway na.

"Bading yang Rem mo, kung hindi bakit nakita sya sa unit ni Green na ngiting ngiti ng lumabas na para bang nakajackpot." Sabi ng isang babae.

"Yang si Green ang bakla. Kaya nga walang girlfriend ehh." Sagot naman ng isa.

"Anong pinaglalaban nila girl, ay magkasama naman yung mga yun di ba." Nagtatakang tanong nita sa kaibigan

"ganyan talaga girl, idol is idol nga girl. basta wag nila idadamay si Kitto ko." Sagot naman ni Faith.

"Hhmm." Napatango na lamang siya.

Nang nasa loob na sila naku po mukhang mapupunit ang eardrums niya sa ingay. Mayamaya ay lalong naglakasan ang sigawan. Lumabas na ang grupo ahhaa gwapo nga ang mga ito pero ang OA naman ng mga ito. Napakamot na lamang ng noo si Happy naku mukhang mapapahamak ang ganda nya dito sa lugar na ito. Mayamaya ay lalabas na sya talaga buti na lang at nag-e-enjoy din siya sa performance ng mga lalaking pinagpala ng kagwapuhan.

Sa isang sulyap mo
Ay nabihag ako
para bang himala
ang lahat ng ito...

Natapos ang kanta na nakatingin lamang si Happy sa mga nagpeperform namamagnet sya sa mukha ni Green. Bakit ang gwapo nito iba at ang boses wala patay na ang ganda. Mayamaya pa nagkakakulitan na ang mga nasa stage syempre si Faith tuwang tuwa kay Kitto nya. Isang sayaw ang hamon ni Kitto kay Green at Red game na game naman ito.

Nagulat siya ng biglang tingin nya sa cp nya limang miscall na ng mama nya. Patay na.

Lumabas siya para kausapin ang ina. At nagdesisyong sa labas na lamang hintayin ang kaibigan.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon