Chapter 10

196 32 10
                                    

Detention

(Judy Ann Potente POV)

Hindi ako makapag focus ngayon sa test paper, nanghihina buo kong katawan kahit yung kamay nanginginig, kaya kada pag guhit ko sa papel, parang anytime mahuhulog ko yung ballpen. Kumikirot yung tyan ko sa sakit dahil sa gutom. Kagabi pa kasi ako huling kumain tapos kanina after namin sa retail ni Kenneth bumalik kami sa garden at wala na roon yung dalawang lunch box namin.

"Judy Ann salamat ah.." napatingin ako sa unahan at nakangiti sakin yung isa kong kaklase na babae. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin.

Nagkakaguluhan yung iba naming kaklase dahil sa isang papel. Yung iba na hindi ko naman kaclose ay biglang titingin sakin at ngingiti.

Hindi ko nalang sila ininda finocus ko ang isip ko sa test paper ko. Sana mahuli sila ng teacher namin.

"Nandyan na si ma'am" sigaw ng isa naming kaklase na lalake na nakapwesto sa may pintuan.

Makalipas ang limang minuto..

Lumapit si Mrs.Villafuerte kay Kiel. "Ano itong papel na ito?" Hinila ni maam yung papel na nakaipit sa test paper niya. "Kodigo ito ah!?" Nanlilisik ang dalawa nitong mata at inilukot nito ang papel.

"Kaynino ito galing?" Napatingin sakin ang iba na ikinataka ko naman. Tumingin nalang ako ulit sa papel ko, kinakabahan kasi ako sa tingin nila sakin. Pagbintangan pa ako.

"Ma'am meron din pong kodigo si Mika!!" Napatingin kaming lahat kay Allaine na vice president namin. Nakayuko si Mika para na siyang maiiyak.

Tumayo ito at ngumiti "At may listahan po ako ng mga nagkodigo.." naka pamewang si Allaine nung sinabe niya iyun. Maraming naiinis sa ugali niya, dahil papansin siya to the point na naglalaglag na siya ng tao.

Kinuha ni maam yung kodigo kay Mika at yung list ni Allaine na mga nagkodigo.

"Tumayo lahat ng tatawagin ko!!! Lawrence, Fernandez, Labadia, Abdon, Matic, Magleo, Corazon, Racelis, Raci, Hans, Reyes, Cruz, Tuazon, Mataac, Crisolo, Cecilio, Constancia, Moss, Maglaque." 80% ang tumayo samin kahit yung mga hindi natawag ay tumayo pa rin.

Napalunok ako dahil sa takot. Ngayon lang ito nangyare samin.

Napahilot si maam sa ulo niya para siyang mahihilo. Inalalayan agad siya ni Allaine sa bewang at inabutan nito ng tubig. Uminom muna si maam bago nagsalita.

"Halos buong klase ang bababa ng office? Alam ba ninyo kung gaano nakakahiya ito?"

"Maam bakit hindi nalang ang nagpakodigo ang papuntahin mo sa guidance office?" Suggest ni Allaine. Hindi pa rin siya umaalis sa tabi ni maam.

May binulong si maam kay Allaine.

Lumapit ito sakin at ibinaba niya yung dalawang kodigo sa lamesa ko. "Pangalan mo ang nandyan.." naka cross arms na sinabe ni Allaine at nakataas ang isa niyang kilay.

Tinignan ko yung papel "hindi sakin galing iyan.." nakayuko kong sabi hindi ko lubos maisip na may gagamit ng pangalan ko.

"Eh bakit pangalan mo ang nandyan?" Hindi ko sinagot ang tanong ni Allaine.

Tumayo ako at tumingin kay maam. "Kung sakin po galing ang sagot na iyan, bakit ko po isusulat ang pangalan ko? Bakit ko po hahayaan na mapahamak ang sarili ko.." paliwanag ko. Maraming nag agree sa sinabe ko, pero si maam hindi nagpatinag.

"Allaine, tignan mo nga ang test paper ni Judy Ann at yung kodigo kung parehas.." napatakip ako sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa pagbabasehan ni maam. Malamang!? PERFECT ako sa test. Sana nga hindi na!

She Died 3 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon