The bitch
Nakaupo ako ngayon sa pinaka dulo sa gilid ng bintana. Nung last year kasi lagi na lang kasi ako natatawag sa recitations pag sa unahan nakaupo. Tapos magagalit sakin mga kaklase ko, kesyo favorite raw ako. Pero ang totoo naman kasi, nasa unahan kasi ako nakapwesto nun kaya napapansin kaagad.
Napatingin ako sa kaliwa ko, na kakaupo lang. Mukang transferee, dahil unfamiliar ang face niya at sino ba naman gugusto na makatabi ako?
Tinignan ko siya head to toe, mahaba ang buhok niya hanggang bewang at may bangs siya. Nakasuot siya ng salamin at abala sa pagbabasa ng libro.
"Hi" dinikit ko yung chair ko sakanya.
"Hello, Judy Ann"
"You know me!" Masigla kong sabe.
Natawa siya "of course , you're famous here" kung ganun bakit di ako kilala ni Kenneth? "By the way, I'm Megan.." inabot ko yung kamay niya at nakipag shake hands.
Pumasok na yung prof namin sa World Literature and nag introduce kami isa't isa, parang bata. Pag tapos nun nag patest, about doon sa lesson namin last year and iyun naka perfect score na naman ako.. ang pinagkaiba lang ay, may katulad ako ng score. Si Megan.
Nang lumabas na yung prof namin, pinaikutan kami ng mga kaklase namin at tinignan ng masama si Megan, pero si Megan kinuha nalang ang libro niya at nagbasa.
"Transferee ka lang rito, kaya paano mo mapeperfect yung test, eh lahat ng tanong doon ay mga ni lesson namin last year."
"Siguro nangopya ka lang kay Judy Ann!" Gusto ko ng sumabat sa pag-aakusa nila kay Megan. Pero di ako makapag salita, sunod sunod ang tanong nila.
"Kaya ka tumabi sakanya para mangopya!"
"Tinatanong ka namin ng maayos, tumingin ka samin. Huwag kang bastos!"
Binaba ni Megan ang libro niya at ngumiti.
Napanganga ako sa ginawa niya, yung ngiti niya ay parang wala lang sakanya lahat and isa pa SH*T. Ang ganda niya. Pero bakit ako kapag ngumingiti wala namang nagbabago?
"First of all, the questions in the test was basic. 2nd, common sense is enough to answer it all. 3rd, how can I even respect each of you? If in the first place, you didn't even respected me.." kalmado nitong sabi. Isa isang nag balikan ang mga kaklase ko sa upuan. Mga ilang minuto pa ay, tumayo siya at lumabas dala ang bag.
"Mag cucutting ba siya?" Narinig kong bulungan ng mga kaklase ko.
Napatingin nalang ako sa bintana at inaantay na lumabas si Megan. And after minutes, lumabas siya with -- Kenneth.
That girl! Is a totally bitch. Kanina nung nagtetest, I saw her may kodigo siya at first look, she looks nerd and smart. PERO HINDI TALAGA. Satingin ko nag didisguise lang siya, for her own good. And kailangan malaman ito ni Kenneth my labs ko ito.
Napapikit ako ng mata ko habang nag-iisip ng kung ano ano. Nang di ko namamalayan, nakatulog na ako.
"Okay class. Bring out your 1/4 sheet of paper and we will have a quizzes for today"
"Pero ikaw ang gusto ko..Gusto ko maging akin ka.. Please Judy Ann" napaka blurred ng paligid pero napaka clear ng sinasabi niya sakin.
"Bakit? Ano bang nagustuhan mo sakin?" I ask him.
"LAHAT. Yung pagiging simple mo at totoo yung di ka nag mamake-up or ano mang nilalagay sa mukha. Yung di mo sinasagot yung mga nang bubully sayo. Pagiging matulungin mo. Tapos yung pagiging positive minded mo, na kahit na alam mong impossibleng magustuhan ka ng taong mahal mo di ka pa rin susuko. Tapos yung pagmamahal mo sa pamilya mo. Basta lahat! "
I know whose voice is this, but I don't want to admit. That was so impossible. Namamali lang siguro ako. Pero there is one thing that makes me happy.
Someone will loved on me.
"Ms.Potente?"
"Ma'am, Baliw na ito!! Ngumingiti mag-isa", halos mabingi ako sa tawanan nila at unti unting minulat ang mata.
Nasa harapan ko na pala si Mrs.Ramirez at may klase na pala kami ngayun. Gee!
Agad akong umayos ng upo ko. "S-sorry Ma'am" Nakayuko kong sabi. Habang naka cross arms siya at taas kilay.
"1st day of class, tinutulugan mo lang ako! Akala mo ba alam mo na ang lahat?" Wala naman akong sinasabe na alam ko, napuyat lang talaga ako kahapon. "Alam mo dahil dyan sa asal mo, sa tingin mo bibigyan kita ng mataas na grade! Ang panget mo na nga pati ugali mo!"
Tinalasan niya ako ng tingin, na para bang nandidiri. Saktong pumasok sa loob si Megan at tinignan siya ng lahat. Inaantay ko na pagalitan siya gaya ng sakin. Pero hindi, pu nga pala, galit lang si maam sa mga panget. Katulad ko.
"Maam tama na po!" sabay tayo ko. Nakakainis na, dahil napaka unfair. Dapat si Megan yung pinagagalitan niya ng ganito at hindi ako.
"Bakit sa tingin mo ba alam mo na ang tinuturo ko para di ka makinig!"
I just nodded. Ayokong magmayabang. Pero dahil sa inis ko, gusto ko namang ipagtanggol ang sarili ko. Sa paraan na alam ko na magaling ako.
Pagkabell lumabas na ako agad ng room. Pahiya na naman sakin si Ma'am Ramirez. Pinarecite ng recite niya ako, about doon sa tinuro niya kanina. Hanggang maubos yung oras niya sakin. Buti na lang advance ako mag self study kaya alam na alam ko na kung paano i-solve.
Nasa may bench ako, habang nag-babasa nang libro ko sa Marketing.
"Judy Ann!" napatingin ako sa sumigaw si Kylie.
"Oh?"
"Di mo pa raw naibibigay kay Kenneth yung pinapaabot ko sayo?" Sabay cross arms nito.
"Kanina ko pa naibigay" sabay tingin ko sa libro ko. Nang bigla naman niyang agawin sakin.
"Ayy bastos?!" Sigaw ko sa kanya. Bad trip talaga ako ngayong araw na ito. Paano dahil kay Megan.
"Ikaw ang bastos! kitang kinakausap pa kita e". Sabi ni niya at inirapan ko na lang siya. Pero alam ko, panget pa rin ako. Nothing changed. Next time nga, iiyak naman ako. Baka naman gumanda na ako.
"Naibigay ko na kasi"
"Wala pa nga raw!"
"Wala kabang tiwala sakin?"
Umiling naman siya.
"Gusto mo pa papuntahin ko pa siya rito eh" hamon nito.
"Osige ba!!" Kunwari galit, pero sa totoo kinikilig. Ayyiieee makikita ko ulit si Kenneth.
"Sige I will call him!" Tapos nilabas niya yung cellphone niya at tinapat sa may tenga niya.
"Hello Mike Kenneth , pumunta ka rito sa may garden now na!!" At binaba na niya yung cellphone niya. Halos atakihin ako sa narinig. Bukod sa mala boss niyang utos, ibang Kenneth pala yung tinutukoy niya.
What the f*ck! MIKE KENNETH as in Mike? Name ng kaklase ko at hindi si Andrew Kenneth na may labs ko.
"Ang baho pa naman ng laman nun....Patay na daga". Sabay kamot ni Kylie sa ulo niya. Tae!! Baket ba sila nag-aalaga ng patay na daga? "Saan mo ba kase nilagay? Mangamoy pa yun. Bwiset kase iyang Mike na iyan, siya nag bigay sakin kahapon ng plastik na iyun. Tapos patay na daga pala! Argh. Nakakahiya tuloy sa mama ko. "Parang na froze ako sa nalaman ko at di ko namalayan tumatakbo na pala ako, papunta sa room nila Kenneth.
Gosssh! Nakakahiya. Sorry Kenneth, di ko alam kung paano ko i-eexplain ang lahat.