Chapter 16: Vacation Mode 2

29 2 0
                                    

Naiinis pa rin si Happy sa mga nangyari. Hayun ang boss nyang walangya nagsasaya sa labas ng bahay matapos ang agahan ay puro gala na lang sila pakiramdan nya ay mas pagod pa sya ngayon kesa sa araw araw na trabaho sa GLee. Nasa loob sya ng bahay hanggang maghapon panuy sinama sya ng mama nya sa palengke kaya hayun over sa pagod talaga.

Hapon na ng maalala nyang wala sina Kitto. Baka kinidnap na yun ni Faith ahh.

"Hey san sina Kitto bakit wala pa sila?" Tanong nya kay Green na nakatanaw lang sa dagat.

"Ewan ko ikaw taga rito ehh." Sagot naman nito.

"Anong nangyari sayo?" Tanong naman niya.

"Anong nangyari sakin ehh ngayon mo lang ako kinausap." Nagtatampong sagot nito sabay pa ang pagyuko.

"Huy ang drama mo. Malamang nakakinis kaya yun. Sige sorry na lika hanapin natin sila baka andoon sa kabila." Aya nya dito. Napangiti naman si Green saka sumunod sa dalaga. Handa nyang isinuot ang hood ng jacket nya.

Narating nila ang isang resort. Maingay at marami ng ilaw kasi ay maggagabi na rin. Nakapasok sila agad dahil kilala si Happy ng gwardiya na nagbabantay dito madalas magtinda si Happy at si Faith noong mga highschool pa sila. Napansin ni Green ang tila nagpaparty na mga tao at panay ang sigawan. Hinawakan niya ang kamay ni Happy at saka tinungo ang kasayahan.

"Wooahh" "yeaahhh ohh haa" "ang galingggg" "tanggalin na yang mask" "oo nga hoohhh woooa" sigawan ng mga tao mukhang alam na nila kung sino ang nasa itaas at tila nagpeperform hindi napapatid ang energy ng dalawang nasa itaas. Good thing na hindi napapansin ng mga tao ang presensya niya sa baba. Nangingiti sya sa ipinapakita ng dalawang kapatid niya sa grupo. Nakita ni Happy si Faith tinawag niya ito agad itong lumapit sa kanila.

Sinyas lamang ang ginawa nito nagsasabing "OK".

Inagaw naman ni Green ang atensyon ni Happy para makaalis sa lugar na iyon. Binulungan naman ni Happy si Faith.

"Tigil nyo na yan. Pababain mo sila dyan ha." Bulong niya kay Faith.

"Oo mamaya baba na sila." Pagsisigurdo naman ni Faith.

Naglakad na sina Happy at Green palayo sa lugar. Muli silang napadpad sa tabing dagat. Tahimik lang silang naglalakad at hinahayaan lamang ni Happy ang kasama na damhin ang kaligayahang hatid ng tunog ng mga alon na humahampas sa dalampasigan. Natutuwa syang makita ang isang taong nasa kanya na ang lahat yaman, trabaho, kasikatan at madami pang iba ay pinapaligaya ngayon ng alon ng dagat.

"Alam mo bata pa ako ng huli kaming magbakasyon kasama ang mga magulang at kapatid ko. yun bang walang iniisip na iba kundi magsaya lang na kasama ang pamilya." Basag ni Green sa katahimikan.

"Haahh" nabigkas lamang niya.

"Masaya kami noong nagbabakasyon kasi premyo yun kapag nakakuha kami ng A plus sa grades naming dalawa ni Pink. sa korea kami nakabase noon. Umuuwi kami ng Pilipinas kapag bakasyon." Nahinto sila sa may malaking bato. Tahimik lamang si Happy na nakikinig.

"Nung namatay ang lolo ko nagbago ang lahat. Si Dad ang humawak ng Lee Group, ang GLee bahagi lamang yan ng kompanyang hawak ni Dad. Wala na syang pakialam maka A plus man kami o F. Dagdag mo pa ang pagdating ni Red anak sya ni Dad sa ibang babae sinusustentuhan nya ito pero nung namatay ang Mama ni Red ipinahatid sya ng lola nya samin. Inalagaan sya ni Mom itinuring na tunay na anak. Lumaki kami sa bahay na puno ng kompetisyon. Palagi kaming nag-aaway ni Red. Dumating sa time na umalis ako ng bahay para magrebelde I was 14 years old that time." Bumuntong hininga si Green at napatingin kay Happy ngumiti ang dalaga sinyales na gusto nyang makinig.

"That time was the darkest time na hindi ko na naalala. Hindi sa hindi ko gustong maalala ha talaga lang hindi ko na maalala. Nagka-amnesia ako ng maaksidente ako. Lost memories are possible at possible din na may mga alala na hindi mo na talaga maaalala." Kwento ni green.

"So you mean iniisip mo na may kulang sa buhay mo kasi di mo yun maalala?" Tanong naman ni Happy.

"Yeahh sometimes pero ok na rin atleast Im ok now." Sagot ni Green.

"And...?" Sabi naman ni Happy.

"Three years akong nagpagamot sa korea then it happen na bumalik ang alala ko pero yung aksidente na sinasabi nila hindi ko matandaan. That time naging close kami ni Red nawala ang kompitesyon sa pagitan naming dalawa. Umiyak sya sa harap ko ng makita niya akong buhay at buo."Im sorry for the bad things I've done. I promise to be good starting this time. I promise to obey you. To be your brother and not a competition to you. I promise to follow you as you're older than me." - Green.

"Talaga ginawa nya yun?" Natatawang sabi ni Happy.

"Oo he's crying as if Im dying hahha alam mo yun kaya nga ok na din kahit hindi ko na naaalala yung ibang memories atleast I created so much memories now with those people I loved and with those around every now and then including you." - Green.

"Hhmm.?" Napatingin si Happy kay Green.

Ngiti lang ang nagawa ni Green, napangiti na din sya.

"Nagawa naman ba nya yung mga promises nya.?" Nakangiti pa rin sya.

"Yeah." Nagkatawanan sila sa huli habang ini-imagine ni Happy ang itsura ni Red nung araw na yun.

"Buti hindi ka naapektuhan ng nangyari sayo ano? I mean kumakanta ka,sumasayaw, umaarte diba." Dagdag pa ni Happy.

"Well I promise my self na gagawin ko ang lahat maimprove lang ang sarili ko. Kaya nga ipinaglalaban ko yun kay Dad kita mo naman." Sabi ni Green.

"Haayyst ahhhm ang lamig na tara na sa bahay baka hinahanap na tayo doon." Pag-aaya niya kay Green.

Nagsimula silang maglakad pauwi sa bahay. Nagutom si Happy sa mahabang kwento ni Green. Atleast may nalaman sya sa side ni Green. Sana matulungan nya si Green na maalala yung missing piece ng memory ng binata.

Halata ang pagod ng dalawang hataw sa pagpeperform kanina lang. Nakasalampak sila sa sahig habang namamahinga. At halata din ang saya sa mukha ni Faith. Napansin agad iyon ni Happy kaya agad niyang kinumpronta ang kaibigan.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon