Chapter 15: Vacation Mode

37 2 0
                                    

Nagtagumpay si Green sa planong pagsama ni Kitto sa bakasyon sa lugar nina Happy. Siguradong mahihirapan si Happy na magpaliwanag sa nanay nya pero magiging masaya itong bakasyon para kay Green.

Nakahanda na ang sasakyan sa labas ng building. Nagulat si Happy ng makita si Kitto na naghihintay sa labas ng sasakyan.

"Sandali! Kasama ka? Bakit?" Angal ni Happy.

"Ano 'to Happy gusto mo talagang masolo si Green ano.?" Sabi naman ni Kitto.

"Kit.. anong masolo... eh tek..teka hindi naman sya kasama ihahatid lang nya ako." Ani ni Happy habang nakatingin kay Green na kasalukuyang nag-aayos ng mga bagahe sa likudang bahagi ng van.

"Kasama ako. Bakit hindi ako sasama ano ka ba." Nakangiti namang sabi ni Green sabay akbay sa kanya.

"Aheh..he..he" pilit na ngiti lamang si Happy.

Nagulat pa sila ng makitang si Ken ay kasama din nila. Ito ang nakapwesto sa driver's seat.

"Let's go? Oohh yeah!" Sabi ni Ken.

Napapikit naman si Happy sa inis. Binalingan nya si Green na pumwesto sa tabi niya. Inayos nito ang pwesto nya na kasalukuyang naharap sya sa binata na ngiting ngiti naman.

(Message recieve from My Happy)

Ngiti ka pa jan. - my happy

Bakit kasama kau? - my happy

Problema mo ha bwisit. Pano si mama alangan namang ibulong ko sa kanyang may kasunduan tau. Grrrrrrr. - my happy

Chill ka lang love. - me

Luv luvin mong mukha mo. - my happy

Ako na bahala. Okie - me

Umayos ka! Bahala bahala k p papatayin talaga kita. - my happy

Patayin mo q ngaun;-) - me

Gus2 mo? - my happy

Papakilala lang aq s biyanan ko. Tapos patayin mo na aq. - me

Tumingin ito sa kanya kaya sya pumikit na lang habang nangingiti pa.

Naalala nya ang convo nila ng mama ni Happy kagabi...

Hello ma'am papakilala muna po ako. Ako po si Green boss/boyfriend po ni happy. Mam wag po muna kau magreact ng iba promise di ko po sinasamantala na boss nya ako inaalagaan ko ang anak ninyo katunayan po bukas pupunta kami jan. Ihahatid ko lang po sana si happy. - me

Ahhh ehh iho pwede gang tumawag ka wala akong lod ehh. - mama bless

Ring..ring..

"Hello po mam" - me

"Ahh hello tita o mama na lang iho. Ahh ano ulit iyung sinabi mo pupunta ka dito kasama ang anak ko? Ano ahh di ga ikaw iyung artista. Ano iho baka kasi pagkaguluhan ka dito. Ano itatanong ko lang din maayos ba ang pakikitungo sayo ng anak ko. Yang kasing bata na yan mahirap unawain yan." - mama bless

"Ahh hindi naman po tita ano po papakiusapan na lang po natin sana ang mga taga dyan kung pwede ituring akong ordinaryo lang. Ano po so ok lang po ba sa inyo.?" - me

"Wala namang problema iho. Nahihiya lang ako at talagang naku nakakabigla din pati talaga ang relasyon mo sa anak ko." - mama bless.

"Sige po pano po bukas na lang po tayo mag usap salamat po tita." - me

"Sige iho mag - iingat kayo." - mama bless.

Iminulat nya ang mata at suminyas kay Happy ng "OK" sabay kindat dito. Si Happy namam ay nanahimik at natulog na lamang din sa byahe. Makailang ulit na  nagpapalit si Ken at Kitto sa pagmamaneho habang silang dalawa ay natutulog lamang buong byahe.

Matapos ang halos apat na oras na byahe narating nila ang Lobo  Batangas. Sa isang simpleng bahay na napapalibutan ng mga puno huminto ang sasakyan walang masyado bahayan sa lugar at halos naririnig na nila ang tunog ng dagat. Bumaba ang sakay ng sasakyan si Green ay hinawakan ang kamay ni Happy. Na parang sinasabing wag syang mag-alala. Kanya kanya silang kuha ng mga gamit nila sa likod ibinaba ni Ken ang lahat ng bagahe at tanging isang travel bag lang bitbit ni Happy si Green ang may dala ng bagahe nila di naman iyon kadamihan dahil tatlong araw lamang naman sila dito. Nagulat si Happy ng tawagin siya ng kaibigan napalingon sya at tuwang tuwang niyakap ito.

"Girlll... ano na kamusta ka na haysst bakit hindi mo sinabi na totoo pala yung sinasabi mo ha." Masayang sabi nito. Napanganga pa ito ng makita ang tatlong naggugwapuhang mga lalaki syempre lalo na ng makita nito si Kitto.

"Ohh my girlll.! Si Kitto yan di ba girl. Ang bait mo grabi naiiyak ako." Lumapit ang tatlo naunang nagpakilala si Green sa mga nandoon ang mama ni Happy mga pamangkin at kay Faith.

"Magandang gabi po Tita. Im Green po salamat po sa pagtanggap." Nakangiting sabi nito sa ginang.

" ahh oo naman iho. Ano anak Happy ang gwapo naman pala talaga nitong batang ito." Natatawa naman sya sa mama nya.

"Hello po ako po si Ken. Pinsan po ako ni Green." Pakilala naman ni Ken sa lahat.

"Ahh yahh ako naman po si Kitto." Nakangiting sabi naman ni Kitto.

"Naku buti at dumating na kayo halina kayo at makapaghapunan na tayo. Pakitulungan sila Faith, Andy." Sabi ng ginang sa kanila.

"Opo halika na po." Tugon naman ni Faith sa hindi nawawala ang ngiti sa labi.

"Halika ka na." Gigil na sabi ni Happy sabay kurot kay Green.

"Rayyy" pabulong na sabi ni Green habang hawak ang braso.

Simple lang ang bahay puno ng mga larawan ang pader pati mga diploma at medalya. Gawa sa matibay na kahoy ang bahay two story ito at halatang makalumang desinyo na napaka ganda at napakalawak. Nfayon nasisilayan ni Green ang buhay na meron si Happy. Naiinggit sa parteng iyon ng buhay ng dalaga. Simple masaya at talagang mababakas mo ang paghihirap ng mga magulang niya para maipatayo ang ganito kagandang bahay ay magkaroon ng ganito kasayang pamilya.

Pagkatapos ng hapunan dinala sila ng mama ni Happy sa magiging kwarto nila. Si Ken at si Kitto ay magkasama sa kwarto ni Happy maliit ito pero sapat para sa dalawa. Nagulat naman si Happy ng malamang magkasama sila ni Green sa iisang kwarto nangingiti naman si Green sa bagay na iyo.

"Sandali Ma tatabi ako sayo. Ano ba hindi mo ba ako namiss.?" Giiy ni Happy.

"Ano ka ba kasama ko ang mga sa kwarto namin ng papa mo." Sabi naman ng mama niya.

"Ok  lang po dito na lang po ako sa sopa sa labas." Sabi naman ni Green.

"Ay sorry mister pero dyan po ako ngayon bukas pa po kasi ako uuwi samin ehh." Sabi naman ni Faith.

Pinaglalaruan ba ako ng mga ito?

"Aysst bakit ba hindi nalang sila Kitto dito silang tatlo dun ako sa kabila." Sabi ni Happy. "Aray ma" ayun nabatukan tuloy sya.

"Bakit ganyan ka ha saka anong masama kung magkasama kayo magkahiwalay naman ang higaan doon ah." Sabi naman ng mama.

"Ayystt." Pagsang-ayon na niya iyon.

Nakatulog naman sila kaagad dala na rin siguro ng pagod.

"Dream of me love." Nakangiti pa ang mokong.

"Hindi ka sana makatulog." Sabi na naman ni Happy sabay talikod. Si Green naman hayun ang nakakalokong ngiti sabay pikit na rin ang mata.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon