Chapter 5: Anghel

38 1 0
                                    

Pagkatapos ng event kanya kanyang kalasan ang mga tao. May mga nanatili pa sa venue umaasang makikita sa malapitan ang the print. Ang grupo naman deritso na sa tinutuluyan nilang hotel. Nadatnan ni Green si Kitto na nakaupo sa sahig na hindi napapatid ang ngiti sa labi.

"Hoyy mahipan ka." Nangingiting sabi ni Green.

"Wag ka dyan." Sabi naman ni Kitto.

"Nung nangyari sayo, si Red asan?" Tanong ni Green.

"Wala pa ahh kaw pa lang ang dumarating." Sagot ni Kitto sabay abot ng beer in can kay Green.

"Wow kala ko pagod ka bakit may painom inom ka pa." Sabay upo biglang pasok din naman ni Red.

"Eh namahinga naman ako. Iba talaga dude bakit di ko makaya energy mo." Sabi na lamang ni Kitto.

"Ohh nong meron." Nagtatakang sabi ni Red.

"Wala dude masaya lang ako nakakita ako ng anghel." Sabay na lumapit ang dalawa kay Kitto at hinawakan ang noo at leeg nito.

"Mamatay ka na ba dude." Sabi ni Red.

"Packing tape ka dude. Ambata ko pa ha." Galit na sabi naman nya. "Dude di ba you need a PA, I think I found one earlier meron sya ng mga kailangan mo." Biglang ngiti naman sya.

"Hindi naman kailangan mukhang ok naman na wala tayong mga PA ahh. Saka hindi ako natanggap ng recommendations ngayon. Yun nga lang sa scheduling mahirap." Sabi ni Green bago tunggain ang beer.

"Magbibihis muna ako." Paalam naman ni Red.

"Teka san ka galing kahapon bakit nahuli ka." Pagtatanong naman ni Green sa kapatid.

"Wala may di nagkaintindihan. Saka none of your business big bro." Nangingiting sagot ni Red.

"Well then. Balik sayo, anong anghel sinasabi mo." Baling nya kay Kitto.

"Yun nga pupuntahan ko sya bukas. Para alukin ng trabaho. As your PA dude. Ang ganda nya ang bait at di sya obssess sayo good thing hahaha." Sabi ni Kitto.

"Naka ilan ka na ba lasing ka na ata eh.." sabi ni Green habang tuloy sa pagtungga ng alak at tumingin sa cellphone dahil nagtext si Rem nag-aaya silang mag-inom.

"Red bilisan mo lalabas tayo." Sigaw nya sa kapatid. "At ikaw matulog ka na." Baling nya kay Kitto.

"Sama ako." Sabi ni Kitto.

"Hindiii... magpahinga ka na." Sabay na sabi ng dalawa.

"Ahhhyysst." Walang nagawa si Kitto.

Lumabas ang dalawa kasama sina Rem, Axyl, at Michell, si Ken naman piniling magpahinga dahil kasama niya si Kitto na mall ang larga kinabukasan baka matakot ang nga fans pagka di sya gwapong haharap sa mga ito.

Nagsaya ang lima sa labas na parang walang iniintinding mga tao na baka makilala sila nasa tabing dagat sila ng huli, good thing na malapit sa dagat ang hotel na tinutuluyan nila at walang masyadong tao.

Hindi na nakatagal si Michelle nagpapasundo sya sa kaibigang make up artist para makabalik na sa hotel. Nagkaroon naman ng pagkakataon si Rem na masolo ang dalaga kaya sya na ang nagpresinta na maghahatid dito at naunawaan naman ng tatlo ang gusto nyang gawin kaya binayaan nila ito. Alam ng mga kasama niya ang balak na pagtatapat ni Rem sa dalaga kaya hinayaan lamang nila ito.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon