Author's Note:
Ang kwento pong ito ay kathang - isip po lamang ng inyong author. Pinaghalong drama, kilig, comedy, imahinasyon at kawerdohan.
Sana po ay inyong magustohan,..
Pansin na pansin ang saya sa labi ni Faith. What's with that smile Faith?
"Saya teh?" Sabi ni Happy sa kaibigan.
"Girl saya talaga ako. Hahaha nasolo ko sya." Nakangiting sabi naman ni Faith.
Dinig nila ang tawanan sa ibaba. Dumating ang kapatid ni Faith na itinuring ding kapatid ni Happy. Inaya nyang mag-inom ang mga bisita ni Happy, syempre go ang tatlo. Sabay pa ang pag-aalala ni Happy na baka malasing ang tatlo. Patay na.
"Anong nangyari?" Usisa naman ni Happy.
"Hahaha pagkatapos ng performance nila kanina umuwi na si Ken kasi sobrang napagod daw ayun iniwan nya kami." Kwento naman ng dalaga, kinikilig pa.
"Hhhmm no napag-usapan nyo at nakangiti ka dyan? Share naman." Pangungulit ni Happy may akbay pa.
Naalala ni Faith ang nangyari.
"So how's our performance?" - Kitto.
"Ang galing walang kupas." - Faith.
"Talaga ha. Hhhmm so san tayo pasyal mo 'ko dito since nagsosolo yung dalawa at si Ken umalis na." - Kitto.
"Ahh ano san nga ba? May gusto ka bang puntahan?.. . Ahh lika papasyal kita sa paboritong lugar ni Happy." - Faith.
"Bakit kay Happy ikaw hindi?" - Kitto.
"Ayos lang din naman pag sa'kin lang kasi feel ko boring pagmag-isa lang pero si Happy kaya nya kahit solo lang sya." - Faith.
"So let's go then." - Kitto.
Naglakad - lakad lang ang dalawa hanggang marating nila isang kubo. Halatang namang matibay ito, hindi kataasan may limang hakbang lang ang hagdan.
"Wooww, ang ganda ahh akalain mo may ganyan dito. Hayst I miss home." - Kitto.
"Bakit may ganyan ka din sa inyo?" - Faith.
"Yeah. Before when I was a kid sa province namin." - Kitto.
"Talaga akalain mo ang englisherong katulad mo naaapreciate ang ganitong kasimpleng lugar." - Faith.
Nakapasok sila sa loob ng kubo namangha pa si Kitto sa buong paligid. May lumang larawan ng mga bata palagay niya sina Happy at Faith iyon. Naroon din ang mga kahon na puno ng abubot. May mga lumang notebook, libro at mga magazine. Isang kahon ang nakaagaw ng pansin niya para kasing nakita na nya iyon sa mga gamit ni Happy noon.
"Kay Happy ito di ba?" Pag-uusisa niya.
"Ahh oo ang alam ko dala nya yan sa Maynila ehh. Ahh baka yan yung dinala nya dito kahapon lang. Hayaan mo na yan mga kahibangan nya lang yan." Paliwanag ni Faith. Nakita nya ang larawan ni Green noong bata pa ito medyo maitim pa si Green at may kapayatan malayo sa ngayon pero kilala nya ito kasama nito si Happy. Biglang may kumurot ng kaunti sa puso nya, "magkakilala na nga sila noon pa lang", nasabi niya sa isip nya. Sabay isinara nya ang kahon at iniwan iyon.
"Bakit?" Nagtatakang tanong naman ni Faith.
"Ahh eh wala." Sabay upo sa papag. "So bakit may higaan dito wag mong sabihing natutulog kayo dito paglumalayas kayo sa inyo?" Bigla ngiti naman ang iginawad niya sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Stuck With The Prince's
Fanfictionsomething sweet and cute selfless daw ang taong kayang magmahal to the highest limit ng pagmamahal yung pipiliing masaktan para sa ibang tao...yung kayang magpatawad ng paulit ulit...yung kayang isakripisyo ang sarili para sa iba...yung kayang magin...