Special Chapter

37 2 0
                                    

Corny and Wine

Excited si Happy nang malamang dadalawin nila ang Papa nya at susurpesahin ito. Ilang buwan na kasi itong hindi nakakauwi sa Batangas kaya miss na miss na nya ang ama. Mula kasi nang mamatay ang lolo nya ay ito na ang namahala sa negosyo ng pamilya nila sa Bicol, habang silang mag-iina ay nasa Batangas. Naging set-up na nilang palagiang dadalaw ang ama sa kanila, ngunit naging busy daw sa trabaho kaya hindi na nakakauwi. Nagpasya silang surpresahi na lamang ito, maagang nagsarado ng tindahan ang mama nya para maghanda na sila sa pagbiyahe papuntang Bicol..pansin niya ang malungkot na awra ng ina. Pinilit nyang wag mag-isip palaging may katext ang ina, at tila nakakasira iyon sa mood ng ina, pinipilit nyang mabasa ang laman ng text bakit niya ito maintindihan. Samantala nasa biyahe na sila nang makatulog sya. Masamang panaginip ang gumising sa kanya habol ang hinga siyang yumakap sa ina. Agad naman syang niyakap nito at napansin nyan nakapikit din ang mata ng ina...tulog pala. Muli syang bumalik sa pagtulog. Mahimbing na syang natulog sa huli. Nakarating sila ng Bicol...pero nagtaka syang bakit hindi sa bahay nila sila umuwi bakit sa bahay ng lola nya.

"Ma...dito na lang po muna kami." Sabi ng mama nya.

"Nabuti na rin iyun at miss na miss ko na itong batang ito." Napangiti naman sya sa sinabi ng lola nya.

"Hindi ko na po isinama si Grace at may project pa silang tinatapos sa school." - mama.

"Pano ang gagawin mo...palagay ko ay hindi susuko si Susan kahit kami ay binabaliktad niya." - lola.

"Kakausapin ko sila bukas...at nang munawaan ko rin po." - mama.

"Hindi ko alam bakit nagkagun si Henry parang tutang sunod ng sunod." - lola.

"Malaman ko rin po yun pagnakausap ko sya bukas." - mama.

"Ay sya sige sasamahan nalang kita bukas. Ngayon magpahinga na muna kayo." - lola.

Gusto nyang magtanong sa ina...pero wala itong kibo kaya nanahimik na lang sya. Kinabukasan maagang nagising si Happy pero wala na doon ang ina. Hinanap niya ito sa labas pero wala ito...nagpasya syang mag-ayos na muna ng sarili baka nasa bahay na nila ito susunod na lamang sya.

Nakangiti si Happy ng matanaw na malapit na sya sa bahay nila. Nakita nya ang mama nya na nakatayo lang sa labas...bakit parang may mali...bakit ganoon si mama?

Humakbang syang palapit sa bahay. Ngayon naririnig na nya ang boses ng mga nag-uusap...para sa isang sampong taong gulang mahirap unawain ang sinasabi nila...pero nauunawaan niya ito.

"Wala na akong magagawa sa kung anong meron kayo...pero sana naman magkaroon ka ng kahihiyan sa mga sinasabi mo tungkol sa mga anak ko...hindi sila gamit na basta na lang itatapon...sana wag kang magkaanak para hindi nila maranasang maging ina ang katulad mo." - boses iyon ng kanyang ina na halata nyang galit.

"Hhhmm talaga wala kang pakialam eh bakit nandito pa rin kasama mo pa yang anak mo sinabi ko na sayo na wala ka ng  asawa dito...tumuloy ka pa din." Bosea iyon ng isang babae.

"Hindi ko isinama ang anak ko para maging dahilan na mabawi ko ang asawa ko isinama ko sya dahil gusto nyang makita ang papa nya." - mama.

"Pwes hindi ako papayag...saka hindi rin iyon gusto ni Henry kaya nga wala sya dito di ba.?" - higad.

Pumatak ang luha sa mga mata ni Happy...kaya sila tumuloy sa lola nya kasi ayaw silang makita ng papa nya. Ramdam nya ang sakit na gumuhit sa puso niya. Hindi maipaliwanag ang sakit na iyon...ang kauna-unahang lalaking nagsabi sa kanya na mahal na mahal sya ay ang unang lalaki din na nanakit at tumalikod sa kanya. Gusto niyang magwala...

"Pinagkatiwalaan kita Susan...itinuring kitang kaibigan traydor ka...sana hindi ka na lang nagpakita ng kabaitan para hindi ako makonsinsyang saktan ka ngayon." Naiiyak na sabi ng mama nya.

Stuck With The Prince'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon