Chapter 13

180 29 14
                                    

Is just a kiss

(Judy Ann Potente POV)

"Ate ano ba iyan ang laki laki ng eye bag mo! Panget kana nga lalo mo pang pinapapangit ang sarili mo" sabe ni Mika habang may nilalagay na ano mang pangpaputi sa mukha ko. "Saka yung tigyawat mo, bakit ba parami ng parami?" Sabe nito habang napapakamot sa ulo.

Tumingin ako maigi sa salamin. "Wala pa ito kagabi!?" Akmang titirisin ko ito ng hilahin ni Mika ang kamay ko.

"ATE LALONG DADAMI IYAN" inagaw niya sa kamay ko yung salamin. "Ako na muna ang bahala sa mukha mo..sisiguraduhin kong mapapatingin sayo lahat ng lalake na madadaanan mo" nakangisi nitong sabe. Sa totoo lang, wala rin akong tiwala sa kapatid ko na ito, para rin itong si Rence puro kalokohan ang alam. Teka! Bakit ba bigla kong naisip yung antipatiko na iyun.

"Ate ito nalang po suotin mo.." ipinakita sakin ni Grace yung floral dress na hanggang tuhod. "Hiniram ko lang ito kay Jinjin, branded daw ito. Ibinili raw sakanya ito ng boyfriend niya na galing pa sa ibang bansa" hindi ko kilala yung Jinjin na iyun, pero I love this dress. Simple lang pero elegante tignan. SHET. Naeexcite na ako sa 2nd date namin ni Kenneth. Medyo hindi ganun kamemorable yung 1st date ko, Pero ngayon? Hinga muna ng malalim. SOLO LANG NAMING DALAWA.

"Ano ba itsura ng Kenneth na iyan?" Tanong ni ate Miranda habang naghuhugas siya ng mga pinggan.

"Mas gwapo lang naman siya kay Rence"

"Kasing yaman ba ni Rence?" Nakangising tanong ni ate Frett. Bakit ba pinagkukumpara namin yung dalawa! Kahit naman sino sakanila ay hindi magiging akin.

"Hindi, actually hindi siya--" mayaman. Pero wala akong pakielam!

"Anong hindi?"

"Hindi niya kasing yaman si Rence. Pero masipag siyang tao at mabuti. Unlike ni Rence walang modo"

Tinignan ako ng masama ni ate Frett. "Alam mo kung hindi lang nagtitinda ngayon si mama. Sigurado akong hindi siya papayag sa date mo ngayon.."

Agad namang nakisali si Grace sa usapan. "Dapat nga nandoon ka lang sa Machine House ngayon. Para naman magkadevelopan na kayo ni kuya Rence" naparolled eyes ako sa sinabe niya.

"That will never happen!"

Tinitirintas na ni Mika yung buhok ko. "Basta ate Judy Ann, kapag nag failed yung date ninyo ngayon ni Kenneth. Sana wala ng kaagaw si Rence sa puso" sabe ni Mika. "Ohh. Tapos na! Tadah!" Kukunin ko sana sa kamay niya yung salamin pero mabilis niyang itong tinago sa likod.

"Bakit ayaw mo ba ipakita sakin?"

"Wala ka naman kasing taste pagdating sa make up. Kaya huwag mo nalang tignan! Tanungin mo nalang sila"

Napatingin ako kay Grace na biglang nagtakip ng kamay sa bibig niya. May gusto siyang sabihin na hindi niya masabe sabe. Si ate Miranda naman ay kinuntinue ang paghuhugas. Si ate Frett ay nag thumbs up sakin. "You looks great! Maiinlove sayo nyan si Kenneth.. hundred sure" natatawa nitong sabe. Weirdo!

"Alam kong ngayon lang ako naging maganda sa paningin ninyong lahat, huwag kayong mag-alala. Magiging araw araw na ito.." nakangiti kong sabe bago lumabas ng bahay.

Straight body, chin up and chest out akong naglalakad papunta roon sa meeting place namin. Kada madadaan ko na tao ay pansin kong nakatingin sakin. Mapababae o lalake.

"Hi miss! Sasakay ka po?" Tanong sakin ng tricycle driver. Umiling lang ako sakanya at nagulat ako ng bigla akong kindatan.

Binilisan ko lalo ang paglalakad ko. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ang daming tao na nagsasabe na mahirap maging maganda. Paano habulin ka ng mga stranger.

She Died 3 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon