Chapter 6

220 38 54
                                    

1st day

(Judy Ann Potente POV)

Nandito ako ngayon sa gilid ng sasakyan nagtatago. Habang nakasilip, kay Kenneth. Nasa loob siya ng starbucks at umoorder. 5:15pm na ngayon. Kapag umuuwi siya ng 4pm, hindi ko na siya nasusundan pauwi. Pero pag 5, saktong uwian ko. Iniistalk ko pa siya.

"Grande Cappuccino ang order niya with one piece of cheese cake." Pagkalabas niya, tamang tama yung sinabi ko. Hahaha, stalker be like, knows everything.

Naglakad na siya, pauwi sakanila. Walk distance lang naman ang bahay niya. Pero pag umuulan, nag titricycle na iyan.

Walk. Walk. Walk. Talikod. Harap. Punta sa may puno. Ilang street nalang at malapit na kami sa bahay niya.
Tumigil siya sa paglalakad at mabilis naman akong nagtago sa gilid.

"Kenneth! Long time no see" sabi ng isang guy na walang suot pang itaas. Tapos may sigarilyo siyang hawak. "Balita ko, nakipag suntukan daw kayo nung isang araw?"

"Paano mo nalaman?"

"Hinahanap ka sa bahay mo.." hindi siya nakasagot sa sinabi nito."Hindi ka man lang ba mag-aalala?"

"Walang tao sa bahay..bakit ako mag-aalala" nasan kaya ang family niya? Never ko kasing nakita na may kasama siya na pamilya niya.

"Ganun ba talaga, kapag wala ka ng pinoprotektahan.. di kana natatakot?" Hindi ulit ito sumagot. "Isang gang. With 15 members!? Ang g*go talaga ninyo ni Clarence. Wala kayong kinatatakutan."

"Hindi ako ang nagsimula--"

"Ou si Clarence! Bigla nalang sinuntok yung leader nila ng walang dahilan. Tapos tinulungan mo naman at kinampihan kayo ng mga gwardiya roon. At pinapulis pa ninyo at one month silang nasa presinto." Napatakip ako sa bibig ko. Napakasama ni Clarence!

"Pag hindi ko tinulungan si Clarence, magagalit ang magulang niyab at mas nakakatakot iyun"

Halimaw talaga itong Clarence na ito. Huhu. Pati si my labs ko, nadadamay pa! Bakit pa kasi sumasama siya sa halimaw na iyun!? Saka bakit naman siya matatakot sa magulang!? Kung kasalanan naman ni Clarence ang lahat noh.

Naglalakad na ako pauwi samin at saktong umulan naman ng malakas. Kinuha ko yung payong ko, na may butas butas na maliliit. Tapos puno ng kalawang. Kaya bago ko pa ito mabuksan. Basang basa na ako.

Hindi ko nga alam purpose nitong payong na ito eh. Kung nababasa rin naman ako. Saka, bumabaliktad ito kapag malakas yung hangin.

And unfortunately, ganun nga ang nangyare at mas malala pa. Dahil tinangay ito ng malakas na hangin, papunta sa highway.

"Sh*t!" Napapikit ako. Akala ko masasagasaan na yung payong ko. Tumigil ang isang sasakyan, nagbusina lang ito ng marami.

Tumakbo ako at kinuha ko yung payong ko. Bago ako makaalis, nakarinig muna ako ng maraming mura galing sa driver.

Patakbo akong umalis ng highway. Nang may humila ng kamay ko

"WAAAAAH!! TULONG" pinasok ako nito sa sasakyan niya at wala akong tigil sa pagwawala. Binubuksan ko yung pintuan, at kinakatok yung bintana.

"ANO BA ANG GUSTO MO! WALA AKONG PERA SAMPUNG PISO NALANG ANG MERON AKO" sigaw ko roon sa driver at sabay sabunot.

"Bitawan mo ako! Aray!" pinagsasampal ko na siya. Natatakot ako. Baka bigla itong maglabas ng baril o kutsilyo niya----

Natigil ako sa ginagawa ko, ng may tumatawa sa gilid ko.

"Clarence!?"

"Continue on what you're doing. I love to watch it.." nakangiti niting sabe habang kumakain ng popcorn

She Died 3 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon