Chapter 1: Ticket

121 2 0
                                    

Halos na basag ang eardrums ni Happy dahil sa tili ng kaibigang si Faith.

"Girllllll, girl omg, omg, Happy bumangon ka dyan. Dali!" sigaw ni Faith.

"Ano ba yan Faith may sunog ba, panira ka ng panaginip Faith kahit kailan." inis na sagot ni Happy habang kamot ulong bumangon ito.

"Girl omg, ang the p.print lumalapit na sila sakin girl." kilig na sagot ni Faith, sabay upo sa gilid ng higaan. Halos dalawang b'wan na silang naninirahan sa bahay na sila na lamang dalawa. Pinili ni Happy na sumama na kay Faith na mangupahan ng bahay sa bayan ng Batangas mas ok na iyon kaysa naman palaging makarinig ng galit mula sa Mama nya, kunsumisyon ang tingin nito ngayon sa kanya dahil nadagdagan na naman ang alagain nito dahil ang ate niya hayun nag-iwan na naman ng bata sa kanila kundangan lamang nga't kapatid niya ito.

"Aahh ay ano ga yan girl. Ano ga yang print print na yan pera ba yan girl at binulahaw mo ako." kunot ang noong nasabi nito ng may punto.

"Girl, kita mo yan, yang poster na yan yan ang the print sila ang grupo ng mga prince charming ko, omg padating sila dini girl, makikita ko sila ng personal, ay  hindi... natin ng personal. Di ga sabi mo gwapo sila." tuturo at kukurap kurap ang mga nitong sagot sa kanya.

"Ayy oo nga gwapo nga ay may pera ba." Sagot pa nya.

"Papahinga tayo girl, larga tayo sa gabi tatlong gabi  yun girl, di tayo gagala dun lang please." Nagmamakaawa pa ito dahil alam niyang di ito papayag kaagad.

"pahinga pero pupunta doon. Ano iyon girl, wala tayong pera." Sagot niya habang tinitingnan ang cp niya.

"Girl may cupoun na ako galing kay JekJek ano tara ha, pasyal at enjoy tayo minsan." Pataas taas kilay pang sabi nito.

"Hooo ano pang gagawin ko ay andyan na naku papagod laang." walang buhay na sabi niya sabay higa.

"Oohh yeahh, see you soon my prince." sabi ni Faith habang nakatingin sa poster ng the print.
Ayon si Happy nanaginip na ulit.

Author's Note:

Si Faith ay kaibigan ni Happy, magbestfriend sila since birth daw. Ninang ni Happy ang mama ni Faith at ninang din Faith ang mama ni Happy. Mama na rin ang tawag ni Faith sa mama ni Happy malimit na sa bahay nila natutulog si Faith. Sya ay mas bata ng isang taon kay Happy. Masayahin, masipag at maganda ang dalaga simple lamang din ito gaya ni Happy mas maboka nga lang ito sa nararamdaman niya ng paghanga nito sa grupong the print. Masayang kasama ang dalaga at lubos ang ligaya nya ng di lang makasama Kitto naging kaclose pa niya.

Itinuring na nyang kapatid si Happy. Masaya sya pagmasaya si Happy. Malungkot naman pag malungkot ito. May mga panahon na nag-aaway sila pero nasosolve naman agad nila iyon maunawain din kasi naman talaga itong si Faith. Vocal sya sa pagkagusto niya kay Kitto hindi nya alam na may paghanga ang binata sa kaibigan niya at pinili ni Happy na hindi na lang iyon sabihin kay Faith.

Pareho sila ng gustong marating sa buhay. Makatapos ng pag-aaral at gumanda ang buhay. Sa kasalukuyan ay nagtatrabaho siya sa souvenir shop na inalisan ni Happy siya ang pansamantalang pumalit sa kaibigan.

Maging sya ay walang alam sa totoong namamagitan kay Green at sa kaibigan hindi na rin niya inalam ang totoong istorya basta masaya sya para sa kaibigan.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon