Chapter 28: Missing you

36 2 0
                                    

Maagang nagising si Happy excited syang makita si Green. Miss na miss na nya ito. Si Ken naman ay napansin nyang may kausap sa cellphone, nakangiti ang binata...nagkibit balikat na lang sya, iniwan nya muna ito at saka sya pumunta sa kubo nya. Mag-isa lamang syang pumunta roon balak nyang maglinis at ayusin ang mga gamit doon para maipakita nya kay Green.

Nagulat sya sa nakita nya...bakit andoon sina Kitto at si Faith bakit sila magkasama. Agad nyang nilapitan si Faith para gisingin.

"Faith." Bulong nya dito. Agad namang nagising si Faith. "Anong ginagawa nyo dito?" Bulong pa ulit nito.

"Kasalanan mo...para kang mantika matulog di mo man lang kami pinagbuksan." Maktol nito sa kanya habang inaayos ang buhok.

"Hindi ko laging hawak ang cellphone ko..." lumapit sya sa pwesto ni Kitto.

“Kitto…” bulong ni Happy, mahimbing pang natutulog si Kitto.

“Happy…ano ka ba naman Happy hindi ka man lang nagising sa tawag namin kagabi.” Reklamo ni Kitto sa dalaga. Nakaupo na ito pero nakapikit pa rin ang mata.

“hindi ko na alam…bakit hindi ka tumawag nung maaga pa…sabi ni Green ikaw ang hinihintay nya.” Sabi naman nya. Habang inaayos ang mga gamit na nagkalat.

“hindi ako masyadong nakatulog grabi ang kalat mo dito ha.” Maktol pa nito.

“mabuti pa umuwi na muna kayo sa bahay lilinisin ko ito…masyado nang makalat yung mga gamit ko dito.” Sabi nya sa dalawa. Balak kasi dito sila magbonding pagdating nila Green.

Umuwi na ang dalawa. Naiwan syang mag-isa, nakita nya ang box na may pangalang Wine…naiisip nya na sana pagnagkita ulit sila maikwento nya dito ang mga magagandang nangyayari sa buhay nya ngayon hindi na sya umiiyak at hindi na sya malungkot. Napangiti pa sya ng makita ang binigay na mga gamit ni Wine na itinago nya. Napakunot ang noo nya bakit wala ang picture nila ni Wine. Hinanap niya iyon sa ibang mga kahon…hindi iyon pwedeng mawala dahil kailangan niya iyong ipakita kay Green. Hinanap niya ang picture pero tapos na syang maglinis hindi pa nya nakikita. Napaupo sya…san nya iyon hahanapin.

Nasa biyahe na sila Green…hindi nila kasama si Red may lakad pa daw ito. Hinayaan na lamang muna ito…nag-iisip pa din si Green possible nga kayang sya ang Wine na hinihintay ni Happy…pero bakit hindi nya ako kilala?

“may problema ba si Red?” tanong ni Rem sa kanya.

“Dad wants him to do it instead of me.” Sagot nya sa kaibigan.

“anong plano nya?” sabi naman ni Michelle.

“nag-iisip pa sya kailangan nyang bitawan ang The Print. Saka may mga personal issues sya. Dad told me na nagpaalam si Red.” Sagot niya dito.

“kailangan ba nyang gawin agad iyon?” Tanong pa rin ni Axyl.

“well kailangan kasi hindi naman biro ang gagawin nya.” Sagot lamang niya.

Napabuntong hininga si Rem sa sinabi ni Green. Kailangang iwan ni Red ang grupo para sa mas malaking responsibilidad.

Hindi nakita ni Happy ang picture na hinahanap niya. Nakaupo lamang siya gusto nyang mainis sa sarili bakit ba kasi nya dinala pa iyon sa Maynila baka kung saan pa nya iyon naiwan doon. Dumating si Kitto naupo ito sa tabi nya.

“Happy sorry nakialam kami ni Faith dito kagabi ha…wala na kami mapuntahan ehh…” ngiti lamang ang sagotb niya dito. “may problema ba?”  tanong pa nito.

“nag-aalala lang ako kung san ko ba naiwan yung isa sa mga picture dito…mahalaga kasi iyon palagay ko naiwan ko yun sa kung san sa bahay ni Green.” Sabi niya.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon