A/N: azengot thank you sa pagtadtad ng comments HAHAHA. I really appreciate it ♥
Truth
(Judy Ann Potente's POV)
Pagkababa namin sa sasakyan niya, ay hinila ko yung kamay niya at tumingin sa wrist clock niya. 3:45am.
Nandito kami ngayon sa tagaytay. At guess kung anong amusement park ito? Well.
SKY RANCH!
May tatlong empleyado na nag aantay samin at dalawang guards sa gilid.
"Good morning po!" Sabay sabay nilang sabe at yumuko samin. Este kay Rence lang pala. Tss. Hari talaga itong lalake na ito!
Hindi sila pinansin ni Rence at dirediretsyo lang ito sa pagpasok.
Yumuko ako sakanila at humingi ng pasensya sa ginawa nito. "Sigurado ba kayong kaibigan ni Rence yung may-ari ng Sky Ranch? Ang sungit sungit kasi nito. KAYA PAANO SIYA MAGKAKAROON NG KAIBIGAN?" Hindi pa sila nakakasagot sa tanong ko ay naramdaman ko nalang na may humawak sa bewang ko. Na naging dahilan ng pagkagulat ng mga employee rito.
Mukhang sweet yung ginawa niya. Pero, langya siya! Dahan dahan niya akong kiniliti sa tagiliran (malakas po ang kiliti ko huhu) tapos mahina niyang sinabe sakin. Ang ingay ko raw. Oh diba! ABNORMAL talaga siya. Dahil lang doon kikilitiin na ako!?
Ito yung mga sinakyan namin na rides:
Racing car (10X)
Music Express (15X) Umidlip lang ako rito sa balikat ni Rence haha. Ang ganda kasi ng mga kanta nakakarelax, tapos hindi naman ganun kabilis yung rides. Para ka lang dinuduyan. Planet Trium (2X) and Super Vikings (3X)Nakaupo na kaming dalawa sa bench, habang yung tatlong staff naman ay naka tanaw samin sa malayo.
"Hindi nga natin kasama yung mga guard mo, may tatlong staff naman ang nakabantay sayo" dismayado kong sabe. Habang kinakagat kagat ko yung kuko ko.
Nagsalita si Rence habang nakatingin sa kawalan. "Ano gusto mong gawin nila? Hindi ako bantayan?" Pansin ko lang. Sinasagot na ni Rence lahat ng tanong at medyo humahaba na yung sinasabe niya. CONGRATS. TAO KANA RENCE.
"Hindi naman sa ganun.. pero para kasing ang lungkot ng buhay mo. Kung lagi nalang may naka-mata sayo, kahit saan ka pumunta..parang wala ka pa ring freedom. Kasi wala kang privacy sa buhay mo"
Hindi siya sumagot sa sinabe ko, kaya dinugtungan ko nalang. "Bakit ba hindi kana lang pumunta sa Amerika para makasama mo papa or yung mama mo?" Hindi siya umimik. "Bakit hindi mo kasama si Yanna?" Tumingin siya sakin at mayamaya pa ay bigla siyang tumayo at naglakad palayo sakin.
Anong problema nun?
Hinabol ko siya at hinila yung kamay niya. "Ano ba ang problema mo!?" Sigaw ko sa kanya. Ang gulo gulo kasi ng ugali niya. Parang kanina lang ilang pasandal sandal pa siya sa balikat ko nung nasa rides kami.
Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako ng masama
"Ikaw ang problema ko! Bakit ba ang dami mong tinatanong sakin" nakakatakot siya kapag nagagalit. Para bang gustong tumiklop ng dila ko. Pero hindi! AYOKO. Gusto ko malaman yung totoo kung bakit ganto siya ka-apektado sa tanong ko."Ano ba ang masama sa tinanong ko! Basic questions lang iyun. Wala namang equation ito o scientific explanation. Kaya bakit ba hirap na hirap kang sumagot!"
Huminga siya ng malalim bago nag salita. "Nasa History iyun Judy Ann. Nasa history ng buhay ko.. kaya hindi ko kaya sagutin iyang tanong mo" Ramdam ko yung kalungkutan niya nung sinabe ito at parang bang anytime babagsak na itong luha niya.