Chapter 6: I think I Love You

31 0 0
                                    

Nagkaroon ng pagkakataon si Rem na magawa ang binalak niyang pagtatapat kay  Michelle na inihingi pa nya sa mga kasama ng payo. Hindi nya akalaing si Green pa ang makapagtuturo sa kanya ng mga dapat at di dapat na sabihin dahil di pa naman nito nararanas ng magtapat, sa huli nalaman niyang natutunan ito ng kaibigan sa mga workshops, di kasi sya nakakaganap ng ganong mga eksena kaya wala din syang ideya.

26 years old na si Rem matanda sya ng isang taon kay Green na kababata niya. Si Michelle naman ay nakilala lamang ni Green sa mga event nito noong nag-uumpisa pa lamang ang carreer nito.

"Ahhm ano kamusta ka naman." Basag ni Rem sa katahimikan.

"Bakit biglang ang kaswal mo?" Tanong naman ni Michelle.

"Ahh ano lang. Hayysst bakit nawala lahat ng sasabihin ko." Sabi ni Rem habang nangingiti.

"Ano daw." Nangingiting sabi na lamang din ni Michelle.

"Ano kasi" sabay hawak sa kamay ni Michelle na ikinagulat naman ng dalaga. "Ano Michy hoohhaa...hmmm...ano parang ano kasi ayyytsss ang dami kasing sinabi ni Green nalilito tuloy ako. Pero seryoso Michy..."

Nakatulala lang ang dalaga na parang alam na nya ang sasabihin ng binata pero syempre ayaw niyang mag-assume baka mahopia at si Green pa talaga nagturo ha nakakatakot.

"Michy... I think I love you." Nasabi na nya ng walang paligoy - ligoy pa.

"Ahhhm... hhmm teka wait hihinga lang ako." Sumilay ang ngiti sa labi nito. "Bakit wala akong masabi ano ahhh totoo?" Yun lang ang naidagdag nya sabay napapikit sa sobrang saya na nararamdaman niya.

"Ano Michy kung wala ha wag ka maiilang ha promise di ako..." naputol ang sasabihin niya ng biglang halikan ni Michelle ang labi niya mabilis lang yun sabay nagkatinginan sila at nagyakap ng bigla sa huli. Inilayo ni Rem si Michelle hawak ang balikat.

"Ibig sabihin...ahahhaah yessss yesss. Mahal mo rin ako." Tuwang sabi ni Rem.

"Ummo." Hinalikan sya ng binata sa labi at tinanggap niya iyon ng walang pag-aalinlangan.

Magkahawak kamay na naglalakad ang dalawa sa hallway nakatingin ang tatlo sa kanilang dalawa. Nakangiti rin ang mga ito ng makalapit sa kanila.

"Ohh yeah." Nasabi ni Green sabay apir sa kaibigan sa gilid.

"Luma-love life ang aking kaibigan." Sabi naman ni Axyl.

"Ano kayo ngayon ang tatanda nyo na maglove life na rin ha." Sabi naman ni Rem habang naglalakad sila papunta sa room ni Michelle nagpaiwan ang tatlo sa may pinto ng room nila.

"Goodnight." Nasabi ni Michelle bago pumasok sa loob.

Goodnight." Sagot na lamang ni Rem. Akmang hahalikan niya ang dalaga ng maisip na nakatingin ang tatlong kumag nahiya naman siya.

"I love you." Nasabi na lamang niya sabay yakap sa dalaga.

"I think I also love you." Sagot naman ni Michelle.

Kantyawan ang magkakaibigan pagpasok sa kanya - kanyang mga kwarto. Habang ang dalawang naiwan ay mahimbing ng natutulog.

Walang pakialam talaga sa plano ang dalawang ito. Nasabi ng author kasi wala sila ng magtapat si Rem ehh. Hayy naku.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon