Chapter 23: Confession 2

30 2 0
                                    

Malalim na ang gabi pero gising pa rin si Green, iniisip nya ang panaginip niya habang nasa byahe sila kanina lamang. Nakatitig lang sya sa mukha ni Happy, sa panaginip niya si Happy ang nakikita nya na kasama niya ng araw na iyon. Anong ibigsabihin noon? Dapat ko ng kalimutan ang nakaraan at tanging si Happy na lang ang isipin ko o gusto mong isipin kong si Happy yun? Paano magiging si Happy iyun eh wala namang nababanggit si Happy tungkol sa alaalang iyon? Haytsss… Ipinikit ni Green ang mga mata at isang bagay ang pumasok sa isip nya ang panyo ni Happy na iniingatan nito. Kailangan kong alamin kung anong meron sa panyo na iyun.

Nakatulog si Green sa pag-iisip, nagising si Happy sa gitna ng gabi naalala nya ang sinabi ni Green sa kanya. “alam kong hindi pa humihingi ng tawad ang Papa mo napatawad mo na sya, ganoon ka kabuting tao Happy…” Napangiti sya ng makitang ang taong kasama nya ay ang taong palaging nandyan para sa kanya. Ang taong unang nakakilala sa kung ano sya na sya mismo ay hindi nya kilala. Mahimbing na natutulog si Green, gusto nyang hawakan ang mukha nito pero naisip nya na mababaw matulog si Green baka magising kung ganoon. Naiwan na lang syang nakatingin lang sa magandang mukha ng binata.

Maaga pa ng magising si Happy, pero wala na si Green sa tabi niya. Ang aga naman nyang nagising. Natanaw niya si Green na kausap ang isa sa mga tiyuhin niya nag-aayos ito ng mga gamit sa pagtitinda sa plasa. Masaya silang nag-uusap. Ibang klase talaga ang taong ito. Ganoon sya kadaling makasundo di tulad nyang hindi marunong makipagkaibigan… noon! Hindi na ngayon. Napangiti sya sa nakikita niya.

“anak anong ginagawa  mo dyan?” Sabi ng kanyang ina na wala naman doon kanina. Sa gulat niya muntik na syang mahulog sa bintana.

“Ma! Papatayin mo ba ako?” nasabi na lang niya.

“magkape ka na doon hindi yang agang aga nagpapantasya ka riyan.” Natatawang sabi ng ina.

“Ma!” sabi na lang nya, pulang pula ang pisngi nya sa naisip niya, ano bang itsura ko kanina?

Alas dyes nang umalis sila sa bahay ng lola nya iniwan na nila ang sasakyan at nilakad na lang iyon, kasama nila ang lola niya pati ang isa nyang tiyahin, panganay na kapatid ng kanyang ama. Ninenerbyos talaga siya paano nya haharapin ang tatay niya. Si Green naman ay kinalimutan muna ang isipin para suportahan ang dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Happy para iassure itong wag syang mag-aalala at andoon lang sya. Napangiti naman sya, iba ka talaga Green.

Napahinto si Happy nang matanaw ang bahay ng Papa niya. Tahimik ang bahay, bakit pakiramdam niya ay hindi nya gusto ang nakikita. Naiwan silang dalawa ni Green sa isang kanto, ipinikit niya ang mga mata at inisip ang magiging reaksyon niya. Niyakap sya ni Green.

“ok ka lang? dito na muna tayo.” Tanong ni Green sa kanya.

“natatakot ako.” Sabi lang niya.

“andito lang ako. Feel free to hold my hand.” Nakangiting sabi ni Green sabay hawak sa kamay niya.

“salamat.” Nakangiting sabi naman niya.

“let’s go?” sabi naman ni Green na nakahawak sa kamay niya.

Ramdam niya ang lungkot sa mukha ng kanyang ina kita niya ito mula sa labas ng bahay. Umiiyak ito. Pumasok na sila sa loob at nagulat siya sa nakita nya. Bakit ganito si Papa bakit ang hina-hina niya?

“a…an…anakkk…” sabi ng lalaking nahiga lang sa kama. Payat ang katawan at isang babae ang nag-aalaga, tiyahin niya ito, nasan ang babaeng umagaw sa Papa niya. Bakit wala sya dito bakit mag-isa lang si Papa?

“Pa!” pagkasabi noon ay lumapit sya sa ama, si Green ay nakatingin lang sa reaksyon niya. Niyakap nya ang ama at saka hinawakan ang mukha nito. “Andito na kami Pa, andito na kami, sorry Pa, sorry…” umiiyak na sabi ni Happy sa ama. Niyakap naman ni Green ang Mama ni Happy para pakalmahin ito, iyakan lamang ang naririnig niya. Bakit hindi ko iyon magawa kay Dad, bakit wala na akong nararamdaman  kundi galit…dahil ba wala na syang pakialam sa mararamdaman ko?

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon