Chapter 26: It's Over

28 2 0
                                    

Hindi makatulog si Red sa pag-iisip sa mga pwede nilang gawin para matigil na ang ginagawang kahibangan ni Gennie. Naaawa din syang isipin na gagawin talaga nila iyon sa kaibigan…hindi naman ito dating ganoon ehh siguro nga ay dahil na rin sa mga magulang nitong walang pakialam liban sa pera…palagi nilang ginagawan ng kwento ang mga nagagawa ni Gennie na kabaliwan…

“dude matulog kana bukas na yan…” sabi ni Green sa kapatid na nakatayo lang sa may bintana with matching cross arms pa. “alam kong matalino ka pero wag mong masyadong dibdibin yan.” Sabi niya sa kapatid sabay abot ng beer dito.

“ang hirap nito dude…kaibigan natin si Gennie…kailangan ba nating gawin iyon sa kanya?” sabi mayamaya kay Green.

“well nananakit na sya nagawa na nya noon…magagawa nya ulit yun ngayon.” Sabi lamang niya.

“ok then…so how’s Happy?” tanong nya mayamaya.

“well sabi ni Ken galit pa rin daw…haaahh God I missed her.” Sabi nya, napahiga sya pagkasabi noon.

“kailangan na nating tapusin ito.” Sagot naman ni Red.

“heyy dude! Green…” sigaw ni Rem mula sa labas agad na tumayo si Red para buksan ang pinto.

“ohhh…dude kala ko nasa Japan ka?” tanong ni Red sa kaibigan.

“ehh tumawag si Michy...kinontak sya ni Ken kahapon...may problema daw kayo.” Sabi nito. “where’s Happy, is she ok?” tanong pa nito.

“nasa Batangas sya...si Ken ang kasama nya doon.” Sagot lang ni Green. “wala ka na bang trabaho?” tanong pa niya.

“tinapos ko na dude...I can help…” sabi ni Rem. “what’s the plan…may plano na ba? Paano tayo mag-uumpisa?” sunod sunod na tanong nito. Iling lang ang naisagot ng dalawa. Napabuntong hininga na lamang silang tatlo, napasalampak na lamang si Red sa couch.

Umaga na wala pa rin silang plano, paano ba nila lalabanan si Gennie. Alangan namang saktan na lang nila ito, alangan namang paglaruan nila ito…

“TAMA!” sigaw ni Red.

“aytsss Red! Ano ba yan?” galit na sigaw ni Green sa kapatid na halatang gulat na gulat.

“baka mauna ka pa kay Gennie sa mental dude…” natatawang sabi ni Rem.

“aytsss…ano ba? May naisip na akong solusyon.” Nakangiting sabi niya may akbay pa. “tanggapin mo ang trabaho bukas kahit tayong tatlo lang sigurado malalaman agad ni Gennie iyon at pupunta sya…tapos…

Nasa isang studio na ang tatlo kinontak ni Red si Axyl para sa isang event na sila lang apat dahil nasa bakasyon pa si Kitto. Sinabi nila kay Axyl ang plano at sumang-ayon ito…

Palaging wala si Axyl kasi ay busy na rin ito sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Pink hindi pa naaannounce pero baka double wedding na nila ni Rem iyon… balik tayo sa plano nila…

Naghahanda na sila para sa event…isang simpleng event lamang iyon na matagal nang dapat tinanggap pero dahil sa sunod-sunod na concerts at bakasyon ng grupo ay ngayon lang nila nagawa…natuwa ang organizer sa pagpayag ni Green dahil marami silang guests ngayon at matutuwa ang mga ito sa mga magpeperform…kahit apat lang sila at hindi masyadong prepared hindi naman na issue yun magaling naman sila.

“Ready guys? We’re about to start in 10 minutes…” nakangiting sabi ng baklang organizer.

“ok…” sagot ni Michelle. “ok ready na ha wag nang masyado energy ha apat lang kayo.” Utos niya sa mga ito.

“yes ma’am…” sabi naman ni Rem at Axyl. Si Green at Red ay natatawa lamang.

Natapos ang event kaagad…si Michelle ay nauna nang umuwi ipihatid na lamang sya ng kasintahan sa driver niya…nag-inoman pa ang apat ng kaunti sa bar ng hotel nakita na ni Green si Gennie…

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon