Napapikit si Green sa mga biglang naalala nya...
"Bata...bakit umiiyak ka?" Sabi nya sa batang babaeng umiiyak sa may tabing dagat. Hindi ito nagsasalita.
"Uy!" Sigaw niya sa bata na nagulat pa sa ginawa nya.
"Ano ba?!!" Sigaw nito sa kanya.
"Pwede ba wag kang umiyak dyan sige ka pag ikaw narinig ng sirena dadalhin ka nila." Sabi niya sa bata.
"Wala nang sirena hindi na ako naniniwala doon." Sabi nito habang umiiyak pa din.
"Bakit ka nga umiiyak?" Pangungulit nya.
"Bakit ka ba nangungulit?" Pagkasabi noon ay umirap pa ito.
"Kasi sakin yang pwesto." Turo nito sa isang bato.
"Dala mo 'to dito?" Sarkastikong sagot ng batang babae.
"Hindi...pero ako ang nauna dyan." Sagot pa niya
"Bakit ako ang nakapwesto dito...sinong nauna?" Mataray na sagot nito.
"Ayytsss...bahala ka na nga dyan." Aalis na sya ng magsalita ulit ang bata.
"Totoo bang dinadala ng alon ang masasamang nangyayari sa buhay?" Tanong nito.
"Hindi...kasi bumabalik lang ang alon kung ipapadala mo yun sa alon babalik lang din yun." Sagot naman niya. Nilingon nya ang bata na umiiyak na naman. "Bakit umiiyak ka ulit tama naman sinabi ko di ba?" Dagdag pa niya.
"Dinadaya ko lang pala ang sarili ko kala ko kaya kong labanan ang nararamdaman ko." Sabi nito habang umiiyak. Hindi nya mapigilang maawa dito. Inilapat niya ang mga kamay sa balikat ng batang babae.
"Mahirap dayain ang sarili kaya ako...pinapalampas ko na lang." Sabi niya.
"Pano mo ginagawa?" Tanong pa nito.
"Ito..." iniabot niya ang notebook niya dito. "Isinusulat ko dito...sa kabila ka na gumawa nasulatan ko na yan kabila...wag mong babasahin ang sinulat ko ha." Umupo sya sa tabi ng babae. "Isusulat mo kung anong sakit na nararamdaman mo...tapos sasaya ka na matatawa ka sa sarili mo at matutulog ka...pagmalungkot ka na ulit babasahin mo ang sinulat mo at magsusulat ka ng panibago." Sabi niya dito.
"Di parang alon lang din pabalik balik lang din." Laglag ang balikat na sabi nito.
"Isa lang naman talaga ang dahilan kung bakit nalulungkot tayo ehh kaya paulit ulit lang din yun..." sagot nya tumingin ito sa kanya. "Kaya tayo nasasaktan dahil sa sarili natin...dahil di natin matanggap ang sakit na nararamdaman natin." Ngiting sabi niya dito. Isang ngiti ang sumilay sa labi ng bata.
"Salamat dito ha..." pagkasabi noon ay umalis na ito. Tumakbo ito palayo sa kanya...
Nagising si Green nang tumawag si Ken…
“dude si Happy…” bakit bigla syang kinabahan.
“anong nangyari? Anong nanayari!!!” sigaw niya sa kausap.
“I’m sorry dude…” bumibilis ang tibok ng puso nya.
“Ano ba Ken? Anong nangyari?” sabi ulit niya. Hindi agad nagsalita si Ken…God… “Ken? Anong bang nangyari…Ken!” galit na sya sa kausap. Agad syang tumayo wala na syang kasama…nasan na ang tatlong yun? Hindi na nya alam ang gagawin. “Ken what’s with you haaa…Ken pag hindi ka pa nagsalita…” banta niya dito.
“Miss na kita…” teka si Happy yun ahh.
“Happy…Happy ok lang love?” nakahinga sya ng maluwag…shucks… “yung puso ko love…papatayin mo ba ako?” natatawa sya sa sarili nya.
BINABASA MO ANG
Stuck With The Prince's
Fanficsomething sweet and cute selfless daw ang taong kayang magmahal to the highest limit ng pagmamahal yung pipiliing masaktan para sa ibang tao...yung kayang magpatawad ng paulit ulit...yung kayang isakripisyo ang sarili para sa iba...yung kayang magin...