Kinabukasan nakahanda na ang gamit ni Happy nakapagpaalam na rin sya sa kanyang Ina, maging kay Faith. Binigyan sya ni Kitto ng paunang bayad kaya naipadala niya iyon kaagad sa kanyang ina.
"Totoo ba girl mag P-PA ka. Anong alam mo doon. Magbenta lang ng souvenir ang alam natin girl." Tanong ni Faith habang tinutulungan syang maghanda.
"Ano kay Mr. Green well sched lang naman ang hawak ko hindi naman ako mag - aartista saka nagagawa ko naman yun dati kay boss beki" mahinang sagot niya.
"Ano kay Papa Green" gulat na sabi niya. "Niloloko mo ko girl sige mag - iingat ka doon ha balik ka agad." Hindi sya naniniwala.
"Ayy bahala ka basta ha kaw ang contact ko dito si mama hindi na sinagot ang tawag ko." Sabi nya sa huli.
"Ok bahala ka basta wala na ako papaliwanag kay beki ha. Magtatanan ka ba girl pwede mong sabihin sakin." Sabi nito na ikinagulat ni Happy kaya hayun nabatukan sya. "Ray kasakit ahh." Hilot ang ulo na tinamaan ni Happy.
"Sari - sari ka akin na yan aalis na ako mag - iingat ka dito ha tatawag ako sayo mamaya." Sabi na lang niya habang palabas ng pinto. Naiwan si Faith na nahiga na sa sobrang pagod kakauwi lang din kasi nito.
Pagdating niya sa Hotel Batangenya nakita nya kaagad si Kitto kumaway ito sa kanya nakabihis na ito kaya pansin niya ang kagwapuhan nito kahit sa malayo. Naka - cap ito at nakaporma na ng pangperform.
"Hi. Ano halika na, akin na yan." Bati nito sabay abot sa dala nyang bag.
"Ahh salamat." Nakangiting sabi nya habang sumusunod kay Kitto.
Nakarating sila sa harap ng room nila Kitto maingay sa loob kasi nandoon ang lahag liban kay Red at Ken na nag - aayos pa sa kabilang kwarto.
"Ehhhemm guys." Napatingin ang iba sa kanila. Napansin nyang ang daming gwapong kaharap niya. Biyaya ba ito.
"Meet Happy. PA wanna be kamahalan." Baling nito kay Green na nagtanggal ng headphone na kasalukuyang nagpapractice pa ng piece nito mamaya sa road trip mini concert nila. Napatingin ito sa kanya syempre sya napangiti lang. Parang papalapit ito sa kanya at nagtatakang di nga ito mukhang magpapakamatay sa kanila lalo sa kanya.
"Kitto sana naman sinabi mo agad di yang nanggugulat ka. Sige na practice na. Halika Happy briefing tayo konti. Hayaan lang natin sila mag practice." Ngiti lang naiganti nya sa magandang babaeng nag - aaya sa kanya.
Nagkausap sila ni Michelle at nakuha naman agad niya ang mga dapat niyang gawin. Ngayon mukhang handa na ang lahat heto na naman ang nakakarinding hiyawan di pa man nag - uumpisa ang kantahan hiyawan na kaagad.
"Hey Happy...hawakan mo muna ang cellphone ko pag may tumawag sabihin mo naghahanap buhay pa ha." Sabi ni Green habang nakangiti sa kanya. Umakyat na ito sa truck at siya ay sumunod naman kay Michelle. Sigurado nya kaya lamang ito nakangiti ay may mga taong nakatingin dito.
Nag - umpisa na ang mini concert ng grupo. Hiyawan, kantahan at sayawan.
Mayamaya pa ay napansin nyang natutula na rin sya sa pagtitig nya sa boss nya grabing energy nito bigay todo talaga. Kita nya ito mula sa posisyon nila ni Michelle. Ang ganda ng boses ng mga nasa stage napapangiti sya sa nakikita si Kitto pa lamang ang talagang nakakausap nya sa grupo. Malamang mangungulit ito ng mangungulit sa kanya. At isa pa ang boss nyang hindi nya mahuli ang ugali. Hayy kaya ko ito. Go!

BINABASA MO ANG
Stuck With The Prince's
Fanfictionsomething sweet and cute selfless daw ang taong kayang magmahal to the highest limit ng pagmamahal yung pipiliing masaktan para sa ibang tao...yung kayang magpatawad ng paulit ulit...yung kayang isakripisyo ang sarili para sa iba...yung kayang magin...