A/N: Kahapon 202 votes at yung comments 211. Pero ngayon mas mataas na yung votes! Huhu. Guys comment lang, sobrang saya ko na promise.
17 days after the charity
(Judy Ann Potente's POV)
Nakahiga ako sa higaan ng salon at nakapikit ang dalawa kong mata habang may nakalagay cucumber. Nandito ako ngayon sa Jing Monis Salon, sa Makati City ang isa sa pinaka mamahalin na salon dito sa Pilipinas.
Kahapon galing ako ng derma, naka 2 session na ako, start nung last week.
Naka suot ako ng pang bathrobe, para mamaya kapag minakeup-pan na ako ay hindi maduhihan ang dress ko.
Naramdaman kong may humawak ng kamay ko. "Kenneth?"
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Hindi ako nakasagot agad sa tanong niya. Sigurado nga ba ako sa plano ni Big Boss kay Rence? Paano kung saktan niya ito?
"Wala na ako magagawa Kenneth, at isa pa si big boss ang gumastos lahat ng ito. Talagang pursigido siyang makuha si Rence" ang hirap i-describe ng itsura ko ngayon. Dahil mas malayo nung hindi pa ako nagpapaderma. Ilang beses na akong tumitingin sa salamin, at piling ko ay gumaganda na ako. "Kenneth, hindi naman siguro nila sasaktan si Rence diba?"
"Ewan ko, alam mo ba ang intensyon mo big boss bakit gusto niya kunin si Rence?"
"Dahil gusto niya ito parusahan.."
"Hindi iyun.."
Inalis ko yung cucumber sa mata ko, at umupo ako at humarap sakanya.
"Ano iyun Kenneth?"
"Yung HCI CMD. Gusto niya humingi kay Rence" nakahinga naman ako ng malalim at humiga ako ulit. Pero hindi ko muna ibinalik yung cucumber.
"Siguro naman kapag kinidnap ni boss si Rence, ay ibibigay din niya yung gusto nito. Para hindi na siya saktan nito." After ng charity, medyo gumaan na yung loob ko kay Rence. Hindi na niya ako inaasar at hindi na rin siya pipe tulad ng dati. Kaya sobra akong nag-aalala ngayon para kay Rence. Kung pwede nga lang sabihin sakanya yung totoo. Kung pwede ko nga lang siya iligtas ngayon. Pero hindi pwede, paano na si Kenneth?
(After 5 hours)
"Siguradong maiinlove sayo nyan si Rence kapag nakita ka HAHAHA" nandito ako ngayon sa backseat nakaupo. Nasa kanan ko si Kenneth at sa kaliwa si bigboss.
"Akalain mo iyun, may gandang hindi inakala ka pala! HAHAHA" hawak hawak niya yung isang bote ng wine at umiinom ito kada tigil ng salita."Galingan mo umarte Judy Ann ah! May nireserve ako sainyong room at doon namin kayo huhulihin HAHAHA"
Nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabe niyang room. Wala naman iyun sa plano namin ah! Ang usapan ay yayayain ko si Rence na lumabas kaming dalawa at doon kami huhulihin. "Wala naman po sa plano iyun!"
"I changed my mind. Kasi kung doon namin kayo sa labas kikidnapin, baka may nakabantay sainyong mga guard... kaya mas magandang sa kwarto nalang" nilapit niya ang mukha niya sakin at kumindat. "Para sure na kayong dalawa lang.." hindi ko alam kung saan ba dapat akong matakot. Yung pag istay namin sa room? Or sa pagkuha kay Rence?
Bago ako makalabas ng sasakyan ay hinawakan muna ni Kenneth ang kamay ko. "1st rules huwag kang-iinom ng marami. 2nd, walang kiss kahit smack lang and 3rd pag nasa room na kayo.. dumistansya ka kay Rence." Nanlaki ang dalawang mata ko sa sinabe niya. "Baka malasing iyun, kaya mas mabuti ng mag-ingat." Napalunok ako ng dalawang beses. Dapat ba talaga pag-isipan ko ng ganito si Rence? Hindi naman siguro niya gagawin iyun. "Ang sobrang ganda mo pa naman ngayon at ang" tinignan niya yung dress ko. "And sexy" sabay iwas niya ng tingin.