Chapter 11: PA to Girlfriend

50 2 0
                                    

Kinabukasan mumukat - mukat pa si Green paglabas nya sa kwarto. Nadatnan nya si Happy na nagluluto sa  kusina. Tiningnan lang sya nito.

"Lalabas ako mamaya anong oras na ba." Tanong nya dito.

"Alas nuebe na po sir." Sabi lang nito.

"Wag kang masyadong pormal. Hindi ko prefer na tinatawag akong sir, Green na lang. Nakamove - on ka na ba sa panyo mo." Nangingiting sabi niya.

"Hindi ko yun makakalimutan. Pero ok na din alam kong maiintindihan naman yun ni Wine kung sakaling magkita ulit kami. Halika na kumain ka na po muna." Sabi nito si Green ay kinuha naman ang panyo sa kwarto.

"Ohh ayan. Nilabhan ko na. Kumain ka na rin sasama ka sakin." Sabi nito pagkaabot ng panyo kay Happy.

"Ohh wow sabi mo... naku salamat naman hindi ko na kailangan magpaliwanag kung ganun." Nakangiti niyang sabi. "Naku balak ko sanang maglinis ng kwarto ehh. San tayo pupunta." Tanong niya.

"Sa mall kailangan mo ng disenteng damit." Maikling sagot ng dalaga.

"Malaswa ba damit ko?" Sabi naman ni Happy.

"Fashion sense." Nang - aasar na sabi ni Green.

Nanahimik lang si Happy kumain sila ng tahimik. Pagkakain ay naghanda na sila pareho papunta sa mall.

Magandang sasakyan ang dala ni Green. Wala pa ring imikan. Mamaya maya ay nagring ang cellphone ni Green. High tech. Sinagot ni Green ang tawag.

"Hello Red. Im driving." Sabi ni Green sa kausap.

"Call mom" - Red

"Why would I? Ang dami naman ng aabalahin Red."

"Just call her now." - Red

"Fine, later."

"Its important Green. Call her now! " - Red

"Bakit ka sumisigaw?" Kunot noong sabi ni Green.

End call.

"Please call my mom." Baling nito sa kanya.

Tumalima agad si Happy. Dial agad bes usok ang ilong ni koya.

Ring...ring...

"Hello mom. May problema ba?" Nag - aalalang tanong agad nito.

"Pumunta ka sa bahay" - Mom

"Why?"

"Just do what I say!" - -Mom

"Later. May pupuntahan pa ako."
"Bilisan mo." - Mom

End call.

"Ahhhrrg ano bang problema nila." Sabi ni Green ng bigla.

"Tinanong mo sana." Sabi naman ni Happy.

"Puro sigaw." Maikling sabi nito.

Pagdating nila sa mall. Namili ito ng damit na pangbabae. Tila alam na nito ang sukat ng bibilhin.

"Koleksyon?" Nangingiting tanong ni Happy. Matalas na tingin lang ang iginawad nito sa kanya kaya natahimik lang.

Sige quite ako.

Anong klaseng tao kaya talaga itong isang ito. Biglang bubuga, biglang tahimik, biglang magagalit, biglang ngingiti hindi nya talaga mahuli ang ugali nito. Dagdag pa si Red na kaptid nito na ganoon din ata ang ugali. Ang tingin lang nya ngayon harmless talaga ito.

Si Green ay abala sa pagpili ng mga damit na para kay Happy. Tinititigan niya paminsan ang dalaga para matatya kung kasya ito sa dalaga. Nahihiwagaan sya isang ito isang taong hindi nakakaappreciate sa kagwapuhan niya. Isa pa itong Wine na ito sino kaya yun boyfriend niya? Wala naman syang pakialam doon. Alam nyang iba ang dating ni Happy sa mga kasama niya lalo na kay Kitto. Ganoon din si Red na napupuna niyang iba ang tingin sa dalaga noong una palang. Pati si Ken di lang ata si Axyl kasi may long time girlfriend ito. Awan na lamang niya kung ano pa ang mayroon sa babaeng ito.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon