A/N: Mapapadalas na ang pag-uupdate ko. Siguro hanggang 30 chapters lang ito haha. Kaya huwag sana kayo magsawa sa pagsuporta and please share this to your friends their, kung sino man yung adik sa watty. Mas lalo na yung bff ko dyan. Istorya niya ito! Huyy.. ipabasa mo ito sa mga kaklase mo HAHAHA.
I am his property
(Judy Ann Potente's POV)
"By the way, I'm Judy Ann."
Tinignan niya ako head to toe. "Nick" sumakay na siya sa motor niya at umangkas naman ako sa likod niya.
"Girlfriend ka ni Kenneth?" Namula yung dalawa kong pisngi sa tanong niya. Yung tulad ko mapag kakamalaman na girlfriend niya? Well that's an honour."Soon"
First time ko lang makasakay sa motor at tulad nga ng inaasahan ko. Parang nasa action movie ako. Mahigpit ang hawak ko sa bewang niya at yung buhok ko ay humaharang sa mukha ko.
Nandito kami ni Nick sa Master Bar, tinignan lang ako ng guard pero hindi naman ako pinigilan nito, siguro dahil kasama ko si Nick na matagal na rito.
First time ko lang din makapasok sa isang bar. Akala ko rati ang lahat ng bar ay pang "cheap" lamang. Pero mali ako, kung magiging hotel man itong bar na ito, masasabe kong pang 5 star hotel ito.
Maraming foreigners dito. Sa 1st floor pangdance floor at banda. Sa 2nd floor mga babaeng sumasayaw ng pangsexy dance. 3rd floor mga sugalan at sa 4th floor maraming mga kwarto. I don't know what is the purpose of this at bakit kami nandito.
"Sigurado ka bang nandito sila?" Natatakot ako. Baka wala talaga si Kenneth dito. Baka may gawin siya saking masama? Pero masama namang manghusga, since na ako naman ang nagpumilit na sumama sakanya.
Ngumisi siya sa tanong ko. "Gusto mo pa ba ako sundan?"
Huminga ako ng malalim. Be strong Judy Ann!
"Ou"Ini-swipe niya ang ID niya roon sa scanner at bigla itong nagbukas. Pagkapasok namin, akala ko isang maliit na kwarto lang. Pero hindi kasya rito ang 20 na katao at may mini stage rito.
Nagtinginan silang lahat sakin na akala mo ay ngayon lang nakakita ng babae. "Hi" nahihiya kong sabe.
Bakit ako lang babae rito!
"Judy Ann ano ginagawa mo rito!?" Lalapit palang sakin si Kenneth ng harangan siya ng isang lalake na may malakeng katawan. I think lahat sila may malaking katawan dito.
"Sinundan ka haha" sinubukan kong maging casual sa pagtawa ko. Pero mukhang nahalata ata nila yung kaba ko.
"We have a guest!! HAHAHA"
Sinenyasan ako ng isang lalake na may malaking katawan na maraming tattoo, na umupo sa tabi niya.
Nagulat ako sa pagtulak sakin ni Nick. "Umupo ka roon!" Utos nito sakin.
Pamartsa akong umupo roon sa mukhang boss nila.
"Excited ka ba sa laban nila?" Tanong nito sakin."Laban nino?"
Pa-cool effect niyang itinuro si Nick and Kenneth. "Sino ipinunta mo sakanila? HAHAHA" sa totoo lang, siya lang ang tumatawa rito. Baliw ata ito.
"Syempre ako!" Sabe ni Nick habang nakataas ang kanang kamay. Naparolled eyes lang ako. "Dahil sakin kaya ka nandito diba?" Is that a big deal? Bwiset!
"Whatever Nick.." piling ko nagpapalakas points lang iyan sa kesyo "boss" na panget nila.
"Ano mangyayare kapag nanalo at natalo sa laban?" Tanong ko.